Chapter LXXXVI

72 19 1
                                    

Chapter LXXXVI: Spiral Shuriken

---

ANG laban sa pagitan nila Shawn at Dylan ay muling nagpatuloy, at dahil iyun sa balewalang pagkawala ni Shawn sa ginawang pagpalibot ng kaniyang likidong asido sa buong katawan ni Shawn.

At ang ginawang paraan ni Shawn para makawala sa atakeng iyun ni Dylan ay sa pamamagitan ng kakaibang itim na enerhiya na balewalang hiniwa sa gitna ang atakeng iyun ni Dylan.

Si Dylan nga ay hindi makapaniwala na balewala lamang na masisira ng kaniyang kalaban ang kaniyang ginawang atake, subalit kaniya namang inasahan na hindi kaagad basta-basta mapapabagsak ng ganung uri ng atake lamang ang kaniyang kalaban.

At napansin niya sa pagkakataon na ito ang pagbabago ng kalidad ng enerhiya na inilalabas ni Shawn sa kasalukuyan, sapagkat ang itim na enerhiya na inilabas nito ay isang uri ng Shape Manipulation.

Ar base sa kasalukuyang hugis nito ay ito ay isang itim na espada, at base sa kaniyang kaalaman patungkol sa kakayahan ng itim na usok ay kaniyang natitiyak na may kakayahan ang itim na espada nito na burain at higupin ang kaniyang mga pag-atake.

Sapagkat nagawa nitong sirain ng walang kahirap hirap ang kaniyang ginawang pag-atake, samantala hindi lumipas ang ilang saglit ay muling nagpatuloy ang kanilang labanan. At sa kasalukuyan nga ay nagpapalitan silang dalawa ngayon ng kani-kanilang pag-atake sa isat-isa.

Samantala si Shawn naman ay kasalukuyan na sinasalag ang bawat atake na binibitawan ng kaniyang kalaban, sa pamamagitan ng kaniyang paghiwa sa mga atake nito ay nagagawa niyang mabura at higupin ang enerhiya na nakapaloob sa mahika na ito.

Nababatid na niya ang pagka-inis mula sa ekspresyon ng mukha ng kaniyang kalaban subalit sa kabila ng lahat ay wala siyang pakealam dito, ang kasalukuyan niya na lamang na gawin sa ngayon ay pabagsakin ang isang ito.

Subalit mukhang mahihirapan siya dahil ipina-alam sa kaniya ni Hades na ang kalaban niyang ito ay katulad niya na mayroong isang malakas na nilalang na nananatiling gumagabay dito.

Samantala sa kinaroroonan naman nila Ariana at Rev ay kasalukuyan ang dalawang ito ay nagkakaroon ng malalim na pag-uusap, at ito ay dahil sa kasalukuyang laban na ipinapakita ng batang si Shawn.

Hindi nila inasahan na sa paglipas ng maiksing panahon ay lalakas ng ganito kabilis ang batang ito, kahit na naguguluhan ang dalawa sa mabilis na paglakas ng batang ito ay kapwa na napatingin ang dalawang ito sa kanilang katabi na si Yoki na sa kasalukuyan ay tutok na tutok sa labanan na kanilang napapanood.

Napahinga na nga lamang ng malalim si Rev dahil hindi niya maisip kung paano mabilis na lumakas ang batang ito, ang tangi lamang niyang impormasyon patungkol dito ay ang pagiging target nito ng mga diyablo noong araw na magising nito ang taglay nitong kapangyarihan.

At sa ngayon ay kaniyang nasasaksihan ang napakabilis na pag-unlad ng kakayahan na mayroon ang batang ito, at sa kasalukuyan ay si Shawn na ang pinaka-batang tao na nakatungtong sa mataas na ranggo.

Ang talentong taglay ng batang ito ay sadyang napakataas kaysa sa iba niyang mga nakilalang estudyante, at natitiyak ni Rev na ang batang ito ay hihirangin balang araw bilang ang nagtataglay ng pinakamalakas na apoy sa buong mundo.

Samantala sa loob naman ng Battle Arena ay makikita ang kasalukuyang nangyayari sa pagitan nila Caleb at Alicia, sa kasalukuyan ay makikita si Caleb na nagagawa pang makatayo sa kabila ng laat ng pinsala na kaniyang natamo mula sa mga atake na pinakakawalan ng kaniyang kalaban.

Subalit sa kabila ng kaniyang ipinapakitang tatag sa kanilang laban ay mapapansin na nanghihina na si Caleb at ilang sandali na lamang ay bibigay na ito dahil sa mga pinsala na natamo nito, iniisip ni Caleb sa kasalukuyan kung sana lamang ay kasama niya sa kasalukuyan ang kaniyang mga orihinal na mga kasamahan ay malamang ay may magagawa silang paraan labanan ang halimaw na nakababatang kapatid ng kasalukuyang tinaguriang pinaka-malakas na tao sa buong mundo.

Legends of God's Children [School of Magic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon