Chapter XXIII

145 32 1
                                    

Chapter XXIII: The Rivalry

---

ANG silid nga ay nananatiling tahimik, walang nagsasalita sa mga ito sapagkat ang mga ito ay nakatuon ang atensyon sa nakasulat na mga salita sa pisara. Ang mga estudyante ay pawang mga normal lamang kung titingnan ang mga ito.

Subalit ang mga ito ay ibang iba, kesa sa isang normal na tao. Dahil ang mga batang ito ay ang mga bata na magiging tagapag-ligtas ng mundo. Samantala lumipas ang isang oras ay natapos ang unang klase. Si Shawn nga ay nagtaka dahil tila normal na klase lamang ang ginagawa nila.

Samantala si Jay-ar naman ay makikita sa kaniyang pwesto, habang bakas sa mukha nito ang simangot sa mukha nito, habang nakatingin sa harapan at pinag-mamasdan ang kanilang guro. Nagtataka siya kung bakit napaka tahimik nito habang nagtuturo.

At hindi niya maintindihan kung bakit ang itinu-turo lamang nito ay kapareho lamang sa kanilang pinag-aaralan sa Toril. Simpleng aralin lamang ito kagaya ng Ingles at matimatika. Ipinagtataka ito ni Jay-ar, at mas lalo siyang nagtaka dahil sa ikinikilos ang kanilang mga kaklase.

Tila may kakaiba sa mga ito, dahil mula pa kanina ng dumating silang lima. Ay wala pa rin ang nagbabalak na magsalita o kaya ay makipag-usap man lamang. Maliban sa kanilang lima ang dalawangpung estudyante ng Class A ang kapwa walang kibo mula pa kanina.

Samantala si Elton naman ay napapa-isip habang pinag-mamasdan ang limang bata na bagong dating. Nababatid niya na naguguluhan ang mga ito. Lalong lalo na ang alaga ng kaniyang kaibigan na nagngangalang Shawn. Napansin niya na malalim ang iniisip nito mula pa kanina.

Sa tingin niya ay nagtataka na ito, sa kabilang banda naman ay batid din niya na naguguluhan din ang apat na kasama nito. At makikita sa isang bata ang pagsimangot sa likod. Dahil sa pagtataka nito. Dahil sa katahimikan ay mas lalo siyang nasisiyahan.

"Gaano ba talaga kalakas ang mga batang ito?" ito ang tanong ni Elton sa kaniyang isipan at wallang ano-ano'y ang kaniyang berdeng aura ay kumalat sa paligid. Ang mga matagal na niyang estudyante ay makikitaan ng ngiti sa kanilang labi. Habang sila Shawn naman ay mababakas ang pagka-bigla dahil sa paglalabas ng kapangi-pangilabot na aura ng kanilang guro. Ang isa sa dalawangpung estudyante ay kaagad na tumayo at mabilis na nagsalita.

"Ayos may Sparring nanaman!" sigaw nito na nagpagalak sa iba pa nitong kaklase, sila Shawn naman ay naguguluhan na dahil sa ikinikilos ng kanilang mga kaklase. Samantala may batang babae naman ang lumapit kay Shawn na ikinagulat naman ni Grey.

Ang iba namang estudyante ay natuon ang atensyon kay Shawn at sa batang babae na nakatayo sa harapan nito.

"Shawn Aliston Monteverde!, hinahamon kita ng isang dwelo!" malakas na sabi ng batang babae na ikinatuwa ng mga estudyante na naroroon. Samantala sila Akari, Grey, Lucy at Jay-ar ay nagulat sa panghahamon ng batang babae kay Shawn.

Hindi nila maintindihan, bakit nais nitong hamunin sa isang dwelo si Shawn, lalong lalo na dahil ito ay hindi naman kilala ni Shawn. Samantala sa harapan ng mga estudyante ay makikita si Elton na mababakasan sa mukha ng kakaibang ngiti.

Alam na niya na may hahamon kaagad sa isa bagong estudyante, pero tama ang kaniyang inaasahan na si Shawn ang pangunahin na hahamunin ng mga ito. Subalit hindi niya inaasahan na ang batang babae na ito ang hahamon rito.

Sapagkat ang batang ito ay ang kasalukuyang pinaka-nangunguna niyang estudyante. Si Scarlet Senjuki ang nag-iisang Black Lightning User na umi-iral sa akademya. Lumipas ang ilang sigundo ng pagkabigla ng lahat. Ay makikita si Jay-ar na kaagad na puma-gitna sa dalawa.

Mababatid naman ang epekto ng pag-sulpot ni Jay-ar, si Scarlet nga ay makikitaan ng pagka-inis dahil sa pag-sulpot ni jay-ar. Hindi niya nais na makipag-laban sa isang mababang uri ng Lightning user. Samantala si Jay-ar naman ay may dahilan kung bakit siya naglakas loob na pumagitna sa mga ito.

Ang kaniyang kagustuhan na makipag-laban sa mga malalakas na kalaban. Nais niya na labanan ang kahit na sino na balak kalabanin si Shawn. Dahil para sa kaniya si Shawn ay isang mabigat na karibal. Nais niyang maging malakas. At para magawa yun ay kailangan niya hamunin ang babae na nasa kaniyang harapan.

"Ang lakas ng loob mo na hamunin ang karibal ko!" matapang na sabi ni Jay-ar na siya namang ikina-ngisi ni Shawn. Si Grey naman ay napa-sapo sa kaniyang ulo dahil sa pabigla-bigla na pagkilos ni Jay-ar. Napangisi na nga lang si Grey at lakas loob na lumapit sa tatlo na ngayon nga ay nagkaka-initan na.

"Mali ka yata ng sinabi Aries!" biglang pag-sabat ni Grey sa mainit na sitwasyon nila Shawn, Jay-ar at Scarlet, na kaagad naman na ikina-busangot ni jay-ar, at ipinag-taka ng mga estudyante na naroroon.

"Si Shawn ay Karibal nating Lima!" sabi pa ni Grey at sila Lucy at Akari ay kapwa na tumayo at sa isang iglap ay nasa tabi na nila Shawn at Jay-ar, sila Grey, Akari at Lucy. Na kapwa nga naglalabas nan g kani-kanilang aura.

Mas lalong uminit ang tensyon dahil sa pag singit ng tatlo sa kanila. Kaya naman kaagad naman na naglakad ang apat na estudyante at huminto ang mga ito sa likod ni Scarlet, ang mga ito nga ay tumingin ng kakila-kilabot ang apat na ito kila Jay-ar, Grey, Akari at Lucy.

Ang apat na estudyante nga na ito ay ang apat na kasamahan ni Scarlet. At ang mga ito ay nangunguna rin sa larangan ng mahika, at ang mga ito ay mga matalik na kaibigan ni Scarlet at kung may haharapin na kalaban ito. Ay walang pag-aalinlangan ang mga ito na tutulong rito.

Samantala ang iba pang estudyante ay nakaramdam ng matinding pressure dahil sa nagaganap na paghaharap ng dalawang grupo. Ang grupo ni Scarlet ang pinaka-kinatatakuyan na grupo sa lahat ng 1st year ng academy.

Lumipas ang ilang minuto ang mga estudyante ay nagtungo nasa isang malaking istadyum sa loob ng akademya. Makikita naman sa mukha nila Shawn ang pagka-mangha dahil sa laki ng istadyum. Ang iba naman ay makikita na nasisiyahan dahil sa wakas ay mayroon ng magandang mangyayari ngayong araw.

Samantala ang ibang mga estudyante na nakatambay sa istadyum ay napansin ang pagdating ng 1st year class A. ang mga estudyante na ito ay mga 3rd year at sa mga oras na ito ay break time pa nila, at naisipan lamang na tumambay rito.

Subalit mukhang may interesante na mangyayari sa loob ng istadyum. Samantala si Elton ay inihanda na ang formation ng pagkaka-sunod sunod ng laban. At ang pangunahing labanan na magaganap ay ang laban ni Scarlet at Shawn. At ang mga labanan sa pagitan ng iba pa ang mag-sisilbing magpapa-siklab ng labanan na ito.

Samantala sa itaas ng istadyum ay makikita si Rev na nakalutang sa ere. Nalaman niya na may magaganap na laban sa pagitan ng dalawang may taglay na pinaka-malakas na uri ng elemento. Sa unang araw pa lamang ng batang may taglay ng Blue Flame ay haharap na kaagad ito sa isang hamon.

Hindi ito magiging madali, dahil ang makakalaban mismo ng limang bata ay may mga sapat ng kaalaban sa pag-gamit ng mga taglay nitong mahika. Nagiging interesante siya sa kakalabasan ng labanan na ito. Lumapag siya sa mataas na haligi ng istadyum, at mula sa kaniyang kinatatayuan ay malinaw niyang nakikita ang mga magaganap na laban....

Legends of God's Children [School of Magic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon