Chapter CX: Awakening
---
MAKIKITA ang mabilis na pagbalot ng itim na enerhiya sa katawan ni Shawn, hindi makapaniwala si Lucy sa biglaang paglabas ng itim na usok sa katawan ni Shawn kanina. Ang akala niya kanina ay wala nang natitirang enerhiya mula sa katawan ng kaibigan, subalit ang enerhiyang kaniyang nakikita ay nagmumula mismo sa loob ng katawan nito.
Si Shawn ay kasalukuyan naman na nagtataka dahil sa biglang pagdaloy ng kakaibang enerhiya sa kaniyang katawan, hindi niya alam kung anong pakiramdaman ito subalit ang enerhiyang ito ay mayroong kakaibang pakiramdam sa kaniyang mga ugat.
Pakiramdam niya ay nagmumula ito sa kakaibang lugar kung saan naroroon si Hades, mukhang mayroon nanamang kakaibang nangyayari sa kaniya dahil sa bagay na hindi niya alam. Marahil ay mayroon siyang nagawang hindi naayon sa kaniyang paggamit ng kaniyang enerhiya,
Samantala sa kasalukuyan naman ay makikita sa harapan ni Shawn si Gelal, na ngayon ay makikitang natutuwa sa kasalukuyan nitong nasasaksihan. Mabilis na tumataas ang enerhiyang tinataglay ng batang ito, hindi siya makapaniwala na sa pamamagitan lamang ng kaniyang pag-babanggit ng kanilang plano sa harapan ng batang ito ay bigla na lamang may lilitaw na itim na enerhiya sa katawan nito.
Akala nga niya ay wala ng lakas na natitira sa katawan nito, subalit hindi pa pala nauubos ang enerhiya na mayroon ito. Sa kaniyang palagay ay malaki na ang enerhiya na natatanggap nito mula sa diyos ng kadiliman, malaki nang bahagi ng unang lebel ng kapangyarihan ni Hades ang nagagamit nito.
Mukhang nakahanap talaga ng angkop na tagapagmana ang Diyos ng kadiliman sa pagkakataon na ito, sapagkap noong unang panahon ay sinubukan ni Hades na magsalin ng taglay nitong kapangyarihan sa isang hamak na mortal. At lahat sa mga sanggol na sinalinan nito ng kaniyang kapangyarihan ay kaagad na namamatay, ginagawa ito noon ni Hades dahil napaka-halaga ng kaniyang tinataglay na kapangyarihan.
Na siya lamang ang bukod tanging nilalang na nakakagamit nito, dahil sa kakaibang abilidad na mayroong ang blue Flame. Ay nilayuan at kinatakutan ang Diyos ng Kadiliman, kaya naman hinayaan niya na lamang na siya ay mag-isa. At simula noon ay naging mag-isa na lamang si Hades sa bawat labanan, at ang kasama lamang nito ay ang kaniyang alaga na isang Divine Beast.
At ang pinaka naging libangan ni Hades ay ang pahirapan ang Angkan ng mga Diyablo, at dahil sa mga aksyon na ito ni Hades ay ang siyang ikinagalit ng noon ay ang Hari ng mga Diyablo na si Lucifer. Si Shawn naman ay kasalukuyan na nababalutan ng itim na enerhiya, at ang kalidad ng aura na inilalabas ng katawan nito ay sadyang napakataas.
Si Hades naman ay kasalukuyan na nagugulat sa mabilis na pagdaloy ng malakas na enerhiya sa katawan ni Shawn, pamilyar na pamilyar sa kaniya ang enerhiya na dumadaloy ngayon sa katawan ni Shawn. Dahil sa enerhiyang iyun ay napatingin siya sa pwesto kung saan naroroon ang kaniyang alagang Cerberus, at nanlaki ang kaniyang mga mata ng kaniyang makita na unti-unti nang gumagalaw ang ikatlong ulo nito.
Hindi siya makapaniwala sa napakabilis na pagkagising nito, hindi niya akalain na maagang makakamit ni Shawn ang potensyal para gamitin ang kapangyarihan ng kaniyang alagang Cerberus. Si Hades nga ay napatingin naman sa kasalukuyang enerhiya na nakaduktong sa leeg ng kaniyang alagang Cerberus, ang enerhiyang iyun ay ang enerhiyang nag duduktong na kay Shawn at sa Cerberus.
At kapag sandaling magising ang Cerberus ay doon na magsisimula ang paglabas nito, samantala si Shawn naman ay kasalukuyan na nararamdaman ang napakalakas na kapangyarihan. Hindi niya inakala na makakaramdam siya ng ganito kalakas na enerhiya, sa ngayon lamang niya naramdaman ang klase ng enerhiya na ito.
Hindi katulad noong sandaling magising niya ang ikalawang ulo ng nilalang na kasa-kasama ni Hades, nais sana niyang tanungin sa ngayon si Hades subalit hindi niya magawa iyun sa ngayon. Dahil hindi siya pwedeng magkipag-palit sa ngayon, dahil baka maulit muli ang nangyari sa kaniya kanina, at hindi na niya hahayaan na mapabagsak muli ng kalaban.
Samantala sila Grey, Akari at Jay-ar ay kasalukuyan naman na tiningnan ang kinaroroonan nila Shawn, at kapwa na naalarma sila Grey nang kanilang makita si Shawn na nababalutan ng itim na enerhiya. At kanilang nararamdaman ang napakalakas na enerhiya na inilalabas ng katawan nito, samantala sila Rev at ang iba pang Z ranker ay napatingin sa kinaroroonan ni Shawn.
Nagulat sila ng may maramdaman silang napakalakas na enerhiya sa pwestong iyun ng batang si Shawn, at ang klase ng enerhiya na kanilang nararamdaman ay napaka-pamilyar sa kanila. At iyun ay ang enerhiya ng isang nagigising na Divine Beast, si Rev ay napabulahaw ng mapagtanto niya ang kasalukuyang nangyayari.
At ang kasalukuyang nangyayari sa katawan ni Shawn ay ang unti-unting pag-gising ng isang Divine Beast, samantala sa loob naman ng isipan ni Rev ay bigla na lamang nagsalita ang Fire Dragon. At ipina-alam nito ang malakas na Divine Beast na natutulog sa loob ng batang si Shawn, nang malaman ni Rev ang patungkol doon ay naalarma siya.
Dahil ang enerhiyang inilalabas ng katawan ni Shawn ay napakalakas at kapag hindi niya kaagad natulungan ang batang ito para mapaamo ang Divine Beast, ay tiyak na mapapahamak ito. Dahil kailangan munang kalabanin ni Shawn ang isang Divine Beast upang kilalanin siya nito, bilang bago nitong panginoon.
Samantala si Alicia naman ay napalingon sa kinaroroonan ni Shawn, at napa-angat ang kaniyang kilay ng kaniyang marinig mula sa kaniyang isipan ang boses ng kaniyang kuya. At ang sabi sa kaniya ng kaniyang kapatid ay mayroong isa sa mga estudyante ang mayroong nagigising na Divine Beast, nang marinig ni Alicia ang tungkol doon ay napamura na lamang siya.
Sa lahat ng sitwasyon bakit ngayon pa nagising ang isang bagong Divine Beast, hindi niya alam kung ano ito at sino ang Host nito. Hindi alam ni Alicia na ang batang iyun ay si Shawn, na kasalukuyan na naglalabas na nang itim na imahe ang kaniyang enerhiya sa kaniyang likuran.
Sa kaniya namang likuran ay makikita ang Imahe ng isang nilalang na may tatlong ulo, si Gelal ay hindi makapaniwala sa kasalukuyan niyang nakikita. Hindi siya makapaniwala na ang batang ito ay may kakayahan na mapalabas ang isang Divine Beast.
Samantala si Lucy naman ay natulala ng kaniyang maramdaman ang napakalakas na enerhiya na inilalabas ng katawan ni Shawn, at ang kasalukuyang presensya na inilalabas ni Shawn ay nagbibigay sa kaniya ng kakaibang kilabot. Ang presensya na inilalabas ng katawan ni Shawn ay napakalakas, at ang ibang mga estudyante na naroroon ay mas nakaramdaman ng takot dahil sa malakas na presensya na kanilang nararamdaman.
At ang labanan sa pagitan nila Ariana, Silver at Soleth at Grisha ay napatigil, dahil sa malakas na presensya na lumalabas sa pwesto kung saan naroroon si Shawn. Samantala si Edrian naman ay kasalukuyan na kasama nila Elena at Sebastian na ngayon ay binabantayan ang mga estudyante ng paaralan, ang kasalukuyang sitwasyon nila ay hindi niya inaasahan na magaganap mismo sa labas lamang ng kanilang paaralan.
Ang kaninang masayang paligsahan lamang kanina sa paaralan ay ngayon ay naging isang malaking digmaan, laban sa mga Demon General. At sa kasalukuyan ay mayroong kapani-panilabot na enerhiya ang bumabalot ngayon sa kanilang kapaligiran, at ang enerhiyang iyun ay hindi niya alam kung kaninong panig ba nagmumula.
Sa kanila ba? o sa mga kalaban?...
BINABASA MO ANG
Legends of God's Children [School of Magic]
AdventureLegends of Gods Children: Volume 1 - School of Magic Genre: Action, Fantasy, Adventure In the year 2100, humanity is on the brink of extinction. The world has been overrun by demonic forces, remnants of biblical lore now wreaking havoc on Earth. As...