Chapter XXVI

153 34 1
                                    

Chapter XXVI: Shawn Vs Scarlet

---

ANG buong paligid ay natahimik ng kanilang masaksihan ang pagbalot ng kakaibang itim na usok sa katawan ng batang si Shawn. Si Scarlet naman ay nagtaka sa itim na usok na lumabas sa katawan ni Shawn, pero kaagad naman na naging seryoso si scarlet ng mapansin niya na humalo lamang sa aura nito ang itim na usok.

Lumipas nga ang ilang sigundo ay naglagablab ang itaas na bahagi ng katawan ni Shawn. Ang asul na bahagi ng buhok nito ay nagliliyab, at tila umaalon kasabay ng kaniyang aura. Kasabay rin ng pagliiyab ng asul na apoy sa kaniyang buhok ay siya ring pagdilat ng mga mata ni shawn.

Bumungad nga sa mga manonood ang kumikislap na asul na mga mata nito, ang mga nanonood ay nakaramdam ng malamig na aura mula kay shawn. Ang aura ni shawn ay naglalabas ng mabigat na presensya na nagbibigay ng takot sa ibang mga naroroon.

Si Rev nga ay napaseryoso ng maramdaman ang bigat na presensya na mayroon ang batang si Shawn, may kakaibang natatagong enerhiya mula rito at nagbibigay ito ng kakaibang vibes sa paligid. Ang seryoso nga niyang mukha ay muling napalitan ng ngisi dahil mayroon siyang naisip.

Mayroong kapareho ng aspeto ang batang si Shawn sa diyos na nababasa niya sa libro ng mga greyego, ang diyos ng kadiliman at hari ng karimlan, ang kilalang kapatid ng diyos ng kidlat. Ang kapatid ni Zeus walang iba kundi si hades.

Nakikita ni Rev sa kaniyang harapan ngayon ang kaparehong itsura ng Diyos ng ito ngayon sa batang si Shawn, kung ganun may katotohanan kaya sa likod ng mga libro na gawa ng mga greyego ukol sa mga sinasamba nitong mga diyos at diyosa.

Samantala si Edrian naman ay nakakaramdam ng kaba dahil sa magaganap na laban ng dalawa, lalo na kay shawn dahil alam niya na may kakaiba na kapangyarihan rito. Subalit mas iniisip na lamang niya na isa itong pagsubok para sa bata.

Dahil kung hindi ito magagawang ilabas ng bata sa sarili nitong kagustuhan ay maaaring malaking problema ito para sa kanilang lahat. Sa kasalukuyan nga ay siya pa lamang ang nakaka-alam ng lahat na iyon.

Habang ang mga manonood ay pokus na pokus sa dalawa na nasa entablado. Ay mapapansin naman na nalusaw na ang ginawang yelo ni Edrian. Dahil ito sa napakataas na temperatura na inilalabas ni shawn. Nagawa niyang tunawin ang lahat ng yelo sa maikling panahon lamang.

Si shawn nga ay nag pokus sa pagpapalabas ng kaniyang enerhiya, nakatingin siya sa kaniyang kalaban habang ginagawa ito, sa kasalukuyan ay pinadadaloy niya ang karamihan ng kaniyang enerhiya sa kaniyang mga kamay at paa. Dahilan upang ang itim na usok na kaniyang inilabas ay mas lalong madagdagan upang magtungo ang mga ito sa napili niyang lokasyon ng pundasyon ng enerhiya.

Samantala si Grey naman ay nagtaka sa ipinapakita ni Shawn, bakit sa kasalukuyan ay hindi pa nito inilalabas ang asul na apoy nito sa mga kamay at paa nito. Bakit ang Black Mist lamang ang inilabas nito. Hindi kaya may binabalak ang kaibigan niyang ito.

Lumipas ang ilang sigundo ay humanda na si Shawn habang siya nababalutan ng kaniyang asul na aura na nababalutan rin ng itim na usok na lumabas sa kaniyang katawan. Si Scarlet naman ay nakaramdam ng pagka-inis ng mapagtanto niya na walang balak na gamitin ni Shawn ang taglay nitong elemento. Sa kauna-unahang pagkakataon ay mayroong nagtatangka siyang maliitin.

Hindi na nga nagpigil si Scarlet ng kaniyang sarili, at kaagad na inilabas ang kaniyang elemento ng kidlat, si Scarlet nga ay agad na inatake si Shawn gamit ang kaniyang itim na kidlat. Dahil sa mabilis na pag-atake ni Scarlet ay nagkaroon ng malakas na pagsabog sa loob ng barrier.

Samantala sa loob ng barrier ay makikita si Shawn na nagawang mailagan ang ginawang atake ni Scarlet, pinakiramdaman ni Shawn ang kaniyang sarili at mabilis na iniwasan ang isa pang mabilis na pag-atake ni Scarlet.

Legends of God's Children [School of Magic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon