Chapter CXVI

69 16 0
                                    

Chapter CXVI: Bad News

---

SA isang malawak na kagubatan ay mayroong malakas na hangin ang bumubugso sa gitna nito, ang malakas na bugo nang hangin ay napapasayaw dahil sa malakas na hangin na nagmumula sa gitna nang kagubatan. Samantala ang pinagmumulan naman nang malakas na hangin na iyun ay ang isang binatilyo na walang suot na pang-itaas, ang binatilyong ito ay si Tetsuya at sa kasalukuyan ay nagsasanay ito sa gitna nan kagubatan. 


Kanina pa siya nagsimula sa kaniyang pagsasanay, hindi niya alintana ang lamig nang paligid kaninang madaling araw. Sa kasalukuyan ay hindi malapit na siya sa pinakahuling bahagi nang kaniyang pagsasanay, wala siyang na pumasok ngayong araw dahil wala namang magandang para pumasok ngayong araw. 

Sapagkat kakatapos lamang nang digmaan ay magagawa na kaagad na bumalik nang mga ito sa pagtuturo, hindi niya alam kung anong sense nang pagbabalik kaagad nang school hour. Samantala bigla na lamang sumagi sa kaniyang isipan ang kaniyang nakababatang kapatid, natitiyak niya na ito ay pumasok ngayon araw. Hindi niya alam kung ano ang nasa isip nito, hindi niya makalimutan ang atake na pinakawalan nito kahapon. 

Ang atake na ibinato nito sa kalaban nito sa gitna nang battle royale, ang kalidad nang enerhiya na pinakawalan nito ay napaka-lakas at napakatalas. Sa kaniyang palagay ay mas malakas pa ang atakeng iyun kung mama-master pa nito ang technique na iyun, sa kaniyang palagay ay nakuha nito ang atensyon nang kaniyang mga kaaway sa loob nang akademya. 

At tiyak na ito ang pagbubuntunan nang mga ito dahil ito ang kaniyang nakababatang kapatid. Subalit sa kabila nang kaniyang naiisip na pwedeng mangyari sa kaniyang kapatid, ay hindi siya nabahala dito dahil alam niya ang ugali nang kaniyang kapatid at ito ang tipo nang tao na hindi basta basta magpapatalo. 

Samantala ang kaniyang pagsasanay ay natapos na niya at kasabay nun, ay ang paglitaw nang isang tao na hindi niya akalain na makikita niya sa lugar na ito. Ang taong ito ay isang babae na mayroong hawak hawak na patalim, ang babaeng ito ay walang iba kundi si Vaneza. Napansin niya na iwina-wasiwas nito ang hawak nitong patalim, habang ito ay nababalutan nang malakas na bugso nang hangin. 

Mukhang ang babaeng ito ay mas pinili na magsanay sa lugar na ito, at hindi ito pumasok sa klase. Hindi niya alam na dito pala ito nagsasanay sa paggamit nito nang sarili nitong sandata, sa kaniyang palagay ay hindi pa siya nito napapansin dahil nakatuon ang atensyon nito sa kaniyang ginagawa. Mukhang mas mabuti na rin na hindi niya ito abalahin, lumapad siya sa lupa at kinuha ang kaniyang damit na nakasabit sa isang puno. 

Habang siya ay naglalakad patungo doon ay napansin mapatingin sa direksyon niya ang dalaga na kanina pa nagsasanay, nagulat ang dalaga nan makita niya ang binatilyo na naglalakad patungo sa isang puno. Nagtaka siya kung bakit ito walang pang-itaas na damit, kaya naman dahil sa kaniyang kuryusidad ay inihinto niya ang kaniyang pagsasanay. 

At naglakad ito patungo sa lalake na walang suot na pang itaas na damit, habang siya ay papalapit dito ay nakatalikod lamang ito at nang mapansin niya na may kinuha itong damit na nakasabit. Nang sandaling makuha nito ang damit ay dali dali itong humarap sa kaniya, nagulat ang dalaga nan gang lalake na kaniyang nakita ay walang iba kundi si Tetsuya. 

Si Tetsuya naman ay nagulat nang kaniyang pagharap ay nakita niya itong nakatingin sa kaniya, dahil doon ay dali dali niyang sinuot ang kaniyang damit. Ang dalaga naman ay napatingin sa katawan nang binata, nang sandaling makita nito ang katawan nang binata ay kaagad siyang pinamulahan. 

Napaiwas siya kaagad nang tingin sa binata at bigla na lamang siyang tumalikod dito, maya maya pa ay kaagad na nagtanong si Tetsuya kung bakit ito naririto. Ang dalaga ay hindi alam kung ano ang kaniyang isasagot, dahil nakatatak parin sa kaniyang isip ang katawan ni Tetsuya. Hindi siya makapaniwala na makikita ni Vaneza ang matipunong pangangatawan ni Tetsuya at kitang kita niya ito nang harap harapan. 

Legends of God's Children [School of Magic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon