Chapter CXIII: Retreated
---
SA kasalukuyan ay makikita si Shawn na nababalutan nang napakayaman na enerhiya, ang mga Z rankers at mga Demon General na naroroon ay napatingin sa direksyon na iyun. Hindi na nila nagugustuhan ang presensya na iyun, dahil ang presesya na iyun ay nagbibigay na nang kakaibang kilabot sa kanila.Si Dyrott nga ay naibulaslas na lamang ang salitang narinig nang lahat nang naroroon.
"Lilitaw na siya!!" hiyaw nito na ikina-alarma naman ng mga kapwa nito Demon General, sila Soleth Grisha ay kaagad na nagtungo sa pwesto kung saan naroroon si Dyrott. Makikita sa mukha ni Grisha ang pagkabahala nang itinuro ni Dyrott ang direksyon kung saan naroroon ang naakalakas na enerhiya na kanilang nararamdaman, nang makita ni Grisha ang itinuturo ni Dyrott ay nanlaki ang kaniyang mga mata.
Nang kaniyang makita ang Simbolo nang isang Halimaw na may tatlong ulo sa likuran ng isang batang lalake, at ang batang lalake na iyun ay ang batang kanilang pinag-hihinalaang nagtataglay ng kapangyarihan ni Hades.
At ang simbolo na kaniyang nakikita sa likuran nito ay ang simbolo ng halimaw na palaging kasama ni Hades na walang pag-aalinlangan na pina-paslang ang lahat ng humarang sa daraanan nito. Ang halimaw na Cerberus ang nilalang na mayroong kapangi-pangilabot na na kakayahan, na hindi kayang tumbasan nang kahit na sino man.
Si Grisha nga ay kaagad na tinungo ang kinaroroonan ni Gelal at kaniyang walang pag-aalinlangan na hinablot ang kasuotan ni Gelal, habang ang kalaban naman nitong sila Lucy at Alicia ay tumilapon dahil sa paghampas nang malaking bagay na humampas sa kanila at ang bagay na ito ay nagmumula mismo sa kalaban na humablot kay Gelal.
Samantala kasalukuyan na nakatayo si Rev habang nasa harapan nito si Shawn na kasalukuyan na nakatayo habang sini-simulan na ito ang paglalabas nang Imahe nang enerhiya sa katawan nito, nananabik siya na masaksihan ang kauna-unahang pagkakataon na mapalabas ni Shawn ang sarili nitong Divine Beast.
At sa kasalukuyan ay ginagawa nito ang method na kaniyang ginawa noong tinulungan niya ang mga ito laban sa malaking Halimaw na iyun, samantala naramdaman na niya ang unti-unting pagbabago ng Asul na Apoy na inilalabas nang katawan ni Shawn at ang Asul nitong Apoy ay mabilisan na nagtutungo sa Simbolo na nasa likuran nito.
Ang Asul na simbolo na iyun ay mabilis nga na nagliwanag at maya maya pa ay bigla na lamang niyang naramdaman ang napakabigat na presensya na nagmumula sa kinaroroonan ni Shawn, samantala sila Grey, Akari at Jay-ar ay naistatwa mula sa kanilang kinatatayuan nang bigla na lamang lumitaw sa kanilang harapan ang isang higanteng nilalang.
Ang nilalang na ito ay mayroong napakalaking pangangatawan, at higit sa lahat ay kapansin pansin ang tatlo nitong ulo na kamukha nang lobo. Nararamdaman nila ang napakalakas nitong aura na dahilan nang kanilang pagka-istawa, samantala ang mga Z rankers naman ay nanlaki ang mga mata nang bigla na lamang lumitaw mula sa pwestong iyun ang isang malaking nilalang.
Ang nilalang na iyun ay mayroong tatlong ulo nang mga Lobo, at mayroon itong napakalaking pangangatawan at higit sa lahat ay mayroon itong napaka-itim na mga balahibo at ang katawan nito ay mayroong mga nanliliyab na Asul na Apoy.Hindi makapaniwala ang mga ito sa nilalang na kanilang nakikita, si Ariana nga ay hindi mapigilan na makaramdam nang pagkasindak.
Sapagkat ang mga mata ng halimaw na ito ay napaka-talas at animo'y handing handa nang sumalakay ano mang oras.Samantala si Rev naman ay makikitang nakatulala habang ito ay nakatingin sa ibabang bahagi nang katawan ng halimaw, hindi makapaniwala si Rev sa kaniyang nasasaksihan ang nilalang na lumabas mula sa simbolo na nasa likuran ni Shawn ay isang Cerberus.
Ang kakaibang uri nang nilalang na nababanggit lamang noon sa mga kwento sa libro, ngayon ay nasa kaniya nang harapan. Hindi siya makapaniwala na makakakita siya nang ganitong nilalang sa kasalukuyan.Samantala si Shawn ay kasalukuyan na nasa gitnang uluhan nang Cerberus, makikita sa kaniyang mukha ang saya habang hindi siya makapaniwala sa napakalakas na enerhiya na bumabalot ngayon sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Legends of God's Children [School of Magic]
AdventureLegends of Gods Children: Volume 1 - School of Magic Genre: Action, Fantasy, Adventure In the year 2100, humanity is on the brink of extinction. The world has been overrun by demonic forces, remnants of biblical lore now wreaking havoc on Earth. As...