Chapter XXXIX

103 28 0
                                    

Chapter XXXIX: Upcoming Sport's Festival

---

SA opisina ni Yoki ay makikita ito na kasalukuyang nagpi-pirma ng mga papeles, makikita sa mukha ni Yoki ang pagkabagot habang pini-pirmahan ang mga papeles. Ilang oras na siyang nasa loob ng kaniyang opisina at halos wala pa siyang pahinga simula pa kahapon, dahil sa meeting na naganap kahapon tungkol sa nalalapit na Sport's Festival.

Si Yoki nga ay natuwa ng makita ang natitira na isang dosena na papeles na kaniyang pipirmahan, mabilis nga niya na pinirmahan ang mga ito. At ng matapos na nga niya na pirmahan ang mga ito ay napasandal siya sa kaniyang malambot niya na upuan.

Samantala sa labas naman ng kaniyang opisina ay makikita ang isang lalake na nakatayo sa harapan ng pinto nito, ang lalake na ito ay mayroong dilaw na buhok at berde na mga mata. Ang lalake na ito ay walang iba kundi si Sebastian. Ito ay personal na nagsadya para kausapin si Yoki. Mayroon siyang gusto na imungkahi rito patungkol sa mga magaganap na laban sa papalapit na Sport's Festival.

Samantala sa bahagi ng akademya kung saan nagaganap ang paglalaban nila Jay-ar at Scarlet sa ibaba, habang sa himpapawid ay makikita ang nalalapit ng pagtatapos ng laban ni Akari at ng babae na kapwa nito nagtataglay ng elemento ng hangin.

Makikita nga sa laban ng dalawa ang malaking pagkakaiba ng kasalukuyan nilang kalagayan, si Akari ay walang kahit kaunting galos, habang ang kaniyang kalaban ay makikitang magulo na ang buhok ay marami ang natamong sugat sa katawan dahil sa mga atake niya na balewala lamang na ibinabalik sa kaniya ng kalaban.

Hindi niya akalain na may makakalaban siya na isang babae na mayroon nakaka-inis na paraan ng pakikipag-laban. Samantala si Shawn ay makikita na nakatingin sa kaniyang harapan. Habang siya ay nakatayo sa harapan ng katawan ng lalake na nababalutan ng yelo na gawa ni Grey.

Binabalak niya na pakawalan na ito, dahil alam niya ang masamang epekto kapag mas nagtagal ang katawan nito sa loob ng tipak ng yelo. Si Shawn nga ay itinapat ang kaniyang kaliwang kamay sa tipak ng yelo na nasa kaniyang harapan. At sa isang iglap nga lamang ay natunaw ang yelo na bumalot sa katawan nito.

Samantala ang lalake ay kaagad na napatumba sa sahig habang ang buong katawan nito ay naninigas dahil sa sobrang lamig. Napatingin nga si Shawn sa kinaroroonan ni Grey. At makikita na nakatingin din ito sa kaniya. samantala nabaling naman ang atensyon ni Shawn kay Jay-ar na ngayon nga ay nakikipag-sabayan it okay Scarlet.

Hindi makapaniwala si Shawn na magiging malaki ang agwat ng kapangyarihan ni Jay-ar sa maiksing panahon lamang, ang lakas na tinataglay nito ay mas lumakas ng higit pa sa kaniyang inaasahan. Dahil sa kasalukuyan ang tinataglay na ranggo ng enerhiya nito ay nakatapak na sa sukdulan ng isang C ranker.

Sa pagitan nila Jay-ar at Scarlet ay patuloy na nagbabanggaan ng kanilang mga atake, si Scarlet nga ay mababakas ang inis sa kaniyang mukha, dahil simula pa lamang ng sila ay maglaban ay napansin niya na mas bumilis na ang pagkilos ng kaniyang kalaban.

Ang bilis na mayroon ito ngayon ay mas mabilis pa sa bilis na tinaglay nito noong balutin ang katawan nito ng itim na usok na nagmula sa katawan ni Shawn, dahil sa nangyayari ay hindi matanggap ni Scarlet na sa maiksing panahon lamang ay may isang tao ang magagawa siyang higitan sa maiksing panahon lamang.

Samantala si Jay-ar naman ay tinatamasa ang bawat sandali habang nakikita niya ang pagmumukha ng kaniyang kalaban, batid niya na naguguluhan na ito dahil sa mabilis niyang paglakas. Alam niya na hindi kapani-paniwala ang kaniyang paglakas. Maging siya ay nagulat dahil noong siya ay nagsasanay kasama si Lucy ay sa bawat paghaharap nila ay tumataas ang kalidad ng kaniyang aura. At unti-unting lumalakas ang taglay niyang kapangyarihan.

Sa ngayon nga ay nagpalabas ng magkakasunod na bola ng mga boltahe sa palibot nilang dalawa ni Scarlet, si Scarlet nga ay naguguluhan ng mapansin niya ang pag-papakawala ng mga bola ng enerhiya ng kaniyang kalaban. Inihanda nga niya ang kaniyang sarili dahil batid na niya na may binabalak ang kaniyang kalaban. At kailangan niya na kontrahin kaagad ito, dahil kung hindi ay natitiyak na muling madudungisan ang kaniyang pangalan.

Samantala si Lucy naman ay napatingin sa kaniyang kaibigan na si Jay-ar, nakita niya ang pag-papalabas ng Bola na gawa sa elemento nito, At base sa itsura nito ay alam na niya ang gagawin na atake ng kaniyang kaibigan.

Nakikita niya ngayon sa mukha ng kaniyang kaibigan ang isang ngiti, at ito ay ang ngiti ng isang tagumpay. Samantala si Scarlet ay nagulat ng bigla na lamang nawala sa kaniyang harapan ang kaniyang kalaban. Sa kaniya ngang paligid ay nagliwanag ang lahat ng bola ng enerhiya na pinalabas ng kaniyang kalaban kanina.

Si Scarlet nga ay bigla na lamang nakatanggap ng malakas na suntok mula sa kaniyang sikmura, nanlaki ang mga mata ni Scarlet dahil wala siyang naramdaman na presensya sa kaniyang paligid. At hindi niya nakita na tinamaan siya ng kaniyang kalaban.

Habang iniinda ni Scarlet ang sakit ng kaniyang kalamnan, ay nakatanggap siya muli ng pag-atake mula sa hindi niya malaman na direksyon. At sa pagkakataon na ito ay tinamaan naman siya sa kaniyang likuran. Hanggang sa sunod sunod na atake na ang kaniyang natatanggap.

Si Scarlet nga ay makikita na umaangat na ang katawan dahil sa mabibilis na pag-atake na ginagawa ni Jay-ar, at ang bilis ng pag-atake ni Jay-ar ay hindi kayang makita ni Scarlet na nagtataglay ng pambihirang Black Lightning.

Si Lucy naman ay malinaw na nakikita ang mabibilis na atake ni Jay-ar, sa pamamagitan ng Bola ng enerhiya na nakapalibot rito ay nagagawa ni Jay-ar na mag-palipat lipat ng posisyon habang ito ay umaatake. Ang bawat pinsala nga na magagawa ni Jay-ar sa biktima ng atake na ito ay tiyak na magiging malala.

Dahil magkaka-basag basag ang mga buto ng tatamaan ng mga atake na ito, ang bilis at lakas na mayroon si Jay-ar sa kasalukuyan ay sapat na upang mabilis na mapaslang ang kahit limang diyablo ng sabaysabay. Samantala lumipas ang isang minute ay saw akas ay huminto na sa pag-atake si Jay-ar.

Hindi ito dahil sa napagod na si Jay-ar, kundi dahil wala siyang intensyon na paslangin ang kaniyang kamag-aral, ang katawan nga ni Scarlet ay bumagsak sa lupa, si scarlet nga ay kasalukuyan ng walang malay. At sa pagkakataon nga na ito ay nanganga-ilangan na ito na maisugod sa clinic dahil sa matinding pinsala na natamo nito.

Samantala si Caleb ay namangha sa ipinakita na technique ng batang si Jay-ar, namangha siya dahil sa lakas ng epekto ng technique nito sa kalaban. At ang pinsala na ginawa nito sa kalaban nito ay alam niyang hindi basta basta.

Lalapitan na niya sana ito ng bigla na lamang maririnig sa buong paligid ang boses ni Yoki, ang lahat nga ng estudyante ay nakuha ang atensyon dahil dito. Si Yoki nga ay nagsimula ng mag-salita at kasama din nito ang isang particular na tao. Para sa kanilang sasabihin na importanteng anunsyo.

"Mga mag-aaral ng Magica Academy!, magandang tanghali sa inyong lahat, ako si Sebastian na isa sa mga guro at isa sa sampung Pillar ng buong akademya ay ipina-paalam ang nalalapit na Sport's Festival sa ating paaralan" pagsasalita ni Sebastian na ikinagulat naman ng mga estudyante na nakakapakinig ngayon ng sinasabi ni Sebastian.

"Marahil ang iba sa inyo ay alam na ang mga nangyari sa nakaraang Sport's Festival, ito na ang pagkakataon upang ipaalam sa atin ng ating butihing principal ang mag-sisilbing main event sa araw na iyun" sabi pa ni Sebastian at maririnig naman ang tila ba ingay na nagmumula sa nagtatalong sila Sebastian at Yoki.

Lumipas ang ilang sandali ay nawala ang ingay na nagmumula kila Yoki at Sebastian, at ilang sigundo pa ay maririnig ang matapang na boses na nagmumula kay Yoki, na ikinatakot naman ng halos lahat ng estudyante na nakarinig ng kaniyang boses.

Subalit ang takot na iyun ay napalitan ng galak ng marinig nilang lahat ang sinabi nito, at ito ay patungkol sa nalalapit na paligsahan ng bawat estudyante na nais magpa-kitang gilas at mag-wagi bilang ang bagong kampion sa taong ito.

Ang mga 3rd year nga ay nakaramdam ng pagkasabik ng kanilang marinig ang mga ito, habang ang mga nasa 1st year naman ay nakaramdam ng kaba dahil sa magaganap na paligsahan. At ang paligsahan nga na ito ay magaganap isang buwan mula ngayong araw. At kailangan sa isang buwan na lilipas ay dapat makamit na ng mga sasali sa paligsahan ang nararapat na ranggo, at ito ay ang ranggo ng isang B rank hanggang S rank.

Ang mga nakarinig nga ay napahiyaw na lamang ng marinig nila ang nararapat na ranggo ng mga sasali sa paligsahan. Na magaganap dahil bali-balita na may mga estuyante na nagmula sa 1st year ang naabot na ang kinaki-ilangan na ranggo upang makasali sa magaganap na paligsahan na iyun.

Samantala sa pinag-labanan ng grupo nila Grey at Scarlet ay unti unti ng inaasikaso ng mga guro, habang ang limang magkakaibigan na sila Shawn, Grey, Lucy, Akari at Jay-ar ay makikitaan ng ngiti sa kanilang labi. Dahil ang nalalapit na Sport's Festival ay natitiyak na magiging isang malaking event. At natitiyak nilang lahat na kapag sumali sila doon ay marami silang makakaharap na malalakas na kalaban....

Legends of God's Children [School of Magic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon