Chapter XXXIV

118 25 0
                                    

Chapter XXXIV: Hidden Memories

---

SA labas ng clinic ay makikita na naka-upo sa magkakatabi na upuan ang mga magkaka-ibigan na sila Akari, Shawn, Grey at Jay-ar. Ang tatlo sa mga ito ay may pare-parehong ekspresyon habang ang isa naman ay mas nag-iisip ng positibong bagay.

Ini-isip na lamang nito na sana ay normal na lagnat lamang ang nangyayari ngayon sa kaibigan na ito, at ang kaibigan na ito ni Lucy ay si Jay-ar. Sa loob ng isang linggo nila na magkakasama ay mayroon na din sila na maliit na koneksyon sa isat-isa.

Sa lumipas nga na isang linggo ay parating siya nitong hinahamon sa isang laban, ang panghahamon na ito ni Lucy ay labis naman na hindi noon mapaniwalaan ni Jay-ar dahil nakita niya noon kung gaano kalayo ang agwat ng kanilang lakas.

Pero hindi iyun naging daan upang maging mayabang ito, bagkus nga ay nakiki-halubilo sa kaniya kahit minsan ay sinu-sungitan niya ito. ito ang unang pagkakataon niya na magkaroon ng kaibigan na babae at hindi niya man mapigilan na hindi mag-alala para dito ay mas ini-isip niya na lamang ang kaligtasan nito.

Samantala si Shawn naman ay nagtataka sa nangyayari kanina kay Lucy, nang ito ay kaniyang hawakan kanina ay sadyang napaka-init nito. Hindi niya inakala na magagawa pa nito na maka-pasok sa klase kahit malala na ang lagnat na nararamdaman nito.

Sa kasalukuyan nga ay may mga doktor at nurse na ang nag-aasikaso kay Lucy, samantala si Elton naman ay dumating na sa clinic at nakita niya ang magkaka-ibigan na sila Akari, Shawn, Grey at Jay-ar. Agad nga niya na tinanong kung ano ang nangyari.

Ang mga bata naman ay sinabi kung ano ang nangyari kay Lucy, at ito ay ang pag-pasok ni Lucy ng may mataas na lagnat. Si Elton naman ay kaagad na pumasok sa loob ng clinic ang mga bata naman ay hindi nagtaka kung bakit Malaya na nakapasok si Elton sa loob nito.

Dahil may abiso ang pag-pasok ng mga guro ng mga estudyante upang maipag-bigay alam ang totoong kalagayan nito. Samantala sa loob naman ng clinic ay makikita ang mga nurse at doktor habang sila ay nakatingin sa katawan ng batang si Lucy.

Nagtataka ang mga ito dahil sa kakaibang marka na lumalabas sa katawan nito, hindi nila alam kung ano ang bagay na ito. subalit sa kanilang pag-aanalisa ay ito ang dahilan kung bakit nakakaramdam ng panghihina ang katawan ng bata.

At sa kasalukuyan nga ay inaapoy ito ng mataas na lagnat, samantala napansin naman ng nurse ang pagpasok ng isang lalake, at ito ay si Elton ang guro ni Lucy. Agad naman siyang nilapitan ng nurse at ipinagbigay alam ang kalagayan nito.

Nang malaman nga ni Elton ang kakaibang marka sa katawan ni Lucy ay nakaramdam siya ng pangamba at pagtataka. Bakit mayroong marka ang kumakalat sa katawan ng bata. At sino ang gagawa nito sa isang batang babae.

Habang nag-iisip si Elton ng mga bagay bagay ay maririnig ang boses ni Lucy habang ito ay tila ba nananaginip. Lumapit si Elton dito at sakto nga na pagkalapit niya ay narinig niya rito ang salitang

"Mama!, Huwag kang umalis!" ito ang narinig ni Elton at kasunod noon ay ang pag-iyak ni lucy habang ito ay walang kamalayan sa dahil ito ay nananaginip.

Samantala sa loob naman ng isipan ni lucy ay mayroong makikitang ibat-ibang senaryo, makikita sa gitna ng mga sernaryo na ito ang isang batang babae na nakaluhod at umiiyak. Ang batang ito ay ang Lucy na kung titingnan maigi ay isa pa lamang limang taong gulang.

Ito ay umiiyak dahil sa ala-ala na pumapasok sa kaniyang isipan, mga ala-ala na hindi akalain na ito ang mga nakatago sa loob niya. Ang batang si Lucy nga ay umiyak dahil sa pag-alis ng kaniyang ina. Ang kaniyang ina na itinakas siya sa kamay ng mga nakakatakot na nilalang.

Ang ala-ala na patungkol sa pagtugis ng mga diyablo sa kaniyang ina habang siya naman ay hawak hawak nito ang isang sanggol na babae, ang sanggol na ito ay siya mismo. ang kaniyang ina ay tumatakas upang mailayo ang kaniyang anak mula sa mga masasamang binabalak ng ama nito.

Ang kasumpa-sumpang mga nilalang na gustong kunin ang isang walang muwang na bata, dahil sa mga sunod-sunod na ala ala na bumabalik sa ala-ala ni Lucy ay ang marka sa kaniyang likod ay mas lalong kumakalat. Tila ba ang marka na iyun ng bata ang nag sisilbing trigger ng mga nangyayaring ito sa kaniya.

samantala sa labas naman ng kaniyang katawan ay ang marka sa kaniyang katawan ay patuloy parin na kumakalat, ang mga nurse nga ay nag-aalala na sa nangyayari sa bata. Samantala ang doktor naman ay nagpakuha na ng alternatibo na gamot sa lagnat.

Kailangan na maagapan ang sakit na nararanasan ng bata, sa labas naman ng clinic ay makikita naman na nag-aalala ang apat na bata. Nakita nila ang itsura ngayon ng kanilang kaibigan nakikita nila sa ngayon ang kakaibang marka na kumakalat sa katawan nito.

Ang mga ito nga ay labis nang nag-aalala sa kalagayan ng kanilang kaibigan, dahil mukhang sa pagkakataon na ito ay hindi lamang simpleng lagnat ang nangyayari rito. Samantala si Lucy ay unti-unti nang huminahon ng mayroong iturok na gamot sa kaniyang braso.

Samantala sa loob ng isipan ni Lucy ay napalitan ang kaniyang nakikitang mga senaryo, sa ngayon ay nakikita niya ng malinaw ang mukha ng kaniyang ina. Habang ito ay nakatayo sa harapan ng bahay ampunan. Alam niya kung saan ang bahay ampunan kung saan sila naroroon.

Sapagkat ito ang ampunan kung saan niya alam kung saan siya nagmula, puno ng pagtataka ngayon si Lucy dahil sa kaniyang nakikita. Ang kaniyang ina ang nagdala sa kaniya sa bahay ampunan, hindi katulad ng ala-ala na mayroon siya ay isa lamang kasinungalingan.

Sapagkat ang ala-ala na bumabalik ngayon sa kaniyang ala-ala ay talagang napaka-linaw, ang senaryo nga ay muling nagbago at ito ay ang senaryo na silang dalawa ng kaniyang ina ay nasa loob ng isang silid. Makikita na ang kaniyang ina ay umiiyak habang ito ay nakaharap sa kaniya at tila may ipina-paliwanag.

Ang batang lucy na kausap ng kaniyang ina ay nakikta niya na umiiyak, habang ang kaniyang ina ay nakahawak sa likod ng batang si Lucy. Ang bata nga na si Lucy ay nakaramdam ng pananakit sa kaniyang likuran habang ang ina naman nito ay makikitang umiiyak habang may nilalagay na kung ano man sa katawan ng kaniyang anak.

"Anak!, Patawad" ito lamang ang tanging sinasabi ng kaniyang ina, habang ang kaniya namang anak na si Lucy ay unti-unti ng nawawalan ng malay. At ng magising ang batang si Lucy ay wala na itong naalala kahit na ang lugar kung saan siya naroroon ay wala siya.

Tumingin siya sa kaniyang paligid at marami ang madre na nakapalibot sa kaniya, ang ilan sa mga ito ay may bakas ng luha sa kanilang mga mata at ang ilan naman na makikitaan ng galit dahil sa kakaibang naganap.

Samantala ang lucy nga na nakakita ng mga ala-ala ay hindi makapaniwala sa kaniyang nasasaksihan, ang kaniyang tunay na pinagmulan. Hindi siya makapaniwala sa mga nakikita niya. Ang kaniya ngang isip ay pinasok ulit ng iba pang mga ala-ala.

Hanggang ang senaryo nga ay mapunta sa isang madilim na lugar kung saan ang makikita lamang ay ang mga naka-sinding kandila. Makikita roon ang kaniyang ina habang kasama nito ang isang nilalang na hindi niya inaasahan. Ang nilalang na iyun ay isang diyablo, iyun ang kaniyang natitiyak.

Samantala ang mga nurse at doktor naman ay nagbigla n gang marka na kumakalat sa katawan ni Lucy ay unti unti nawawala. Si Elton nga ay napansin naman ang pagkakaroon na ng malay ng batang si Lucy. Subalit ng dumilat ang mga mata nito ay bumungad sa kaniya ang mapupula nitong mga mata. Nakaramdam naman ng kakaibang enerhiya sila Shawn mula sa loob ng clinic. At nakita nila na ang katawan ni Lucy ay unti-unting binabalot ng taglay nitong aura....

Legends of God's Children [School of Magic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon