Chapter XXXVII: Incredible Strength
---
SI Jay-ar ay mabilis na umatake gamit ang kaniyang natural na bilis, ang kaniyang kalaan nga ay nagulat dahil sa isang iglap ay nagawa ni Jay-ar na mawala sa kaniyang harapan. Luminga ito at nagtaka dahil nawala na din ang mgs tipak ng lupa na kaniyang pinakawalan kanina.
Samantala nakaramdam naman siya ng kapangi-pangilabot na aura sa kaniyang likuran, napalingon siya sa kaniyang likuran at nakita niya ang kaniyang kalaban na mababakasan ng ngiti sa labi nito. Nakita niya ang nasa kamay nito at nanlaki ang kaniyang mata ng Makita ang Bola ng Kuryente na mukhang balak na direkta na itama sa kaniya ng kaniyang kalaban.
Nagkaroon nga ng pagsabog sa kinatatayuan nila, ang mga manonood nga ay nagulat dahil sa mabilis na pagkilos ni Jay-ar sa isang kisap mata lamang ay nagawa nito na makapunta sa tabi ng kaniyang kalaban ng hindi man lamang siya nito napansin. At higit sa lahat ay may kakaibang technique na ito na natutunan na ngayon lamang nakita ng lahat ng nakakita.
Samantala ang usok na ginawa ng pagsabog ay mabilis na nawala dahil sa malakas na bugso ng hanging na nang-gagaling sa himpapawid. Samantala ang mga naglalaban sa himpapawid na si Akari at ang babae na kaniyang kalaban ay kasalukuyan na nagpapalitan ng mga atake.
Si Akari nga ay balewala lamang na sinasalag ang bawat pag-atake ng kaniyang kalaban, at sa pamamagitan ng kaniyang enerhiya ay ginagantihan niya ng mga matatalim na bugso ng hangin ang kaniyang kalaban.
Ang bawat tinatamaan nga ng kanilang enerhiya ay ay kaagad na nawawasak, dahil sa kakaibang pwersa na dulot ng kani-kanilang enerhiya. Samantala ang kalaban naman ni Akari ay hindi makapaniwala sa kaniyang nasasaksihan. Hindi niya inakala na ganito pala kagaling sa taktika ang kaniyang kalaban. Dahil sa bawat aatake siya rito ay madali lamang itong nasasangga nito gamit ang malakas na ipo-ipo na nakabalot sa mga kamay at paa nito.
At higit sa lahat ay nagagawa nito na ibalik sa kaniya ng doble ang lahat ng kaniyang atake, hindi niya akalain na may magaling ito makipag-laban at kapag nagpatuloy ang ganito ay natitiyak niya na magagawa siya nitong mapabagsak.
Samantala sa ibaba naman ay makikita sila Grey at Lucy na kapwa nakatayo habang ang dalawang kalaban nila ay kapwa nag hahantay ng pagkilos ng dalawang ito. Si Grey nga ay nananahimik dahil sa siya ay nag-iisip patungkol parin sa sinabi sa kaniya ni Shawn.
At kung totoo man iyun ay natitiyak niya na marami ang mga susulpot na mga malalakas na indibidwal sa oras na magkaroon ng Sport's Festival. Samantala si Lucy naman ay na-iisip ay ang tungkol sa kaniyang pagkatao. Ang dalawa ay kapwa wala sa kanilang sarili ng mga sandaling iyun.
Subalit makikita naman na nababalutan ang dalawang ito ng kani-kanilang aura, ang dalawa ngang kalaban ay pinag-mamasdan ang aura ng dalawa. Binabasa ng maigi ng mga ito ang bawat pag-alon ng enerhiya na lumalabas sa dalawa.
At isa pa hindi sila makapaniwala na ang dalawang ito ang may pinaka-malakas na aura na tinataglay sa apat. At hindi nila inaasahan na may isa pa pala ang nagtataglay ng aura ng isang B ranker. Ang isa nga sa dalawang kalaban ay nakaramdam ng kakaibang enerhiya mula sa babaeng naglalabas ng itim at pulang aura. Naalarma siya dahil habang tumatagal ay palakas ng palakas ang enerhiya na tina-taglay nito, kaya naman wala na siyang pagpipilian kundi ang atakehin ito. Sa kinatatayuan nga ni Lucy ay nagkaroon ng malakas na pagsabog.
Ang mga estudyante na nakakita ng pagsabog na iyun ay nagulat dahil sa kakaibang lakas ng pagsabog na iyun, samantala sa loob ng istadyum ay makikita ang ekspresyon ni Scarlet na nakakalokong nakangiti habang nararamdaman niya ang kakaibang enerhiya na nagmumula sa kinaroroonan kung saan ang pagsabog.
Sa pamamagitan ng kaniyang elemento ay tumakbo siya ng mabilis, at dahil sa bilis na iyun ay halos walang nakapansin ng kaniyang presensya habang siya ay naroroon na sa pinagmulan ng pagsabog. Samantala si Jay-ar naman ay makikitang naka-tayo habang nababalutan ang kaniyang katawan ng kaniyang aura.
Makikita sa kaniyang labi ang isang ngiti, dahil nararamdaman niya sa ngayon ang presensya ng babaeng iyun. Ang babaeng nagtataglay ng Itim na kidlat. Sa pamamagitan ng kaniyang elemento siya ay mabilis na kumilos. Tumakbo siya ng mabilis at huminto kung saan ay nakita niya ang babaeng kaniyang hinahanap.
Ang buong katawan nga ni Jay-ar ay nabalutan ng kaniyang taglay na elemento, sa muling pagkakataon ay nais niyang patunayan na kaya niyang mapabagsak ang isang kalaban sa pamamagitan lamang ng kaniyang pagsisikap.
Si Scarlet naman ay napansin ang pamilyar na aura sa kaniyang likuran, at ng siya nga ay lumingon ay nakita niya ang isang batang lalake na makikita na nakangiti at base sa ngiti nito. Ito ay may kompyansa na siya ay kalabanin.
Si Scarlet nga ay nakaramdam ng pagka-excite dahil sa pagkakataon na ito ay magagawa niyang makaganti sa isa sa mga nagpahiya sa kaniya, hindi lang sa kaniya pati narin sa angkan ng mga Senjuki. Samantala ang bumabalot na usok sa kinatatayuan ni Lucy ay unti-unti nang naglalaho. Nagulat ang lahat ng makita ng mga nanonood ang kasalukuyang sitwasyon sa pwesto ni Lucy.
Sa kasalukuyan ay nakatayo lamang ito habang ang kaniyang kalaban ay nakahandusay sa sahig at wala ng malay, hindi maintindihan ng mga nakakita ang nangyari. Ang ginawa ng batang si Lucy ay ngayon lamang nakita ng lahat. At ito ay ang pagbabago ng anyo nito.
Dahil sa kasalukuyan ay nababalutan ng pulang mga marka ang buong katawan ni Lucy habang ang kaniyang mga mata ay nagliliwanag. At ang madilim ngang kalangitan ay mabilis na nag-iba ang mga ulap nga sa kalangitan ay naglabas ng kakaibang pulang liwanag.
Ang mga nakasaksi ng kakaibang kaganapan ay nakaramdam ng kilabot, ang ilan nga sa mga estudyante ay nagmadali na upang tumawag ng mga taga Special Class upang pigilan ang nagaganap na labanan sa pagitan ng dalawang grupo ng mga 1st year students.
Samantala sa loob ng facility ng Special Class ay nagkakaroon ng seryosong pag-eensayo ang mga ito. At sa kasalukuyan ay nasa gitna ng mahirap na training ang tatlong 1st na kanilang kasama. At ang may hawak ng mahirap na pagsasanay na ito ay hawak ni Caleb.
Pinayagan siya ni Yoki sa kaniyang binabalak na bigyan ng advance training ang batang si Shawn, subalit ang kaniyang guro ay pinasama pa sila Markus at Jarvis. Sa kasalukuyan ay apat na araw na ang mga ito na patuloy na nagsasanay.at sa kasalukuyan nga ay nakikita nila sa tatlo ang may pinakamatatag na katawan at ito ay si Shawn.
Napakataas ng kaniyang endurance rate, hindi nga makapaniwala sila Caleb dahil sa tatag ng katawan ng batang si Shawn. Dahil sa loob ng apat na araw ay hindi pa ito nakakaranas ng sobrang pagka-pagod. Hindi kagaya ng dalawa nitong kasama na ngayon ay bagsak na dahil na din sa pagod na nadarama.
Samantala si Caleb ay naalarma ng maramdaman niya ang paghinto ng maraming estuydante sa tarangkahan ng kanilang pasilidad. Sa pamamagitan nga ng kaniyang enerhiya ay naglaho siya na mistula isang usok.
Lumitaw siya sa harapan ng mga estudyante, nang makita naman siya ng mga ito ay sunod-sunod na nagsalita ang mga ito. Naalarma nga si Caleb ng malaman na may mga naglalaban sa loob ng akademya. At ito ay ang grupo ni Senjuki Scarlet at ng grupo na kasama ni Shawn ng ito ay pumasok sa akademya isang buwan na ang nakakaraan...
BINABASA MO ANG
Legends of God's Children [School of Magic]
AdventureLegends of Gods Children: Volume 1 - School of Magic Genre: Action, Fantasy, Adventure In the year 2100, humanity is on the brink of extinction. The world has been overrun by demonic forces, remnants of biblical lore now wreaking havoc on Earth. As...