Chapter CXXXIV

50 16 0
                                    

Chapter CXXXIV: Monster 

---

ANG buong paligid ay nababalutan nang madilim na kalangitan, ang dahilan kung bakit dumilim ang kalangitan ay ang malakas na enerhiya na nabubuo sa kinaroroonan nila Shawn. Sa kasalukuyan nga ay makikita ang isang nilalang na unti-unting nagkakaroon nang katawan, ang kaninang imahe lamang nito ay unti unti nang nagkakaroon nang kalamnan.

Hindi nga makapaniwala ang dalawa nang kanilang makita kung paano nabuo ang ulo nito, mayroon itong anim na mga mata at dalawang malaking sungay. Mayroon itong malaking labi at malalaking mga ngipin, ang anim nitong mga mata ay nakatingin mismo sa kanila.

Na mas lalong nagbibigay sa kanila nang kakaibang hilakbot, dahil ang wangis nang isang ito ay mas kakila-kilabot kaysa sa natural na anyo nang mga diyablo na nakaharap kanina. Samantala si Baal ay makikitang nakangiti habang ito ay nakatingin sa kaniyang obra maestro, hindi niya maiwasan na mamangha sa tuwing siya ay gagawa nang bagong nilalang.

Sa pamamagitan nang kapangyarihan na kaniyang tinataglay ay nagagawa niyang bumuo ang bagong nilalang, wala siyang tawag sa nilalang na kaniyang nalilikha dahil hindi naman niya hilig na magbigay nang mga ganung bagay.

Ang kaniya lamang na nais sa mga ganitong tagpo ay lumikha at mangwasak, samantala ang nilalang naman na iyun ay makikitang unti-unti nang nakukumpleto ang kaniyang kalamnan. Ang tatlong Diyablo nga na kanina ay nababalutan nang pulang aura, ay unti unti nang nawawala.

Maririnig nga na ang mga ito ay sumisigaw, nang mga sandaling ang mga ito ay nagkaroon nang malay. Hindi alam nang mga ito ang kasalukuyan na nangyayari sa kanilang tatlo, ang mga ito nga ay nagkaroon nnag iisang ideya nang mga sandaling iyun.

Ang kapangyarihan na ipinamahagi nang lalake na iyun sa kanila, ay hindi pangmatagalan ang kapalit nang mga ito ay ang kasalukuyan na nagaganap ngayon sa kanila. Hindi sila makapaniwala na silang tatlo ay magagamit nang lalakeng iyun, dapat sa simula pa lamang ay hindi na sila nagtiwala rito.

Dahil ang isang Demon General ay mababa ang tingin sa kanilang uri, dahil ang kanilang uri nang mga diyablo ay ang pinakamababa at pinaka-mahinang klase nang mga diyablo. Sa lumipas na limang minuto ay sa wakas natapos na ang pagkabuo nang nilalang na iyun, habang ang tatlo naman Diyablo ay kaagad na naglaho sa harapan nang nilalang na nasa kanilang harapan.

Si Shawn naman ay napaseryoso nang mga sandaling iyun, sapagkat ang enerhiya na kaniyang nararamdaman sa kasalukuyan ay napakataas kaysa sa enerhiya na taglay nang mga kalaban kanina. ang lakas nang enerhiya nito ay mas malakas nang maraming beses kaysa sa lakas na mayroon ang tatlong iyun, ang panganib na kanilang kinakaharap sa kasalukuyan.

Dahil sa kaniyang palagay ang nilalang na nasa kanilang harapan ay isang Class SS Devil Rank, ang nilalang na ito ay tiyak na mayroong kakaibang abilidad. Kaya naman hindi sila pwede na magpabaya dahil tiyak na mas malakas ang isang ito nang sobra kaysa kanina, si Lucy naman ay kasalukuyan na makikitang napakuyom na lamang nang kaniyang kamao.

Hindi niya akalain na sa kanilang paglabas sa akademya ay mayroon silang makakalaban na nagtataglay nang ganito kalakas na enerhiya, ang nilalang na nasa kanilang harapan ay tiyak na mahihirapan silang pabagsakin kaagad.

Samantala makikita sa malayong parte nang kalangitan ang isang lagusan, na bigla na lamang lumitaw. Ang lagusan na iyun ay naglabas nang dalawang pigura, ang mga pigura na ito ay nababalutan nang maharlikang enerhiya, ang mga ito ay mayroong kailangang gawin sa mundo nang mga tao.

Ang isa sa dalawa ay mapapansin na napalingon sa direksyon kung saan nagmumula, ang enerhiya nang nilalang na kanilang hinahanap. Dahil ang nilalang na ito ay kailangan nilang anyayahan sa isang salo salo, sa palasyo nang isa sa pitong prinsipe nang impyerno.

Legends of God's Children [School of Magic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon