Chapter CIX

66 21 0
                                    

Chapter CIX: Unbelievable

---

SA loob ng katawan ni Shawn ay kasalukuyan na nakatayo si Hades sa harapan ng kaniyang alaga na Cerberus, hindi na siya makapag hintay na maabot ni Shawn ang potensyal na makapag-palabas ng Divine Beast. Sa kasalukuyan ay dalawang ulo pa lamang ng Cerberus ang mayroong buhay, at kasalukuyang natutulog pa din ang ikatlong ulo nito.

Magigising lamang ang ikatlong ulo ng Cerberus kapag nagising ito ni Shawn sa pamamagitan lamang ng emosyon nito, katulad lamang ng nangyari noong magising ang ikalawang ulo nito. Noong magising ito sa pamamagitan ng emosyon ni Shawn, sa maiksing panahon lamang ay nalalapit na ito sa antas na magamit nito ang kapangyarihan na ito.

Hindi na niya mahintay ang panahon na magagawa nang magamit ni Shawn ang kapangyarihang ito, ipagdarasal niya na maabot ng batang ito ang potensyal ng isang Divine Beast Summoner. Dahil kapag nagawang makapag-palabas ni Shawn nito, ay mas lalong itong lalakas kaysa sa dati, at halos magagamit na nito ang dalawangpung porsyento.

Ang bahagi ng kapangyarihan ng isang Divine Beast ay dalawangpung porsyento lamang ng lakas ng isang Diyos, kaya kapag nagawa ni Shawn na mapalabas ito ay tiyak na ito na ang pinaka-batang indibidwal na nakapag-palabas ng Divine Beast.

Samantala sa kasalukuyan naman ay makikita si Shawn na nakatingin lamang sa harapan nito, habang sa harapan naman nito ay kaniyang makikita si Gelal na hanggang sa ngayon ay hindi parin gumagawa ng hakbang nito. Mukhang wala itong balak na umatake subalit hindi padin inaalis ni Shawn ang kaniyang tingin dito, dahil tiyak na kapag nawala ang atensyon niya dito ay tiyak na kikilos ito para makuha si Lucy.

Tiningnan ni Shawn si Lucy na kasalukuyan naman na nakatingin din sa kalaban, habang mapapansin na naka-kuyom lamang ang mga kamao nito. At alam niyang sa kasalukuyan ay nagpipigil lamang ito, marahil ay dahil ito sa kasalukuyang antas ng kanilang kalaban at sa kasalukuyang nilang kalagayan ay nasa gitna sila ng labanan ng mga pinaka-malalakas.

Samantala si Gelal naman ay kasalukuyan lamang na tiningnan ang dalawang bata na nasa kaniyang harapan, hindi siya makapaniwala na ang nawawalang prinsesa ay malapit na kakilala ang batang nagmana ng kapangyarihan ng Diyos ng Kadiliman.

Mukhang magiging interesante ang mga tagpong ito para sa kaniya, dahil nagawang makaligtas ng batang lalake na iyun na mabuhay sa kabila ng kaniyang pinakawalang atake. Samantalang doon sa pinang-galingan niyang akademya kanina ay wala nang nakatayong estudyante, dahil lamang sa kaniyang isang atake kaya naman para sa kaniya ay isang espisyal na bata ang isang ito.

Lalo na dahil ito ay nagmana ng isang kapangyarihan na tanging may kakayahan na labanan ang lahi ng mga Diyablo ng walang kahirap hirap, ang kaniyang tinutukoy dito ay ang Asul na Apoy na tinataglay nito. Ang kapangyarihan na mayroon ang Blue Flame ay sadyang napaka-misteryoso, dahil iilan lamang sa kasaysayan ang nakapag-kamit ng kapangyarihan nito.

At ang pinaka-pinagmulan ng kapangyarihan na ito ay walang iba kundi ang Diyos ng Kadiliman at ito ay si Hades, ilang libong taon nitong pinahirapan ang lahi ng mga Diyablo hanggang sa umabot sa pagka-ubos ng pinaka-malakas na angkan sa mga ito.

Samantala sa pagitan naman ng Demon General at ng mga Z rankers ay nagsimula na ang pagsugod ng mga ito sa isat-isa, si Ariana ay kaagad na tinungo ang kinaroroonan ni Soleth. At katulad nang una silang maglaban, ay nagawang maiwasan ni Solet hang kaniyang atake, inasahan na ni Ariana na iiwasan iyun ng kaniyang kalaban.

Kaya naman mula sa kaniyang likuran ay makikita si Silver na mag-sisilbing backup nito, samantala makikita naman ang ngiti sa labi ni Soleth ng kaniyang makita na may kasamang lalaban ngayon ang Z ranker na kaniyang nakalaban kanina.

Hindi niya akalain na makikipag-laban ito sa kaniya habang ito ay mayroong kakampi na aalalay dito, napangisi siya dahil ang taktikang ito ng kalaban ay kanilang pinag-handaan. At mula sa kaniyang likuran ay makikita si Grisha na lumitaw sa likuran ni Soleth habang ang mga kamao nito ay nababalutan ng kumikislap na mineral na nabubuo sa dalawa nitong mga kamay.

Si Silver naman ay mas lalong natuwa ng kaniyang makita si Grisha sa likod ng kalaban, kaya naman mas ginanahan siya dahil makakalaban niya muli ang nilalang na sumira ng kaniyang matibay na dipensa. Mula nga sa kinaroroonan nila Ariana ay nagkaroon ng malakas na pagsabog dahil sa pagsasalpukan ng dalawang malakas na atake.

Sila Grey, Jay-ar at Akari ay napatingin sa pwestong iyun, at nakita nila ang paglabas ng apat na pigura sa usok na nilikha ng pagsabog. Nakita nila sila Ariana at Silver na Kapwa na lumalaban sa dalawang diyablo, at ang bawat pagtama nga ng kanilang mga atake ay nagbibigay ng malakas na ingay sa kanilang paligid.

Sa bawat pag-salpukan ng atake nila Silver at Grisha, ay mayroong mga piraso ng metal at diyamante ang nahuhulot sa kalupaan. At ang bawat piraso ng mga bumabagsak na ito na mula sa kanilang mga enerhiya ay naglilikha ito ng malakas na pagyanig sa lupa.

Dahil sa pagsisimula ng paglalaban ng mga ito ay mas lalong bumigat pa ang presensya sa buong paligid ng mga ito, samantala sila Alicia, Dylan at Elton naman ay namangha dahil sa kakaibang epekto ng pagbabangaan ng mga atake ng dalawang panig.

Hindi sila makapaniwala na magiging ganun katindi ang impak ng bawat pagtama ng bawat atake ng dalawa, sa bawat pagtatama ng kanilang mga atake nga ay mayroong malakas na aliwang-wang ang maririnig.

At halos nakakabingi ito dahil sa lakas ng tunog na nililikha nito, ang ibang Demon General naman ay kasalukuyan na nakatingin lamang sa pwesto kung saan naroroon ang ibang mga Z rankers. Pinag-mamasdan lamang nila ang ibang mga kalaban dahil inaalam nila ang susunod na pakay ng mga ito, lalo na ang pwesto kung saan naroroon sila Lucy at Shawn.

Inaalala lamang nila Varies at Dyrott na hindi gagawa ng maling hakbang si Gelal, dahil alam nilang dalawa na mahilig paglaruan ni Gelal ang bawat makakalaban nito. At batid ni Dyrott na mangyayari iyun dahil ang mga batang nasa harapan nito ay hindi mga ordinaryong mga bata, dahil ang mga ito ay may kaniya-kaniyang pamamaraan ng pakikipaglaban na hindi inaasahan ng bawat isa sa kanila.

Samantala kasalukuyan naman na nagkaroon ng pag-uusap sa pagitan nila Gelal at Lucy, sa kasalukuyan nga ay sinasabi ni Gelal ang misyon nito sa mga ito. At kung bakit kina-kailangan nilang mabawi si Lucy, nang marinig nga ni Lucy ang mga sinabi nito ay natahimik siya dahil sa dahilan ng mga ito.

Naririto ang mga ito para siya ay bawiin mula sa mundo ng mga tao, ninanais ng mga ito na siya ay maging pinuno ng isang angkan na naglaho na nang matagal na panahon. At mamuhay sa impyerno bilang ang Prinsesa ng mga Diyablo.

Habang naiisip ni Lucy ang mga imahe ng mga sinasabing iyun ng kalaban, ay narinig niya ang pag-sigaw ni Shawn dito. At hindi makapaniwala si Lucy na magagawang sabihin ni Shawn iyun.

"Hindi ko hahayaan na makuha ninyo si Lucy!, hinding hindi." Sigaw ni Shawn na ikinagulat ni Lucy, at pansin niya sa tono ng boses nito ang sobrang galit nito.

Hindi niya alam kung ano ang pinaka-pinagmumulan ng galit nito, subalit kung ang plano ng mga kalaban ang kaniyang pagbabasehan. Ay dapat ay siya ang dumi-depensa sa kaniyang sarili at hindi si Shawn.

Maya maya pa nga ay nagulat si Lucy ng bigla na lamang may lumabas na itim na usok sa katawan ni Shawn, si Shawn nga ay bigla na lamang natahimik at kasunod noon ay ang biglang paglabas ng kakaibang presensya mula sa katawan nito.

Samantala ang mga estudyante naman na nakakakita ng kasalukuyang nagaganap ay hindi makapaniwala sa kanilang nakikitang laban, ang klase ng labanan na nagaganap ngayon ay alam nilang hindi lamang isang labanan sa pagitan ng mga tao at diyablo.

Ang labanan na ito ay sa pagitan ng mga malalakas na indibidwal, na kayang makagawa ng mga hindi kapani-paniwalang mga bagay na kasalukuyang nagaganap sa labanan na kanilang nasasaksihan....


Legends of God's Children [School of Magic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon