Chapter LVI: Next Match
---
ANG karamihan sa mga estudyante ay hindi makapaniwala na sa ganung paraan matatapos ang laban nila Vaneza at Ellie, sa kasalukuyan ay ina-nunsyo na ni Yoki ang nagwagi sa unang laban at ito ay si Vaneza. Samantala ang grupo nila Caleb ay nagpasya na bumaba sa arena.
Ang mga manonood nga ay nagtaka sa pagbaba ng isang grupo ng mga estudyante na mula sa mga manonood. Si Yoki nga ay napatingin sa grupo ni Caleb at base sa ekspresyon ng mukha ng mga ito ay nais ng mga ito na komprontahin ngayon si Vaneza.
Kaya naman kaagad niyang tinawag ang pangalan ni Caleb, nang lumingon nga sa kaniya si Caleb ay tiningnan niya ito ng masama. Si Caleb nga ay naramdaman ang pambabanta sa kaniya ng kaniyang guro. Kaya naman ang kaniyang mga kasama ay kaniyang pinigilan na kumilos.
Ang mga kasama naman ni Caleb ay napatingin sa direksyon kung saan nakatuon ang direksyon ni Caleb at ng kanila ngang makita ang nakakatakot na titig ni Yoki ay napatigil sila sa kanilang binabalak na gawin.
Si Caleb nga at ang kaniyang mga kasama ay lumipad pabalik sa kanilang dating kina-uupuan, ang mga manonood nga ay nakahinga ng maluwag dahil sa muling pagbalik ng mga ito sa kanilang dating pwesto. Dahil ang mga manonood ay nakaramdam ng matinding tensyon kanina ng ang grupong ito ay lumapag kanina sa arena.
Akala nila ay may magaganap na engkwentro sa pagitan ng mga ito, samantala ang grupo naman nila Shawn ay nagtaka sa ikinilos kanina ng grupo nila Caleb, kilala nila ang mga kasama kanina ni Caleb ang mga ito ay ang mga ka-edaran nito na palaging naka-suporta kay Caleb sa kahit anong gawin nito.
At dahil sa ikinilos ng grupo nila Caleb ay nagtaka sila dahil sa aksyon na ipinakita ng mga ito, nakahinga nga lamang sila ng huminto ang mga ito at napag-pasyahan na bumalik sa dati nilang pwesto.
Lumipas nga ang ilang minuto ay dumating na ang mga medic para kuhanin ang walang malay na katawan ni Ellie, at naiwan nga ang loob ng istadyum na basang basa ng tubig, dahil sa naganap na laban nila Ellie at Vaneza.
Si Vaneza nga ay lumipad papunto sa pwesto kung saan naroroon ang kaniyang mga kaklase, nang huminto nga siya sa tapat ni Tetsuya ay kaagad na itinaas ni Tetsuya ang kaniyang kaliwang kamay. Nang makita ni Vaneza na aapiran siya ni Tetsuya ay hindi siya nagdalawang isip na tugunan ng apiy iyun.
Ang kanilang mga kaklase nga ay natuwa sa kanilang nakikita, dahil sa unang pagkakataon nga ay nakita nila ang dalawang mag-karibal na nagka-sundo at nagawa pang mag-apiran sa kanilang harapan. Kaya naman ang mga ito ay nakaramdam ng excitement dahil sa unang laban na kanilang nasaksihan.
Malaki na ang itinaas ng lakas na taglay ng isa sa kanila, kaya naman kailangan nilang ipakita kung ano ba ang kakayahan ng bawat isa sa kanila. Samantala ang mga miyembro ng Class 4 B ay nakaramdam ng pagka-inis dahil sa pagkatalo ng kanilang kaklase.
Lalong lalo na si Dellio dahil siya ang may pinaka-alam sa paghahanda na ginawa ni Ellie sa loob ng isang taon, at ang hindi niya matanggap ay sa kabila ng pagsasanay nito sa labas ng akademya ay nagawa parin itong matalo sa isang laban.
Si Dellio nga ay napatingin sa kinaroroonan ni Tetsuya at nag-ngingitngit sa galit na naglakad pauna, samantala si Yoki naman ay hindi na nag-atubili na tawagin ang susunod na maglalaban at ang magkabilang seksyon nga ay napatingin sa dalawang lalake na tinawag ni Yoki.
"Yakushi Endo!, Kawata Reiji! Kayo ang susunod na maglalaban!" sigaw ni Yoki sa pangalan ng mga ito at makikita ang dalawang lalake na kapwa nababalutan ng kanilang magka-pares ng aura. Kapwa ang mga ito ay may inilalabas na Pulang Aura at ang mga ito ay kapwa mayroong pulang buhok at pulang mga mata.
BINABASA MO ANG
Legends of God's Children [School of Magic]
AdventureLegends of Gods Children: Volume 1 - School of Magic Genre: Action, Fantasy, Adventure In the year 2100, humanity is on the brink of extinction. The world has been overrun by demonic forces, remnants of biblical lore now wreaking havoc on Earth. As...