Chapter CVIII: The Divine Beast
---
SA kasalukuyan ay nababalutan ng mayamang enerhiya ang grupo nila Rev Blaziwart, sa kasalukuyan ay nagbibigay ng kakaibang presensya ng mga ito sa buong paligid. Ang buong paligid ay bigla na lamang dumilim, at dahil dito ay nakaramdam ng takot ang grupo nila Grey dahil mayroong dalawang grupo ang maglalaban ngayon sa kanilang harapan.At ang magkabilang grupo na ito ay hindi lamang basta basta, dahil ang mga ito ay mga Demon General at mga Z rank. Samantala ang ibang mga estudyante na kabilang sa mga tutulong sanang makipaglaban ay kapwa na nakaramdam ng takot, at ang ideya na pumasok sa kanilang isipan ay ang magtago at tumakas.
Normal lamang na makaramdam sila ng takot sa kasalukuyang kaganapan, dahil ang ganitong lebel ng labanan ay hindi para sa kanila. Dahil ang mga may kakayahan na makipag-sabayan lamang sa mga malalakas na kalaban, ay ang mga malalakas na indibidwal na may sapat na lakas upang labanan ang mga kalaban.
Sa kasalukuyan ay pina-paalam ng Apat na Z rankers ang mga kakayanan ng apat na Demon General, at nang marinig ni Rev ang mga impormasyon na iyun mula sa kaniyang mga kaibigan ay naalarma siya sa mga abilidad ng mga ito. Ang mga ganung uri ng abilidad ay hindi niya inasahan na sasabihin ng mga ito, dahil ang mga abilidad na mayroon ang mga kalaban ay mga pang-ibang lebel talaga.
Samantala si Rev naman ay nagtaka ng mapansin ni Rev na hindi kasama nila Ariana ang isa sa kanila, wala si Shinki Nanami ang pang-anim na miyembro nila. Sila Ariana naman ay kaagad na ipinaliwanag ang dahilan kung bakit wala si Shinki, dahil wala ito ngayon sa bansa dahil ito ay nag-bakasyon.
Nang malaman naman ni Rev kung bakit wala si Shinki ay nanghinayang siya, dahil hindi nila mailalabas ang buong pwersa nila dahil wala ito. Samantala kahit na wala ito ay hindi hadlang iyun para sila ay mangamba, dahil tiyak nnila na kakayanin nilang pabagsakin ang mga kalaban kahit na silang lima lamang.
Samantala sa likod ni Ariana ay makikita si Silver na kasalukuyan na nakatingin sa pwesto ng mga kalaban, habang ang buo nitong katawan ay nababalutan ng pilak na enerhiya. Ang kulay ng kaniyang enerhiya ay bagay na bagay sa kaniyang pisikal na anyo, dahil ang mga balak nito ay napaka-puti at ang kaniyang buhok ay napaka-puti rin.
At ang kaniyang taglay na abilidad ay tumutugma din sa kaniyang itsura, ang kaniyang kakayahan na manipulahin ang bakal ay isang magandang abilidad. Dahil madali lamang sa kaniya na gumawa ng ibat-ibang uri ng armas na kaniyang nais gamitin sa isang laban, at maganda din itong gamitin upang maging isang dipensa mula sa mga malalapitang labanan.
Dahil kahit anong gawin ng mga kalaban ay hinding hindi siya nito magagalusan, subalit sa kasalukuyan ay makikita ang katawan ni Silver na mayroong mantsa ng dugo ang kaniyang katawan. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nasugatan siya sa isang labanan, at dahil ito sa kalaban na nagngangalang Grisha.
Ang abilidad na mayroon ito ay napaka-kakaiba sa kaniyang mga nakalaban noon, dahil ang abilidad ng kalaban ay kaya nitong manipulahin ang diyamante. At gawin ito ng kahit na anong maisip nitong hugis, at ang kakayahan nito ang nakasira ng kaniyang dipensa.
At ang pangyayaring iyun ay hindi niya makakalimutan, at nasisiguro niyang tatatak ito sa kaniyang isipan. Dahil ang nilalang na ito ang kauna-unahang nakapagbigay sa kaniya ng pinsala sa isang laban. Samantala si Ariana naman ay nakatingin lamang sa diyablo na nakalaban nito, ito ay nagngangalang Soleth at ito pa lamang ang nagawang makaligtas sa kaniyang mga pag-atake.
Binalewala lamang nito ang kaniya mga atake na parang wala lamang, at higit sa lahat ay nagagawa nitong ngumiti sa kabila ng lakas ng kaniyang mga atake. At ang ngiting iyun ng kaniyang kalaban ay mas lalo niyang ikina-iinis, hindi niya alam kung ano ang tawag sa abilidad na mayroon ang isang ito.
Subalit base sa kaniyang obserbasyon ay mas lalong tumataas ang mga pisikal nitong abilidad, kapag ang kalaban nito ay nakakaramdam ng pagka-asar at pagka-muhi. Iyun lamang ang kaniyang napansin kanina noong naglalaban sila, hindi niya alam kung iyun ba talaga ang abilidad na mayroon ito o may ibang dahilan kung bakit siya nito pinag-tatawanan noong naglalaban sila kanina.
Samantala sila Gordon at Shoto ay wala namang gaanong laban na naganap sa pagitan nila ng kani-kanilang nakalaban, dahil kapwa lamang na walang pake-alam ang mga ito sa mga nakakalaban nila. Si Gordon ay hindi paka-kausap sa mga kapwa nito estudyante, dahil ang mga ito ay natatakot sa kaniyang abilidad na gumamit ng lason.
Habang si Shoto naman ay sadyang tahimik lamang at hindi marunong makipag-usap sa kapwa nito, at kaya siya napabilang sa anim na pinaka-malalakas na estudyante dahil sa kakaibang paraan niya ng pag-gamit ng kaniyang abilidad. At iyun ay ang kakayahan na kontrolin ang kalupaan.
Kaya naman malaking kalamangan sa kanila ngayon ang lugar na kanilang paglalabanan, dahil maraming lupa sa kaniyang paligid. Mas malaki ang posibilidad na mailabas niya ang kaniyang buong potensyal sa pakikipaglaban.
Samantala si Rev naman ay inihanda na ang kaniyang sarili, binanggit niya sa mga kasama niya ang kakayahan ng kaniyang nakalaban. At iyun ay ang gumawa ng ilusyon na magiging delikado lalo na dahil ang buong katawan ng makukulong sa ilusyon na iyun ay nasa kamay na mismo ng diyablo.
Ipina-alam ni Rev na hindi sapat ang mga simpleng atake lamang sa mga kalaban na ito, kinakailangan nila ng tamang koordinasyon na isat-isa para mapabagsak ang mga ito. Lalong lalo na dahil may kailangan silang protektahan, at ito ay ang isa sa mga estudyante ng Magica Academy.
Sila Lucy at Shawn naman ay kasalukuyan na nasa lapag ng kagubatan, habang nasa kanilang harapan ang isa sa mga kalaban. Mukhang inutusan ito ng mga kasama nito na sila ay bantayan, hindi makapaniwala si Lucy na magiging ganito kalaki ang pinsala na matatanggap ni Shawn mula sa kalaban na ito.
Hindi niya akalain na sa kabila ng batang itsura ng kalaban, ay mayroon itong napaka-lakas na pisikal na lakas. na sapat para magpabagsak ng kalaban sa pamamagitan ng isang suntok lamang. Samantala sila Alicia, Edrian at Elton naman ay kaagad na kumilos, sila Alicia at Elton ay kaagad lumapit kay Dylan upang simulant ang kanilang plano kanina.
Habang sila Edrian, Elena at Sebastian ay kaagad na nagtungo sa kinaroroonan nila Grey, kinakailangan nilang protektahan ang isat-isa sa magaganap na labanan. Dahil magaganap na labanan ay hindi lamang isang simpleng laban, dahil kanilang nararamdaman na papalabasin ng mga Z rankers ang kani-kanilang Divine Beast sa pakikipaglaban.
Samantala si Hades naman ay kasalukuyan na namamangha sa kaniyang nararamdaman na presensya, hindi siya makapaniwala na ang limang Z rankers ay mayroong palang kaniya-kaniyang Divine Beast. Hindi niya inakala na ang Limang ito ay ang mga maaalamat na nilalang mula pa noong unang panahon, mukhang pinag-isipan talaga ng maigi ng kataas-taasan ang pagpapabagsak sa mga Diyablo. Dahil muling binigyang buhay nito ang mga pinaka-kitatakuyang Divine Beast sa Buong kasaysayan....
[ Author's note]
The Z rankers Elements
Silver Novacrone – Metal UserRev Blaziwart – Fire UserAriana Prestcote – Healing User, Brutal StrengthGordon Sacarrio – Poison UserShinki Nanami – Lightning UserShoto Ibiki – Ground User
BINABASA MO ANG
Legends of God's Children [School of Magic]
AdventureLegends of Gods Children: Volume 1 - School of Magic Genre: Action, Fantasy, Adventure In the year 2100, humanity is on the brink of extinction. The world has been overrun by demonic forces, remnants of biblical lore now wreaking havoc on Earth. As...