Chapter CXXXIII: Evolution
---
SA isang malawak na kalupaan ay makikita ang kasalukuyang nagaganap na labanan sa pagitan ni Lucy at nang tatlong diyablo na alagad ni Baal, sa kasalukuyan ay walang kahirap hirap na iniiwasan ni Lucy ang mga atake nang kaniyang mga kalaban.
Sa isang tabi naman ay makikita si Shawn na nakatayo habang pinanonood lamang ang labanan na nagaganap, kaniyang pinagmamasdan ang mga kalaban na walang kahirap hirap na pinapabagsak nang kaniyang kasama. Hindi mapigilan ni Shawn na mapangiti habang kaniyang nakikita na binubugbog nito ang mga kalaban.
Habang pinanonood nga ni Shawn ang kasalukuyang laban, ay sa loob naman niya ay makikita ang balisang si Hades. Dahil kaniyang nararamdaman malapit sa kinaroroonan ni Shawn ang presensya ni Hades, alam niya na naghihintay lamang ito nang pagkakataon para sumalakay.
Nais man niya na sabihan si Shawn sa ngayon, subalit hindi niya magawang makakonekta sa isipan nang kaniyang tagapagmana. Hindi niya iyun magawa sapagkat nabago na muli ang barrier, dahil sa pagka-gising ni Shawn sa kapangyarihan nang Divine Beast.
Kaya naman ang kakayahan ni Hades na makausap si Shawn nang kahit anong sandal, ay kaniyang magagawa. Kung hindi nga lamang ito nagsasanay noon sa paggamit nang kapangyarihan nang Divine Beast, ay hindi niya sana hahayaan na patibayin nito ang barrier.
Samantala habang si Shawn ay nanonood lamang, ay hindi parin niya ibinababa ang kaniyang dipensa. Sa katunayan nga ay sa kabila nang kaniyang pananahimik sa kaniyang kinatatayuan ay kaniya nang pinakikiramdaman ang kanilang paligid, at kaniya nang batid na sila ay kanina pa pinanonood nang isang indibidwal mula sa mataas na parte nang lugar.
Si Baal naman ay kasalukuyan na napasimangot nang siya ay makaramdam nang presensya na kumakalat sa paligid, ang kaniyang nararamdaman na presensya ay nagagawang malibot ang kaniyang ginawang Energy Waves.
At sa kaniyang palagay ay magagawa nitong malaman ang kahit ano sa paligid nito, at tiyak na kung sino man ito ay malalaman na nasa malapit lamang siyang lugar. Dahil doon ay napatingin siya sa kinaroroonan nang tagapagmana ni Hades, kaniyang napansin na simula kanina ay hindi pa nagsimulang kumilos ang batang ito.
Habang kaniyang pinagmamasdan ang batang ito, ay bigla nalamang niyang naalala ang isang bagay. At iyun ay ang dapat na niyang ginawa kanina pa, hindi niya nagawang itago ang kaniyang presensya buhat kanina.
At dahil doon ay tiyak na naalarma na ang mga kalaban, at tiyak na maya maya lamang ay magpapadala na ang mga ito nang mga mandirigma na lalaban sa kaniya.
Samantala sa akademya naman ay kasalukuyan na makikita ang grupo nila Grey, na kasalukuyan na nakasuot nang uniporme nang akademya. Sa kasalukuyan ay sila lamang ang tumanggap nang agarang misyon, dahil ang kanilang mga kasamahan ay nasa kani-kanilang misyon at tanging sila lamang ang naiwan sa kaniyang seksyon.
Ang mga kabilang nga sa mga ito ay sila Grey, Akari, Jay-ar, Markus at Jarvis silang lima ang naatasan na magtungo sa lugar kung saan naramdaman ang lumitaw na enerhiya waves. Kasalukuyan na pinaaalahanan sila nang mga opisyal na kailangan nilang mapanatili na walang masisira sa buong lugar, dahil kung magkataon na magkaroon nang malaking pagkawasak sa lugar na iyun ay tiyak na marami ang mamamatay.
Samantala sa apartment naman kung saan naroroon si Jack ay kasalukuyan itong nakatayo habang makikita sa kaniyang mukha ang gulat, nagulat siya dahil sa malakas na presensya na kaniyang naramdaman. Ang malakas na presensya na iyun ay nagmula mismo sa lugar kung saan lumipad sila Shawn, hindi niya maiwasan na mag-alala para sa dalawa dahil napakadelikado nang misyon nang mga ito.
Hindi tuloy niya maiwasan na maghanda nang kaniyang mga gamit, dahil hindi niya kaya na maupo lamang sa isang tabi habang mayroon nang mga nalalagay sa panganib. Si Jack nga ay kinuha ang kaniyang mga gamit, at kaniyang dala dala ang isang pana at maraming mga palaso.
BINABASA MO ANG
Legends of God's Children [School of Magic]
AdventureLegends of Gods Children: Volume 1 - School of Magic Genre: Action, Fantasy, Adventure In the year 2100, humanity is on the brink of extinction. The world has been overrun by demonic forces, remnants of biblical lore now wreaking havoc on Earth. As...