Chapter XXXVI

112 24 0
                                    

Chapter XXXVI: Student Ambush

----

LUMIPAS ang isang buwan ang buong akademya ay bumalik sa pang-araw araw nilang ginagawa. Ang mga estudyante ay pumapasok sa kani-kanilang mga classroom upang mag-aral ng basic patungkol sa mahika at sa pagkontrol ng enerhiya.

Ang karamihan nga sa mga estudyante ay araw-araw na nagkakaroon ng pag-sasanay sa pamamagitan ng pagkikipag-laban sa isat-isa. Sa araw-araw nga ay palaging napupuno ng mga estuyante ang istadyum upang makapag-sanay ang mga ito.

At ang numero uno na nagsasanay dito ay si Senjuki Scarlet na sa kasalukuyan ay pinapa-bagsak ang apat na kalaban nito, sa lumipas nga na mga araw ay walang humpay sa pag-sasanay si Scarlet. Hindi parin siya nakaka-recover sa kahihiyan na naranasan niya sa kamay ng dalawang tao na kina-iinisan niya.

Ang apat na kalaban nga niya ay nagtataglay ng ibat ibang elemento, ang mga ito nga ay nagtatagalay ng elemento ng apoy, tubig, hangin at lupa. Ang apat nga ay hindi magawang sabayan ang lakas na mayroon siya.

Samantala ang mga estudyante naman na nakakakita ng laban na nagaganap sa gitna ng istadyum ay hindi sila natutuwa dahil sa pinapakitang laban ng kinikilalang tagapag-mana ng Senjuki Family ay nagpapakita ng maling asal ng isang mandirigma.

Samantala ang grupo nila Grey, Akari, Lucy at Jay-ar ay patungo ngayon sa istadyum. Ang mga ito ay napag-pasyahan na magsanay rito, sila Akari at Lucy nga ay Ganado dahil sa wakas ay masusubukan na nila ang bago nilang kakayahan.

Sa loob lamang ng isang buwan ay may mga natutunan na kaagad ang mga ito na mga bagong technique at natutunan narin nila na tipirin ang enerhiya na kanilang ginagamit sa pakikipag-laban. Si Jay-ar nga ay makikitaan ng kumpyansa sa kaniyang sarili. Dahil sa wakas ay maipapakita na niya ang kaniyang improvement sa harapan ng marami.

At papatunayan niya ngayon na hindi siya dapat maliitin dahil sa pagkakataon na ito ay natitiyak niya na may ibubuga na siya sa mga malalakas na kalaban. Si Grey naman ay makikita na kalmado lamang at tila ba may malalim na ini-isip.

Si Grey ay inii-isip ang sinabi sa kaniya ni Shawn nung isang linggo, at ang sinabi ni Shawn ay patungkol sa usap-usapan ng mga taga Special Class patungkol sa nalalapit na Sport's Festival. Narinig lamang daw ito ni Shawn sa isa nitong kasamahan sa Special Class.

Napapa-isip tuloy siya kung ano ang mga magaganap sa sinasabi na Sport's Festival, napahinto na lamang siya ng huminto sa paglalakad ang kaniyang mga kasama. Samantala sa kanilang harapan ay makikita ang apat na kaibigan ni Scarlet.

Ang apat na ito nga ay nakatingin ng masama sa apat na kaagad nga na ikina-asar ni Jay-ar. Gusto na niya kaagad upakan ang tatlo sa mga ito dahil ang sama makatingin ng mga ito sa kanila. Samantala si Lucy at Akari naman ay hindi nagpa-sindak sa mga titig ng mga ito.

Wala silang intension na patulan ang mga ito, ewan na lamang sa kasama nilang si Jay-ar na makikita na inis na inis na sa mga ito. Habang si Grey naman ay kalmado lamang na aakalain mo na isang tahimik na tao, pero kapag sila sila lamang ay napaka-friendly nito.

Ang apat na kaibigan nga ni Scarlet ay napansin na iiwasan nanaman sila ng apat na kaibigan ni Shawn ay mas lalo silang naasar sa mga ito. Hindi sila nito ginagalang bilang mga naunang estudyante sa mga ito. Ang apat nga na ito ay naghiwalay sa dalawang grupo.

At ang mga ito nga ay hinarangan ang daraanan ng mga ito, sa likod at harap. Sa kasalukuyan ay wala nasa labas pa sila ng istadyum subalit mukhang mayroong sisiklab na labanan sa labas nito. At ito ay sa pagitan ng mga kaibigan nila Scarlet at Shawn.

Samantala ang laban sa pagitan ni Scarlet at ng apat na estudyante ay natapos na, ang apat ay naiwan na nakahiga at wala ng malay habang ang katawan ng mga ito ay nababalutan ng itim na kidlat dahil sa malakas na boltahe ng kidlat na tinanggap ng kanilang katawan.

Makikita ang nakatayo na si Scarlet habang makikita sa kaniyang mukha ang nakakatakot na ngiti, ang mga estudyante naman na nakakita sa ekspresyon na iyun ni Scarlet ay kinatakutan ng mga naroroon. samantala sa labas ng istadyum ay inatake ng apat na kasamahan ni Scarlet ang grupo nila Grey. At dahil nga sa pag-atake ng mga ito sa kanila ay wala na silang napag-pilian kundi ang protektahan ang kani-kanilang sarili.

Si Grey nga na kasalukuyang nasa gitna nila Akari, Lucy At Jay-ar ay binalutan ng kaniyang malamig na aura. At ng paglabas pa nga lamang ng kaniyang aura ay nagyelo na kaagad ang kanilang kinatatayuan. Ang kinatatayuan nga nila Grey ay kaagad na binalot ng makapal na tipak ng mga yelo.

Ang apat na kaibigan ni Scarlet ay hindi inalintala ang paglalabas ng isa sa apat, bagkus ay tuloy lamang sila sa kanilang gagawin na atake. Ang apat nga na ito ay binalutan ang kani-kanilang mga kamao ng kani-kanilang enerhiya.

Sa labas nga ng istadyum ay nagkaroon ng pagsabog, ang mga estudyante nga na nanonood sa loob ng istadyum ay kaagad na lumipad upang Makita kung ano ang naganap sa labas ng istadyum at ang lahat ay nagulat ng Makita nila na nagkakaroon ng mainit na labanan sa pagitan ng mga estudyante.

Si Akari ay mabilis na lumilipad, habang siya ay hinahabol ng isa sa apat na kalaban. At napansin niya na kagaya niya ay isa rin itong gumagamit ng elemento ng hangin. Si Akari ay mabilis na lumilipad sa himpapawid upang makahanap ng mas malaking pwesto ng paglalabanan. Ang babae naman na humahabol sa kaniya ay makikita na inis na inis sa kaniya at ito ay walang pag-aalinlangan na pina-ulanan siya ng bugso ng hangin na may hugis ng mga patalim.

Mabilis naman ito na naiwasan ni Akari at binalutan niya ang kaniyang mga kamay at paa ng taglay niyang elemento. Mararamdaman sa paligid ang biglang pagbabago ng lagay ng panahon. Ang kaninang matinding sikat ng araw sa kalangitan, nagyon ay nabalutan ng makapal na ulap.

Nagkaroon ng malakas na bugso ng hangin sa paligid ni Akari na ikina-gulat naman ng kalaban nito, sa kasalukuyan nga ay makikita na napapaligitan ng napakalakas na bugso ng hangin ang dalawang kamay at paa ni Akari. Tila ito ay nag-mistulang ipo-ipo na inilalabas ng kaniyang katawan.

Samantala sa ibaba naman ay makikita si Jay-ar habang ito ay mabilis na tumatakbo habang ito ay nababalutan ng dilaw na kidlat, habang ang lalake na humahabol sa kaniya ay nababalutan naman ng kayumanggi nitong aura. Ang lupa na kanilang tinatakbuhan ay bigla na lamang may mga umaangat na malalaking tipak ng lupa.

Si Jay-ar nga ay makikita na nakangiti, dahil nabatid niya kung ano ang elemento na ginagamit ng kaniyang kalaban. Kaya naman siya mas lalong binilisan niya ang kaniyang pagkilos. At gamit ang kaniyang elemento ay nagawa niyang makapunta sa likod ng kalaban nito.

Ang lalake nga na humahabol kay Jay-ar ay nagulat ng sa isang iglap ay nasa likuran na niya ang kaniyang hinahabol. Lumingon siya rito at kaagad na nagbitaw ng malakas na suntok sa kinaroroonan nito. Subalit nagulat siya ng magawa nitong maiwasan ang kaniyang atake.

"BANG!!" isang malakas na pagsabog ang naganap sa kinaroroonan nila Jay-ar, at mula sa kinaroroonan na iyun ay makikita ang katawan ng isang lalake na nababalutan ng dilaw na kidlat. Makikita nga doon ang walang malay na katawan ng lalake na nagtataglay ng elemento ng lupa.

Ang mga nakakita ng laban ni Jay-ar ay nagulat dahil sa maikling laban ay nagawa nitong mapabagsak ang kaniyang kalaban. At hindi lamang ordinaryo ang pinabagsak nito, dahil ang lalake na ito ay ang pangatlo sa pinaka-malakas na 1st year student ng buong academy...

Legends of God's Children [School of Magic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon