Chapter CXXX

61 17 0
                                    

Chapter CXXX: Searching Marks

---

SA bakantanteng lote ay makikita sila Lucy, Shawn at Zack na kasalukuyan ay magkakaharap. Ang mga ito ay kasalukuyang nag-uusap patungkol sa kung ano sila, si Zack nga ay makikitang naguguluhan sa sinasabi nang batang lalake na nagngangalang Shawn.

Hindi siya makapaniwala sa mga sinasabi sa kaniya ngayon nang batang ito, sapagkat ang mga sinasabi nito sa ngayon ay patungkol umano sa mga ginagawa nang mga ito sa akademya na binabanggit nito. At iyun ay ang pag-aaral na paano gamitin ang taglay nang mga ito na kapangyarihan, kahit na siya ay nalilito sa sinasabi nito ay pinilit padin niya na makinig dito.

Samantala si Shawn ay sinasabi ang mga simpleng paliwanag kung saan sila nagmula na paaralan, sapagkat kaniyang napansin na sadyang walang kaalam alam ang isang ito sa kaniyang sinasabi. Marahil ay hindi ito tutok sa mga balita dahil mukhang dahil sa kawalan nito nang kaalaman sa tulad nito, ay hanggang sa ngayon ay hindi pa umaangat ang kapangyarihan na taglay nito.

Si Lucy naman ay naman ay makikitang nakatayo lamang sa isang gilid, habang pinagmamasdan sila Shawn at ang binatilyo. Naghahantay siya nang sasabihin sa kaniya ni Shawn, dahil ito ang magdidikta kung sila ba ay aalis o hindi.

Dahil sa misyon nilang ito ay si Shawn ang masusunod, si Shawn naman ay patuloy lamang sa kaniyang pagpapaliwanag nang mga bagay bagay tungkol sa akademya. Habang siya nga ay nagpapaliwanag ay napapansin niya na hindi naniniwala ang binata sa mga sinasabi niya, kaya naman nakaisip siya nang paraan para mapaniwala niya ito.

Kaya naman inilahad niya ang kaniyang kaliwang kamay at sinabihan ang binatilyo na tumingin sa kaniyang kamay, ang kaniyang palad nga ay naglabas nang nagliliyab na asul na apoy. Si Zack nga ay nagulat nang kaniyang makita ang apoy na nasa palad nang batang si Shawn, ang apoy na iyun ay nagliliyab na animo ay hindi magagawang dayain nang ganun ganun na lamang sa kaniyang harapan.

SI Shawn nga ay makikitang napangiti sa reaksyon nang kaniyang kaharap, dahil gulat nagulat ito at hindi makapaniwala sa nakita nito. Kaya naman hindi na siya nagpatumpik tumpik pa at sinabi kung ano ang kaniyang kakayahan, at iyun ay ang magpalabas nang naglalagablab na apoy.

Iyun lamang ang kaniyang sinabi rito at akmang itututok sana niya ito sa binatilyo, subalit kaagad niya naman iyun pinaglaho na mas lalong pinagtaka ng binatilyo. Si Lucy naman ay napangisi nang kaniyang makita na pinalabas ni Shawn ang Asul na Apoy nito, kaya naman lumapit na siya sa mga ito at kaniya ding inilahad ang kaniyang kamay.

At mula doon ay lumabas ang kaniyang Crimson Flame, nang makita ng binatilyo ang kakaibang apoy na lumabas sa kamay nang kasama ni Shawn ay nakaramdam siya nang kilabot. Dahil kung tama man ang sinasabi nang dalawa, ay ang mga ito ay mayroon nang sapat na kaalaman sa kani-kanilang taglay na kapangyarihan.

Samantalang siya ay hirap na hirap na gamitin nang wasto ang kaniyang kapangyarihan, hindi katulad nang dalawang bata na nasa kaniyang harapan na tila ba. Walang hirap nilang napapalabas ang kanilang mga kakaibang abilidad.

Hindi man makapaniwala si Zack ay mas pinili niya na maniwala sa mga sinasabi nang dalawang bata, dahil doon ay sinabi na din niya kung sino siya at kung ano ang kakayahan na mayroon siya. Sinabi niya kung anong kakayahan ang mayroon siya, at napansin niya na natahimik ang dalawang bata nang sabihin niya ang abilidad na mayroon siya.

"Isa kang uri nang Metal User!" kaagad na sinabi ni Lucy na kaagad naman na sinang-ayunan ni Shawn, ang dalawa nga ay kaagad na nagkaroon nang maayos na eksplinasyon tungkol sa uri nang abilidad na mayroon ang mga Metal User.

Nang marinig nga iyun ni Zack ay tugma ang mga sinabi nang mga ito sa kakayahan na kaniyang taglay, kung ganoon ay normal na kakayahan lamang ang kaniyang nagagawa sa kasalukuyan. At iyun ay ang paghahalo nang kaniyang taglay na metal sa kaniyang mga palaso.

Ang pag momodified niya sa mga ganuong bagay ay simple lamang, dahil iyun lamang ang kakayahan na naabot nang kaniyang kasalukuyang kakayahan. Nang mapansin nila Shawn ang biglang pagbabago nang eskpresyon nang binatilyo ay nagkatinginan ang dalawa, at ang kanilang naiisip ay pareho lamang nang mga sandaling iyun.

At iyun ay ang turuan ito nang mga simpleng pamamaraan para magamit nito nang tama ang taglay nitong kapangyarihan, subalit ang bagay na iyun ay hindi pa nilang gawin sa ngayon dahil sa kasalukuyan ay kailangan nilang gawin ang kanilang misyon.

Sila Shawn nga ay napaseryoso nang mga sandaling iyun, sapagkat hindi nila pwedeng unahin ang isang ito dahil mas mahalaga na mahuli nila o mapatay ang gumagawa nang lahat nang krimen na iyun.

Samantala si Zack naman ay napaisip kung ano ang kaniyang gagawin sa ngayon, dahil ngayon ay alam na niya na hindi lamang siya ang mayroong kakaibang kakayahan na tinataglay. Maging ang dalawang batang nasa kaniyang harapan ay mayroon din nito.

Sila Shawn at Lucy naman ay tumingin nang seryoso sa binata, dahilan kaya naman napaseryoso din nang tingin si Zack sa dalawang ito.

"Kailangan na naming Mauna!, kailangan naming gawin ang aming pakay sa lugar na ito" seryosong sinabi ni Shawn, habang ang kasama naman nitong si Lucy ay nauna nang lumipad sa ere.

Si Zack naman ay nagtaka dahil tila ba biglang nag-iba ang aura nang dalawang bata, bigla na lamang naging seryoso ang mga ito. Sa hindi niya malaman na dahilan at nagtaka siya nang sabihin ni Shawn, na kailangan nilang gawin ang pakay nila sa lugar na ito.

Dahil doon ay tumingin din siya nang seryoso sa mga ito, at nang magkatinginan silang tatlo ay tila ba naunawaan ni Zack ang ibig sabihin nang mga tingin na iyun. Ang tingin na iyun na kaniyang nakikita sa mga mata nang mga tao, na nagkaroon na nang karanasan sa mga halimaw na iyun.

Kaniyang napagtanto nang mga sandaling iyun ang tunay na dahilan kung bakit naririto ang dalawang ito, at iyun ay dahil sa misyon na itinalaga sa kanilang dalawa nang mga opisyal nang akademya na kanilang pinanggalingan.

Dahil doon ay hindi na siya nagtanong pa sa dalawa at hinayaan niya na umalis na ang mga ito, at sa isang iglap nga ay bigla na lamang nawala sa himpapawid ang dalawa,

Samantala sila Lucy at Shawn naman ay mabilis na lumilipad patungo sa isang direksyon, at iyun ay ang direksyon kung saan nila naramdaman ang unang bakas na iniwan nang mga diyablo. Dahil doon ay mas lalo pa nilang binilisan ang paglipad, dahil hindi dapat sila magsayang pa nang oras.

Dahil ano mang oras ay maaaring sumalakay ang mga ito, at muling mang-biktima nang mga inosenteng bata.

Samantala si Zack naman ay kasalukuyan na naglalakad patungo sa kaniyang tinutuluyang apartment, kalmado siyang bumalik sa compound kung saan naroon ang apartment na iyun. Nang makita nga siya nang iba niyang mga kapitbahay ay nakatingin lamang ang mga ito sa kaniya nang seryoso, dahil makikita sa kasalukuyan ang napaka-kalmadong mukha ni Zack.

Sa isang lumang bahay naman ay makikita ang isang lalake na makikitang nakaupo sa isang lumang upuan, ang lalakeng iyun ay tahimik lamang na nakaupo doon at tila ba mayroong iniisip. Samantala sa harapan naman nang lalake ay makikita ang tatlong kakila-kilabot na nilalang, na tila ba natatakot sa lalakeng nasa harapan nang mga ito.

Ang tatlong nilalang na ito ay ang mga nilalang na nangbibiktima sa lugar na ito, hindi sila makapaniwala sa biglaang pagsulpot nang lalakeng ito. Ang lalakeng ito ay hindi nila kayang kalabanin, dahil sa kakaibang pwersa na nakapalibot dito.

At kapag gumawa sila nang maling hakbang ay tiyak na mapapahamak sila dahil dito, samantala ang lalake naman ay makikitang napangisi nang kaniyang maramdaman sa malapit ang presensya na iyun. Hindi siya makapaniwala na dito sa lugar na ito pa, pinadala ang anak nang kaniyang panginoong si Lucifer.

Mas lalo pang napangiti ang lalake nang kaniyang maramdaman din ang presensya nang isa pang interesanteng indibidwal, at iyun ay ang tagapagmana ng diyos nang kadiliman walang iba kundi si hades.

Dahil doon ay mas lalo siyang nabubuhayan, dahil tiyak na mararanasan niya muli ang kasiyahan sa pakikipaglaban...

Legends of God's Children [School of Magic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon