Chapter LII

108 21 0
                                    

Chapter LII: 1st Match Begin

---

ANG lahat ng mga manonood sa loob ng Istadyum ay mararamdaman ang malakas na pwersa na inilalabas ng tumatayong pinuno ng dalawang seksyon. Nakikita nga ngayon ang matinding tensyon sa pagitan ng mga ito. Lalo na nang magkaharap na sila Dellio at Tetsuya.

Samantala si Akari ay napatingin sa kinatatauan ng kaniyang kapatid, hindi niya inasahan na ganito na pala kalakas ang kaniyang kapatid. Ang enerhiya na nararamdaman niya mula rito, dahil sa kasalukuyan ay naramdaman niya ang aura ng isang S ranker. Ang kaniyang kapatid ay kasalukuyan nagtatagaly ng malakas na enerhiya at higit sa lahat ito ay nagtataglay ng Aura ng isang S rank.

Nakaramdam siya ng pagkatuwa para sa kaniyang nakatatandang kapatid, hindi niya inasahan na ganito na kalakas ang kaniyang kapatid. Ganito kalakas ang bukod tangi niyang ini-idolo, ang kaniyang nakatatandang kapatid na si Tetsuya.

Subalit ang kaniyang tuwang nararamdaman ay kaagad napalitan ng lungkot, sapagkat naalala niya ang lahat ng kaniyang mga nagawang kaduwagan. At ito ay ang wala man lamang siyang nagawa ng magkaroon sila ng unang ekwentro sa isang grupo ng mga diyablo.

Nanatili lamang siyang nakatayo habang nanginginig dahil sa sobrang takot, at ang sitwasyon niyang iyun ay nakita pa mismo ng kaniyang kapatid, noong ito ay kasama sa mga nagsilbing backup na ipina-tawag ni Sebastian.

Ang araw na iyun ang isa sa mga araw na hindi niya malilimutan, kaya naman magmula nun ay sinikap niyang lampasan ang kaniyang takot. At nagpalakas siya sa pamamagitan ng pagsasanay kasama ang kaniyang mga kaibigan. At gamit ang kaniyang sariling pamamaraan ay gagawin niya ang lahat para mawala ang kaniyang nadaramang pangamba at takot. Upang magawa na niyang tumingin ulit ng diretso sa kaniyang nakatatandang kapatid.

Samantala sa gitna ng malawak na Istadyum ay makikita ang pinuno ng dalawang panig, ang dalawa ay kapwa na naglalabas ng mabibigat na presensya. Ang lahat nga ay nadarama ang malakas at mabigat na aura ng dalawang ito at base sa ekspresyon ng mga ito ay kanina pa sila nang-gigigil sa isat-isa.

Ilang sandal pa nga ay mararamdaman ang biglang pagsulpot sa gitna ng istadyum ng isang indibidwal, ang isang ito ay nababalutan ng puting enerhiya habang ang buhok nito ay naka-angat dahil sa malakas na aura na inilalabas ng kaniyang katawan.

Ang mga estudyante na nakakita sa taong ito ay nakaramdam ng kaba at ang iba namana y nakaramdam ng takot. Sapagkat ang taong ito ay walang iba kundi si Yoki. Samantala ang grupo ni Shawn ay nagulat dahil sa paglitaw sa loob ng Arena ng kanilang guro.

Si Yoki ay nakasuot nang uniporme ng isang referee na ikinabigla naman ng lahat ng mga manonood, hindi nila inasahan na ito mismo ang magsisilbing referee sa taong ito. Samantala si Yoki ay makikita lamang na nakangiti sa harapan ng dalawang namumuno sa kanilang seksyon.

Kahit nga naglalabas ng mabigat na aura ang dalawa ay balewala lamang ito para kay Yoki, ang presensya ng dalawang ito ay balewala lamang sa kaniya. hindi siya kayang sindakin ng mga ito. At kahit pa gawin ng isa sa mga ito maglabas ng mas malakas na aura ay wala padin itong magagawa laban sa kaniya.

Samantala si Dellio ay naalarma sa biglang paglitaw ni Yoki sa kanilang harapan, hindi niya alam kung ano ang pakay nito, subalit ng mapatingin sa sa suot nitong uniporme ay naintindihan na niya kung bakit ito naririto.

Ang lahat nga ng miyembro ng dalawang seksyon ay luminya at humarap sa isat-isa, at ang mga ito ay nagbigay galang kay Yoki. Matapos ng pagyuko ng mga ito kay Yoki ay agad itong humarap sa isat-isa. Nang humarap na nga sa isat-isa ang mga maglalaban ay kaagad na nagsalita si Yoki.

Ipinaliwanag niya ang mga paluntunan ng magaganap na labanan, at ang una niyang sinambit ay ang paglalaban ng mga dalawang seksyon, subalit kailangan ay bubunot muna siya ng mga sunod sunod na pangalan ng mga susunod na maglalaban.

Nang marinig nga ito ng mga estudyante ay nagtaka ang mga ito sa sinambit na panuntunan ni Yoki, habang ang grupo naman nila Shawn ay napagtanto na kaagad ang sinabi ng kanilang guro. Kung ang iba ay hindi kaagad maunawaan ang paliwanag ng kanilang guro. Sila ay alam na kaagad nila dahil direkta nila itong nakakasama dahil sa mga pagsasanay na ibinibigay nito sa kanila.

Hindi nagtagal ay naunawaan na nang mga estudyante na naroroon ang panuntunan na sinabi nito, at maging ang mga kalahok nga ay makikitang naunawaan na ang sinabi kanina ni Yoki at ngayon ay makikita sa mga labi ng mga ito ang ngiti.

Samantala si Tetsuya ay alam na ang panuntunan na ito bago pa lamang siya pumunta rito, pinaghandaan na niya ang lahat ng magaganap na laban sa araw na ito, at sa totoo lang ay hindi niya balak solohin ang mga ito. Dahil sa pakiusap ng kaniyang mga kaklase. Kaya nga ng malaman niya ang panuntunan ay alam niya na matutuwa ang kaniyang mga kamag-aral.

Samantala habang ang lahat ay nagkakaroon ng usap-usapan ay mayrong dalawang lalake ang umakyat sa arena. Ang dalawang lalake na ito ay mayroong dala-dalang malaking banga kung saan nakalagay ang mga papel na may pangalan ng bawat miyembro ng dalawang seksyon.

Habang ang banga nga na iyun ay ibinaba ng dalawa lalake ay maririnig naman ang pag-papaliwanag ni Yoki sa kaniyang gagawing pagbunot ng mga pangalan. At sa pamamagitan ng dalawang lalake na nagdala ng banga ay ang mga ito ang magpapakita ng papel na may pangalan ng mga maglalaban.

Ang lahat nga ng kalahok ay biglang naging seryoso dahil sa sinabi na iyun ni Yoki, at si Dellio nga ay kaagad na umalma sa sinabi na iyun ni Yoki. Subalit napahinto si Dellio sa kaniyang pagsasalita ng tingnan siya ng malamig ni Yoki.

Nang tingnan nga siya ni Yoki ay para siyang nakakita ng imahe ng puting dragon sa likod nito, dahil nga dito ay biglang pinag-pawisan si Dellio. Ngayon niya lamang muli naranasan ang lamig ng aura na mayroon itong si Yoki. At Hindi siya makapaniwala na balewala lamang dito ang kaniyang inilalabas na presensya.

Ang makasama ang isang ito ang isa sa mga hindi niya kayang tagalan, dahil ang isang kagaya ni Yoki ay ang mga klase ng tao na kailangan na iwasan ng lahat ng tao. Si Tetsuya naman ay napansin ang pamamawis ni Dellio, mababakas sa kaniyang labi ang ngiti at napabulong na lamang.

"Hanggang yabang ka lang talaga!" bulong nito at mas pinagtuonan na lamang ang ipinapaliwanag ni Yoki.

Lumipas ang ilang minuto ng pagpapaliwanag ay sa wakas ay natapos din ito, nang matapos nga ang pagpapaliwanag ni Yoki ay mapapansin ang paglawak ng battle Arena. Ang kaninang Arena na nasa gitnang bahagi lamang ng istadyum ay ngayon ay mas lumawak. Ang sahig ng arena ay umabot sa poste ng Istadyum. Sa madaling salita ang isa sa pinaliwanag na panuntunan ni Yoki ay masisigurado na matutupad. Dahil mawawala ang panuntunan na [No Ring–Out] kaya naman Malaya na makakapaglaban ang mga ito ng hindi pinoproblema ang pagkahulog sa Arena.

Ang mga kalahok nga ay makikitang natutuwa dahil hindi na malilimitahan ang kanilang mga gagawin na hakbang. Ang kanila lamang dapat gawin ay Manalo, at mananalo lamang sila kapag hindi na kayang tumayo ng kalaban nito o kaya naman ito ay sumuko.

Samantala si Yoki ay lumapit na sa Banga kung saan ay bubunot siya ng papel na may pangalan ng dalawang indibidwal na maglalaban. At nagulat nga ang lahat ng kalahok ng makita ng mga ito ang pangalan ng dalawang kalahok na unang maglalaban.

At ito ay sila Vaneza Vialde at Si Ellie Muesca, nang marinig nila ang pangalan ng dalawang mauunang maglalaban ay makikita ang dalawang dalagita na naglakad palapit kay Yoki. Ang mga nakakita naman sa dalawang maglalaban ay naghiyawan ang lahat ng mga nanonood na nakakakilala sa dalawang ito....

Legends of God's Children [School of Magic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon