Chapter XXIV

153 32 0
                                    

Chapter XXIV: The 1st year Class A

---

ANG buong klase nga ni Elton ay mabilis na nagtungo sa istadyum kung saan palaging ginaganap ang mga labanan sa pagitan ng mga estudyante, ang tensyon sa magkabilang panig ay sumisiklab parin. Habang ang ibang mga estudyante ay kapwa nakapili na din ng kanilang makakalaban.

Ang grupo nila Shawn ay nadadaan sa matinding pressure dahil sa magaganap na labanan sa pagitan ng grupo nila at ng babaeng humamon sa kaniya. nararamdaman ni Shawn mas malakas ang babaeng ito sa kaniya, dahil siguro ito ay nauna sa kaniya ng ilang buwan.

Samantala si Lucy naman ay nakakaramdam ngayon ng kaba, hindi niya akalain na malalagay siya sa ganitong sitwasyon. Nadala lamang siya ng kaniyang emosyon kanina, dahil sa biglang paghamon sa kaniyang karibal at ini-idolo.

Nakaramdam siya ng pagka-sabik ng sabihin ni Grey na hindi lang si Jay-ar ang itinuturing na karibal si Shawn. Kundi silang lahat. Kaya naman nadala siya nito at hindi nagdalawang isip na magtungo sa kinaroroonan na iyon ng tensyon.

Sila Akari at Jay-ar naman ay kapwa na makikitaan ng naka-ngising ekspresyon. Dahil sa wakas ay may makakalaban sila na mas malakas sa kanila. Ang kailangan na lamang nila ay ang taktika kung paano nila magagawang labanan ang mga ito.

Samantala ang grupo naman ni Scarlet ay mapanghamak na pinagmamasdan ang apat na kasama ng bata na nag ngangalan na Shawn. Para sa kanila ang apat na ito ay hindi gaano hadlang sa kanilang taglay na kakayahan.

Sa tingin nila ay sapat na ibuhos lamang sa mga ito ang ilang porsyento lamang ng kanilang lakas. Habang ang buong klase ni Elton ay lumilipad ay nakaka-salubong nila ang ilang mga estudyante na mukhang kakagaling lamang sa isang bakbakan.

Ipinaliwanag ni Elton kung saan galing ang mga iyon at ang mga estudyante na iyon ay nang-galing rin sa istadyum para sa isinagawa nilang pagsasanay. Lumipas ang ilang minuto ay sa wakas ay natanaw na nila ang istadyum na kanilang paglalabanan.

Ang grupo nga ni Shawn ay namangha dahil sa kanilang nasaksihan. Napaka-laki ng istadyum na ito. Ang stage ay nasa gitna ng istadyum habang sa palibot naman nito ay ang libo-libong upuan na maaring upuan ng mga manonood.

Ang mga estudyante nga ay mabilis na bumaba sa istadyum, habang si Elton at ang sampu niyang estudyante ay nanatiling naroroon. Si jay-ar nga ay mas lalong ginaganahan ng masaksihan niya ang lawak ng istadyum na kanilang paglalabanan.

Mas lalo siyang ginanahan, at sa kanilang sampu ay siya ang naunang bumama sa istadyum. Sila Shawn naman ay kaagad na sumunod kay Jay-ar. Hanggang sa pati narin ang grupo ni Scarlet ay bumaba na ng istadyum.

Nang sa wakas ay kumpleto na sa lapag ng istadyum ang kaniyang mga estudyante. Ay kaagad na bumaba si Elton. At sa kaniyang pagbaba nga ay bigla siyang naglabas ng kaniyang Aura. Aura ng isang A ranker.

Ang iba nga na estudyante ay namamangha parin sa kanilang guro, kahit matagal na nilang nakikita ang aura nito. Para sa kanila ay kakaiba ang nostalgia ng aura ng kanilang guro kaysa sa aura ng ibang guro ng 1st years.

Tumingin si Elton sa isa niyang estudyante at ang estudyante nga na iyon ay kaagad na nag salita. ang lahat nga ay natahimik at nakinig naman sa kaniya ang mga estudyante niya. Nang marinig nga nila ang sinabi ng kanilang guro. Ay mas lalo silang ginanahan.

Si Shawn naman ay napangisi na lamang ng marinig ang sinabi ng kanilang guro. "kung sino man ang Manalo sa bawat laban, ay mabibigyan ng bunos na puntos sa nalalapit na exam". Ito ang sinabi ng kanilang guro kaya naman nakaramdam siya, ng pagka-sabik dahil pagkakataon na niya na alamin kung hanggang saan ang kaniyang kasalukuyang kakayahan.

Legends of God's Children [School of Magic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon