Chapter XLIX

106 25 0
                                    

Chapter XLIX: Impossible

---

ANG lahat ay nabigla ng Makita nila ang kinalabasan ng pagsasama ng dalawang uri ng aura na tinataglay ni Shawn, ang kaganapan na ito ay isa sa hindi nila malilimutan na sandal. Dahil ito ang unang beses nila na nasaksihan ang pagsasama ng dalawang uri ng enerhiya sa iisang katawan.

Samantala sila Ariana at Rev ay pamilyar sa pamamaraan na ito dahil minsan na rin nilang ginawa ito, noong sila ay may nakalaban na malakas na diyablo at maari na napaslang sila nito kung hindi niya nagawang magamit ng mabilis ang kaniyang kapangyarihan.

Si Yoki at Caleb naman ay kapwa naguguluhan sa kakaibang kakayahan na mayroon ang batang si Shawn, una ay ito ang nagtataglay ng pambihirang Blue Flame at ito ay mayroong misteryosong itim na usok na lumalabas sa katawan nito, sa lahat ng pagkakataon at naging dahilan kung bakit sa murang edad ay nakatungtong na kaagad ito sa ranggo na B rank.

At sa kasalukuyan niyang nakikita ay ang talento nito sa pag-gamit ng Aura Skin at hindi siya makapaniwala na magagawa nito ang ganitong pamamaraan ng pagsasanib ng aura. Ang kasalukuyang sitwasyon sa pagitan nila Lucy At Shawn.

Napatingin naman si Yoki sa batang si Lucy, hindi niya akalain na malakas ang isang ito. Hindi niya inakala sa sa muling pagkakataon ay makakakita siya ng isang babae na mayroong natural na pisikal na lakas bukod kay Ariana ay nakitaan niya rin ng natural na pisikal na lakas ang nakababatang kapatid ni Rev at ngayon nga sa kaniyang harapan ay nakikita niya ang isa pang babae na nagtataglay nito.

At tamang tama ang tinataglay nitong Elemento ng Kidlat, ay mas lalakas pa ng husto ang kaniyang tinataglay na pisikal na lakas at magkakaroon din ito ng kakayahan na kasing bilis ng kidlat. Samantala sila Alicia at Sebastian ay nakasalubong ang isat-isa at nabatid nila na kapwa sila naaalarma sa nararamdaman nilang Aura sa lugar kung saan naroroon ang mga taga Special Class.

Si Alicia nga ay napansin ang kasamang bata ni Sebastian, subalit hindi na niya ito na niya inalam kung bakit kasama ito ni Sebastian dahil mas kailangan niya na makarating kaagad sa gusaling iyun. Samantala sa pagitan nila Lucy at Shawn ay kasaluluyang kumakalat na sa paligid ang itim na usok na inilalabas ng katawan ni Shawn.

Habang si Lucy naman ay patuloy na naglalabas ng mapaminsalang enerhiya ng kaniyang kapangyarihan, sila Grey, Akari, Jay-ar, Markus at Jarvis nga ay hindi na kinaya ang presensya na inilalabas ng dalawa at dahil narin iyun sa tumataas na temperatura dahil sa pagliliyab ng asul na apoy na kasalukuyang kumakalat sa loob ng Training ground dahil kay Shawn.

Si Yoki nga ay kaagad na inutusan si Caleb na gamitin ang emergency alarm ng pasilidad na kanilang kinaroroonan, ang paligid nga ay ng training ground ay biglang gumalaw na ikinagulat naman ng mga naroroon.

Ang kinatatayuan nila Shawn ay bigla na lamang gumalaw, nagmistula itong gumalaw at pataas na ikinagulat ng mga estudyante.

"Kayong Lahat!, kung gusto niyo mapanood ang laban umalis na kayo sa lugar na ito, dahil sa labas matutuloy ang laban na ito" sigaw ni Yoki sa lahat ng naroroon. Ang lahat nga ay naguluhan noong una pero kaagad nilang naunawaan ang sinasabi ni Yoki dahil sa pag-angat ng Training ground na kinatatayuan nila Shawn At Lucy.

Ang Training Ground ay malilipat sa pinaka-itaas ng gusali, at dahil sila ngayon ay nasa Ground Floor ng Gusali ay dapat silang mag-madali. Ang mga estudyante nga ay isa isang umalis sa loob ng Ground Floor. Ang mga ito ay umalis gamit ang hagdan at mayroon naman umalis gamit ang elevator at ang iba naman ay ginamit ang kanilang kapangyarihan para mabilis na makapunta sa laban.

Samantala si Shawn ay nagtaka sa biglang pag-angat ng kanilang kinatatayuan, napatingin siya sa kaniyang paligid at napansin niya na ito ay ang pinaka-sentro ng gusaling ito. Mukhang isa ito sa mga pangunahing bahagi ng gusaling ito.

Legends of God's Children [School of Magic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon