Chapter LXXXIX: Dark Force
---
ANG mga manonood ay makikitang gulat na gulat sa kanilang nakikita sa loob ng battle stadium, sa kasalukuyan kasi ay mayroong pitong indibidwal ang kapwa naglalabas ng itim na enerhiya. At ang enerhiya na inilalabas ng pitong ito ay nagbibihay ng matinding kilabot sa kanilang lahat.
Samantala kasalukuyan naman na makikita sila grupo nila Shawn na kasalukuyan ay nakatayo habang ang mga ito ay nababalutan ng itim na enerhiya na nagmula lahat kay Shawn, ang mga kaibigan nga ni Shawn ay hindi makapaniwala sa enerhiya na kanilang nararamdaman na dumadaloy sa kanilang katawan.
Sapagkat ang kanilang natamong pinsala ay mula kanina ay mabilis lamang na gumaling dahil sa kakaibang uri ng enerhiya na dumadaloy sa kanilang katawan, si Jay-ar naman ay naalala ang panahon na siya ay salinan din ni Shawn ng enerhiyang katulad nito.
Ang kalidad at epekto nito ay kagaya parin noong una niyang maramdaman ang pagpasok nito, ang klase ng enerhiya nito ay kabisado parin ng kaniyang katawan ang kalidad ng enerhiya na ito. Samantala si Lucy naman ay nagtataka dahil sa pamilyar na enerhiya na dumadaloy sa kaniyang katawan.
Ang uri ng enerhiya na nagmumula kay Shawn ay katulad ng enerhiya na dumadaloy mismo sa kaniyang katawan, ang kaniyang orihinal na itim na enerhiya ay katulad lamang ng enerhiya na dumadaloy ngayon sa kaniyang katawan.
Samantala si Shawn naman ay kasalukuyan na iniisip ang kaniyang ginawang aksyon ngayon lamang at kaniyang naisip na magiging malaking problema ang kaniyang pagpapakita ng ibat-ibang abilidad sa labanan na ito, sapagkat ang kaniyang mga abilidad na ipinapakita sa kasalukuyan ay mga kakaibang kakayahan na hindi kapani-paniwala na taglay niya.
Si Grey naman ay kasalukuyan na pinakikiramdaman ang pagtaas ng kaniyang enerhiya, ito ang kaniyang naunang pinakiramdam mula ng kaniyang matanggap ang enerhiya. Ang enerhiya na dumadaloy sa kaniyang katawan ay mas lalong pinalalakas ang kaniyang taglay na enerhiya, hindi siya makapaniwala na ang enerhiya na ito ay nagmumula kay Shawn.
Ang ganito katinding enerhiya ay hindi basta basta tataglayin ng isang ordinaryong tao lamang, sa kaniyang palagay ay talagang kakaiba ang kaniyang kaibigan dahil ito lamang ang bukod tanging nagtataglay ng pambihirang asul na apoy na tinagurian bilang isa lamang alamat.
Subalit dahil sa paglitaw ni Shawn ay ang alamat na alam ng lahat ay naging isang katotohanan, samantala sila Ariana, Rev at Yoki ay kasalukuyan na seryoso ang nakatingin sa kinaroroonan ng grupo ni Shawn.
Ang presensya ng mga ito ay bigla na lamang nagbago at ang lakas ng kapangyarihan na tinataglay ng mga ito ay mabilis na lumalakas, at mukhang ang nagiging dahilan ng lahat ng ito ay walang iba kundi ang itim na enerhiya na inilalabas ng katawan ni Shawn.
Ang lahat ng askyon na ipina-pamalas ni Shawn ngayon sa harapan nilang lahat ay hindi nila inasahan na ipapamalas nito, sapagkat ang kanilang inaasahan lamang ito ay ang pagpapamalas ng kasalukuyan nitong kakayanan subalit ang kasalukuyang kakayahan na ipinapamalas nito ay higit pa sa kanilang inaasahan.
Si Yoki nga ay napapa-isip sa kakaibang pamamaraan na ginawa ni Shawn para palakasin ang mga kasama nito, subalit sa kabila ng ginawa na ito ni Shawn ay hindi makapaniwala si Yoki na tila ba nakalimutan ng batang ito na ang patakaran ng labanan na ito ay isa lamang ang tanging magwawagi.
Sa madaling salita ay sa bandang huli ay sila sila lamang din ang maglalaban-laban sa huli kapag pinag-patuloy ng mga ito na magsama-sama upang kalabanin ang kabilang seksyon, at kapag nagkataon man na napabagsak na mga ito ang kanilang mga kalaban ay natitiyak niya na ang mga ito lamang din ang maglalaban laban sa bandang huli.
Subalit sa kaso na ito ay mukhang Malabo na ang grupo ng kanilang kalaban ang matatalo sa pagkakataon na ito sapagkat ang mga indibidwal na ito ay hindi mga basta basa sa loob ng akademya, ang mga ito ang mga kilalang mga pinaka-malalakas na miyembro ng Elite Class ang mga tumatayong simbolo kung bakit ang kanilang grupo ang pinakamalakas na indibidwal sa loob ng akademya.
BINABASA MO ANG
Legends of God's Children [School of Magic]
AdventureLegends of Gods Children: Volume 1 - School of Magic Genre: Action, Fantasy, Adventure In the year 2100, humanity is on the brink of extinction. The world has been overrun by demonic forces, remnants of biblical lore now wreaking havoc on Earth. As...