Chapter CLIX: New Start
----
LUMIPAS ang isang araw ay sa wakas ay naging normal na Ang lahat para kila Shawn, sila ay kasalukuyan na naglalakad papunta sa kanilang silid aralan. Isang panibagong simula ito para sa kanila sapagkat nabanggit kahapon nang mga nakatataas na naasikaso na nang mga ito ay isyu sa loob nang akademya tungkol kila Shawn At Lucy.
Ang Pagkakaron nang dugo ng diyablo ni Lucy at ang pagkakaroon nang pinaka makapangyarihang apoy ni Shawn, ang katangiang ito nang dalawa ang ikinababahala nang mga tao. subalit dahil sa maayos na pag-papaalam na ng mga opisyal sa lahat, ay nagawang tanggapin nang karamihan ang katauhan nang dalawa.
Sapagkat magiging malaking kalamangan sa kanila ang lakas na mayroon ang dalawang ito, at natitiyak nila na sa maikling panahon lamang ay magagawang mahigitan nang dalawa ang lakas na tinataglay nang mga Z rankers
Samantala tungkol naman kay Jack ay kasalukuyan na itong nasa ilalim nang espisyal na pagsasanay sa ilalim ni Caleb, si Jack ay nagsasanay na mga unang bahagi nang paggamit nang enerhiya.
Ang lugar nang pinagsasanayan nang dalawa ay sa ilalim mismo nang gusali kung saan nakatayo ang building na silid aralan nang mga nagmula sa Special Class, ito ay ang pangalawang training ground katulad nang unang pinag sanayan nang mga estudyante.
Dahil sa pasilidad na ito mas pinabibilis ang pagsasanay sa mga mandirigma nang diyos na nahuli sa pagpapalabas nang potensyal nitong kapangyarihan, ito ang natatanging naisip ni Caleb noong ibigay sa kaniya ang utos na ito ni Yoki.
Ang sanayin ang binatilyong nagtataglay umano nang kapangyarihan nang pilak, kaya naman sa kasalukuyan ay kaniyang tinuturuan ang binata nang mga mabilis na paraan para magamit nang maayos ang kaniyang taglay na kapangyarihan.
Si Caleb ay napansin naman ang mabilis na pagkatuto nito, dahil narin ito siguro sa Nakita na nito ang paraan na ginagawa nila Shawn sa gitna nang laban.
Dahil doon ay mas mapapadali ang pagtuturo ni Caleb kay Jack, samantala si Jack naman ay kasalukuyan na nababalutan nang kaniyang pilak na enerhiya.
Hindi makapaniwala si Jack na sa maikling panahon lamang ay nagagawa na niyang magpalabas nang kaniyang enerhiya sa kaniyang katawan, ang kaniyang pakiramdam ay gumaan nang mga sandaling iyun.
Pakiramdam niya ay mas gumaan siya nang sobra kaysa sa dati niyang bigat, sa kaniyang palagay ay makakakilos siya nang mabilis dahil nagagawa na niyang mapalabas ang kaniyang enerhiya.
Mahina pa man ito subalit ayos lamang iyun Kay Jack, sapagkat walang nagsisimula kaagad sa malakas. Ang lahat ay nagsisimula bilang isang mahina, at tiyak na malaki ang kaniyang maitutulong kapag nagawa na niyang mapalabas ang buong potensyal nang kaniyang kapangyarihan.
Samantala si Shawn ay kasalukuyan nang kasabay sila Grey at ang iba pa, kapwa na naglalakad ang mga ito sa loob nang pasilidad nang Special Class. Kagaya nang kanilang nakasanayan ay napakatahimik nang buong lugar.
Sa palagay nila ay nasa silid na Ang karamihan sa kanilang mga kamag-aral.
Sana'y na sila sa pina-paramdam na pag na pagtrato sa kanila nang mga ito, at gagawin na lamang nila itong Isa sa mga lamang nila sa mga ito.
Dahil hindi din malalaman nang mga ito ang kanilang mga gagawing pagsasanay sa loob nang pasilidad kung saan sinasanay ni Caleb si Jack, ang buong grupo nila Shawn ay nabigyan nang pahintulot na magsanay sa espisyal na silid na iyun.
Dahil doon ay mas magiging mabilis ang kanilang pagpapalakas, at natitiyak nila na sa maiksing panahon lamang ay magagawa nilang makipagsabayan sa mga malalakas na diyablo katulad ng mga Demon Generals.
BINABASA MO ANG
Legends of God's Children [School of Magic]
AdventureLegends of Gods Children: Volume 1 - School of Magic Genre: Action, Fantasy, Adventure In the year 2100, humanity is on the brink of extinction. The world has been overrun by demonic forces, remnants of biblical lore now wreaking havoc on Earth. As...