Chapter XIX

154 28 0
                                    

Chapter XIX: Welcome To Magica

---

ANG sasakyan na sinasakyan nila Sebastian, Edrian, Grey, Shawn, Jay-ar, Akari at Lucy ay huminto sa gitnang bahagi ng isang masukal na kagubatan ang kanilang sinasakyan. Makikita sa mukha ng mga bata ang pagkamangha, dahil ngayon lamang sila nakakita ng ganito kagandang gubat. Sa panahon na ito ang magkaroon ng ganito kalawak na kagubatan ay isang kamangha manghang bagay.

Samantala makikita naman sa mukha ni Sebastian ay makikita ang seryoso nitong mukha habang ito ay nakatingin sa kaniyang harapan. Sa kaniyang pagkaka-alam ang lugar na ito ay ang dating itsura ng lupain na pinag-tayuan ng akademya.

At sa kaniyang palagay ang buong kapaligiran ay isa lamang ilusyon na likha ng sino man, na mula sa akademya. Ipinagpatuloy ni Sebastian ang kaniyang pagmamaneho. Sa lumilipas na minuto ang paligid ng kanilang dinaraanan ay unti-unting nag-iiba.

Ang kaninang mala paraisong kagubatan ay unti-unting nagbabago at ang mga puno ay nagiging matibay na poste na nag-sisilbing haligi ng pader at ng isang malaking gate sa harapan ng kalsada na kanilang dinaraanan.

Napangisi si Sebastian ng Makita niya ang malaking bulwagan ng paaralan. Mas binilisan niya ang pagpapatakbo ng sasakyan, ang limang bata sa likod nila Sebastian at Edrian ay kaagad napakapit dahil sa biglang pag-bilis ng takbo ng kanilang sinasakyan.

Ang dalawang babae ay makikita na nanlalaki ang mga mata habang sila Shawn at Grey naman ay na-istatwa dahil halos humiwalay ang kanilang kaluluwa habang si Jay-ar naman ay hindi makikitaan ng ekspresyon. Pero sa kabila ng kawalan ng ekspresyon ay sa totoo lang ay gusto ng masuka nito dahil sa tindi ng pagkahilo na kaniyang nararamdaman.

Nagpatuloy ang mabilis na pagmamaneho ni Sebastian, makikita sa harapan ng malaking bulwagan ng paaralan ang anim na indibidwal na personal na naghihintay sa pagdating ng mga bagong estudyante. Ang anim na ito nga ay malinaw na nakikita ang mabilis na pagtakbo ng sasakyan kung saan naroroon ang mga bata.

Ang isa nga sa mga ito ay napanga-lumbaba na lamang dahil alam na niya ang sinapit ng mga bata. Ang mabilis na pag-papatakbo ng sasakyan ni Sebastian ang isa sa mga nakakatakot na karanasan ng bawat bagong estudyante ng paaralan.

Sa kanilang pagkaka-alam ang ginagawang ito ni Sebastian ay isang welcoming ceremony para sa mga bagong estudyante sa pangangalaga niya. Ito ang ginagawa niya sa mga estudyante taon taon. At walang hindi bumababa sa mga ito ng hindi nahihilo, nagsusuka, nawalan ng malay, o tinakasan ng kaluluwa.

Lumipas ang halos isang minuto ay sa wakas at huminto na ang sasakyan. Kaagad bumaba ng sasakyan si Edrian. Kaagad na mapapansin ang magulong asul na buhok nito. Na parang binagyo at ang gusot na gusot na polo nito at ang necktie nito na napunta sa lukuran ng kaniyang leeg.

Nang Makita naman ni Edrian ang anim na indibidwal na nag-abang sa kanila ay kaagad siyang ngumiti sa mga ito at kaagad na yumuko, bilang tanda ng pag-galang sa mga ito. Napatingin si Edrian sa isang lalake na isa sa anim na naroroon.

Ang lalakeng ito ang nakatatandang kapatid ni Alicia, at sa kasalukuyan ito ang pinakamalakas na God's Children sa kanilang paaralan. Malaking oportunidad ito sa mga bata dahil personal silang inabangan ng kasalukuyang nangunguna sa buong akademya.

Sunod na bumaba si Sebastian at ito naman ay hindi makikitaan ng pagkagulo ng kaniyang porma. Sa palagay nila ito ay gumamit ng aura upang protektahan ang kaniyang sarili. Walang patumpik tumpik na naglakad si Sebastian at mabilis na binuksan ang pintuan ng sasakyan. Bumungad sa kanilang lahat ang kasalukuyang kalagayan ng mga bata.

Sila Akari at Lucy ay nagulo ng husto ang kanilang mga buhok habang ang kanilang mga mata ay namumugto senyales na umiyak ang mga ito, kanina dahil sa mabilis na pag-papatakbo ng sasakyan ni Sebastian.

Samantala makikita naman sila Shawn at Grey na habang nakanganga ang mga ito, at nagsi-taasan ang kanilang mga buhok at kapwa ang mga ito ay walang malay. Samantala sa likod nila Shawn ay napansin ni Edrian na wala sa loob ng sasakyan ang isa sa mga ito.

Napahiyaw naman sa gulat si Sebastian, mukhang nahulog sa likuran ng sasakyan ang isa sa mga estudyante. Nahulog sa sasakyan ang walang malay na si Jay-ar. Kaagad na lumipad si Edrian at mabilis na nagpaalam sa anim na hahanapin niya saglit ang isa nilang kasama.

Napahawak nalang sa nuo ang anim ng malaman nila na nahulog sa sasakyan ang isa sa mga estudyante. Tiyak na nahulog ito dahil sa biglaang pagbukas ng likuran ng sasakyan ni Sebastian. Makikita naman na napahawak sa kaniyang mukha si Sebastian habang hindi makapaniwala na hindi niya naisara ang likuran ng sasakyan.

Nakalimutan niya na walang seatbelt na suot si Jay-ar dahil ito ay nasa likuran ng sasakyan. At sa bilis ng takbo ng sasakyan ay sigurado na nawalan ito ng malay at ng sandaling bumukas ang likod ng sasakyan ay dali daling nahulog ang katawan nito.

Samantala agad naman nakita ni Edrian ang walang malay na katawan ni Jay-ar, nakakita siya ng kaunting galos na natamo nito dahil sa pagka-hulog nito sa sasakyan. Kaagad kinuha ni Edrian ang katawan ni Jay-ar at lumipad pabalik sa bulwagan ng paaralan.

Nang makarating siya doon ay kaagad na lumapit ang isa sa anim. Agad na ginamot nito ang natamong sugat ni Jay-ar. Makikita naman ang apat na bata na mayroon ng malay. Si Akari nga ay mabilis na inayos ang kaniyang sarili.

Si Lucy naman ay pasimple lamang na hinawi ang kaniyang buhok habang sila Shawn at Grey naman ay nakatayo lamang at walang balak na mag-ayos ng kanilang postura. Makikita naman si Sebastian na humihingi ng tawad sa isa sa anim na naghantay sa kanila.

Ang anim na ito ay ang mga pinaka-malalakas na naging estudyante ng paaralan. Ang anim na ito ay ang mga natatanging nakatapak sa kategorya na Z rank. At ang pinaka-malakas sa mga ito ay ang nakatatandang kapatid ni Alicia Blaziwart.

Si Zev Blaziwart na katulad ng kaniyang nakababatang kapatid. Ay kaya niya ring gumamit ng apoy. At kahit ang kaniyang apoy ay isang Red Flame lamang ay nagawa niyang maging ganito kalakas sa pamamagitan lamang ng matinding pagsisikap.

Nang matapos gamutin ng isa sa anim si Jay-ar ay kaagad na nagkaroon ito ng malay. Kaagad nga bumangon si Jay-ar sa kaniyang pagkakahiga. Kaagad nga niyang pinag-masdan ang kaniyang paligid. Ang kaniyang dilaw na buhok ay mapapansin na magulo at may kaunti pang alikabok dahil sa kaniyang pagtilapon.

Kahit na naguguluhan si Jay-ar sa kaniyang paligid ay lumapit nalang siya kila Shawn na ngayon ay nakalinya habang ang mga ito ay nakatingin sa anim na indibidwal. Habang si Edrian naman ay ipinapakilala ang anim na ito.

"Mga Bata!, Ipina-pakilala ko silang anim sa inyo!, ang Anim na pinaka malakas sa buong kasaysayan ng Magica Academy". Sabi ni Edrian na ikinagulat naman ng limang bata.

Lalo na si Shawn dahil sa kanilang lima, ay siya ang pinaka may pinaka-interes na malaman kung sino ang mga ito. At ngayon na binanggit ni Edrian ang pagkaka-kilalanlan ng mga ito ay mas natuwa rito si Shawn dahil senyales ito ng magandang pagtanggap sa kanila ng akademya. At sa pamamagitan ito ng personal na paghihintay sa kanila ng anim na pinaka-malakas na God's Children ng Magica Academy...

Legends of God's Children [School of Magic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon