Chapter LXII: Forest Of The Gods
---
SA labas ng istadyum kung saan naganap ang unang laban sa pagitan ng mga kalahok na seksyon ay kasalukuyang naghihintay ang magkaibigan na sila Alicia at Eltion, at hinihintay nila ang kanilang kaibigan na si Edrian.
Mahigit kalahating oras na silang naroroon subalit hanggang ngayon ay wala padin ito, ang alam nila Alicia ay sinamahan saglit ni Edrian ang estudyante nitong si Shawn. At sa palagay ni Alicia ay nakaligtaan ni Edrian ang kanilang pinag-usapan ngayong araw.
Si Elton nga ay makikitang naiinis na dahil sa tagal bago dumating ng kanilang kaibigan, lumipas pa nga ang ilang minuto ay sa wakas ay mayroong nang presensya ang papalapit sa kanila. Sila Alicia at Elton nga ay napalingon sag awing kanan at doon nga ay nakita nila si Edrian na lumilipad papalapit sa kinaroroonan nila.
Paglapag nga ni Edrian ay kaagad na napakamot ito sa kaniyang ulo at humingi ng tawad sa dalawa niyang kaibigan, si Alicia naman ay mabilis na tinapik ang ulo ni Edrian at nang tamaan nga palad ni Alicia sa ulo nito ay maririnig ang malakas na tunog ng pagpalo nito.
Napa-sigaw sa aray si Edrian at kaagad na hinilot ang kaniyang ulo, si Alicia nga ay kaagad na pinagalitan si Edrian at nireklamo na kanina pa sila naghihintay sa napag-usapang tagpuan. Si Edrian naman ay humingi kaagad ng pasensya sa mga ito.
Samantala si Elton naman ay wala nang masabi sa dalawa niyang kaibigan na ito, sa tuwing magkikita ang mga ito ay hindi pwede na walang nagkakaroon ng bukol dahil sa pagiging likas na brutal ni Alicia. Subalit nasanay na silang kilos ng bawat isa. Pero hindi niya alam pero sa tuwing kasama niya ang dalawang ito ay pakiramdam niya ay kumpleto ang buhay niya kapag kasama ang mga ito.
Samantala ang magkakaibigan nga ay sama-samang nagtungo sa isang gusali, ang gusaling ito ay mai-hahalintulad sa isang malaking simbahan. Makikita sa malaking bintana ng gusali ang isang krus na simbolo. At sa gitnang bahhagi ng malaking simbolo ng krus ay mayroong pintuan ang unti-unting nagbubukas.
Sa kasalukuyan ang malaking gusali na ito ay isa lamang illusion Barrier na nilikha ng mga nakatataas, upangg maging palaging maging ligtas ang lahat sa kahit na anong panganib. Ang tatlong magkakaibigan ay patuloy na lumilipad papunta sa bukas na barrier sa gitnang bahagi ng krus.
Kaya bumukas ang barrier ay dahil mayroon silang pahintulot na pumasok sa likod ng barrier na ito, ang tatlo nga ay tahimik na naglakad sa loob ng lagusan. sa loob ng lagusan nga ay wala silang kakayahan na maglabas ng kanilang enerhiya.
Sinadya ito ng mga nakatataas upang masigurado ang siguridad, dahil ang kabilang bahagi ng barrier na ito ay isang lugar kung saan naninirahan ang mga ibat-ibang uri ng nilalang maliban lamang sa isang uri ng nilalang at ito ay ang mga diyablo.
Walang karapatan na tumapak sa isang banal na lugar ang mga nilalang na mayroong napaka-itim na puso at labis labis ang angkin na kasamaan, ang mga ganung uri ng nilalang ay walang pag-asa na makapasok sa loob ng sekretong lugar na ginawa sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos.
Ang tatlong magkakaibigan nga ay mabilis na narrating ang dulo ng lagusan, at ang tatlo nga ay namangha ng kanilang muling makita ang pambihirang lugar na nasa loob ng Barrier na ginawa sa loob ng akademya.
Sila ay napunta sa lugar kung saan naroroon ang mga tao na nabasbasan na ng diyos at sa lugar na ito ay naninirahan ang mga ninais nang maging mapayapa ang pamumuhay. Mayroong sariling buhay ang lahhat ng mga nandito, sa lugar na ito ay nagkaroon na sila ng bagong pamayanan ang buong paligid ay puno ng mga nagtataasang mga puno, at mga nag-gagandahang mga halaman.
Mayroon ding mga malilinis na ilog sa paligid at mga matataas na bundok na makikita sa malayo na punong puno ng buhay, ang lugar na ito ay isang paraiso. Ang lugar na ito ay katulad sa lugar na kung saan nagsimula ang lahat. Ang lugar kung saan naunang pinadala ang mga naunang tao sa mundo, ang lugar na kawangis ng banal na lupa.
BINABASA MO ANG
Legends of God's Children [School of Magic]
AdventureLegends of Gods Children: Volume 1 - School of Magic Genre: Action, Fantasy, Adventure In the year 2100, humanity is on the brink of extinction. The world has been overrun by demonic forces, remnants of biblical lore now wreaking havoc on Earth. As...