Chapter CII

72 19 0
                                    

Chapter CII: Double Problem

---

MAKIKITA na naguguluhan si Rev sa boses na kaniyang narinig kanina, para bang ang kaniyang ini-isip kanina ay sinagot nito. At iyun ay ang tanong kung si Lucy ba ay isang Diyablo, at mukhang ito ang ipina-pahiwatig nito.

Napatingin lamang si Rev sa batang ito na ngayon ay lumilipad patungo kung saan nilalabanan nila Shawn at Dylan ang Diyablo, samantala sila Dylan at Shawn ay naramdaman ang biglang pagkawala ng kakaibang aura na bumabalot sa katawan ni Lucy.

Si Dylan ay hindi na nag-abala pa na tingin ito, sapagkat mas kailangan niyang mag-pokus sa paglaban sa isang ito. Dahil ang kaniyang mga pinapakawalan na mga atake ay naiilagan lamang nito, hindi niya naman magawa na umatake ng malawakan dahil ini-iwasan niya na matamaan ng kaniyang asido ang kaniyang kasama.

Samantala si Shawn naman ay napatingin sa pwesto kung saan niya huling nakita si Lucy, at nagulat siya ng kaniyang mapansin na wala na sa pwesto nito ang kaniyang hinahanap. Maya maya pa nga ay bigla na lamang nakaramdam si Shawn ng tila ba mayroong hangin ang mabilis na lumagpas sa kaniya.

Samantala si Dylan ay nabigla ng biglang lumitaw sa kaniyang harapan ang pigura ni Lucy, muntikan nang matamaan si Lucy ng kaniyang asido. Subalit mabuti na lamang at sakto lamang ang paglitaw nito, hindi man lamang niya naramdaman ang presensya nito.

Napatingin siya sa likuran nito, at kaniyang napansin na wala na ang kakaibang marka na makikita sa katawan nito. Tumingin sa kaniya si Lucy at ito ay nagsalita, “Maaari ba akong tumulong?” tanong nito na ikinagulat naman ni Dylan, ang kaniyang akala kanina ay isa na itong kalaban.

Dahil sa pagdaloy ng marahas na enerhiya nito kanina, subalit mukhang nagawang maisa-ayos nito ang daluyan ng sarili nitong enerhiya. Mukhang maraming abilidad na itinatago ang isang ito, dahil nagagawa nitong makipaglaban gamit lamang ang mga kamao nito.

Samantala si Dyrott naman ay nagulat ng kaniyang makita ang kasalukuyang itsura ng prinsesa, nagawa nitong makabalik sa anyo nito bilang tao. Hindi niya alam kung paano nagawang labanan nito ang pagbabagong anyo nito bilang isang diyablo.

Dahil sa pangyayaring ito ay nakaramdam siya ng kakaibang pakiramadaman, hanggang bumakas sa kaniyang labi ang isang ngiti. Ang kaniyang ngiti ay hindi mababakasan ng kasiyahan, kundi ay ngiti ng purong kasamaan at matinding pagnanais na pumatay.

Sila Lucy at Dylan ay nakaramdaman ng mabigat na presensya at ang kanilang pagkilos ay bigla na lamang huminto, para bang tumigil ang oras sa palibot nilang dalawa. Si Shawn naman ay napatingin mula sa kinaroroonan ni Dylan at nakita niya na kasama na nito si Lucy, at siya ay nagtaka dahil kapwa ang dalawang ito ay hindi gumagalaw.

Naalarma si Shawn ng kaniyang mapagtanto ang nangyari, ang kakaibang enerhiya na kaniyang naramdaman ay katulad ng presensya na kaniyang naramdaman kanina. At sa kasalukuyan ay nagawa niyang maiwasan ang epekto ng mahika ng kalaban.

Si Dyrott naman ay makikitang tuwang tuwa ng sa muling pagkakataon ay kaniyang naikulong muli sa kaniyang ilusyon ang lahat, subalit mayroong iisang bata ang hindi niya nagawang ikulong. At ito ay walang iba kundi ang tagapagmana ni Hades, kaya naman ang kaniyang ngiti sa kaniyang labi ay bigla na lamang nawala.

Kaniyang naalala ang abilidad na mayroon si Hades, ang nakaka-iritang abilidad na iyun ay nagagawang magamit ng napili nitong tagapag-mana. Dahil dito ay mas lalo pang lumakas ang presensya na kaniyang pinakawalan, si Shawn nga ay makikitang nakatingin lamang mula sa kinaroroonan ng labanan.

At mukhang mas lalo itong nainis dahil hindi siya nito nagawang ikulong sa ginawa nito muling ilusyon, mabuti na lamang at kayang kaya niyang malabanan ang kahit na anong epekto ng mahika ng kaniyang kalaban.

Subalit kung ganito palagi ang kaniyang mga makakalaban ay tiyak na hindi magiging madali ang lahat para sa kaniya, ang lumaban sa isang aktwal na Demon General ay isang hindi normal na kakayahan ng isang sampung taong gulang na bata.

Samantala mula naman sa loob ng isang silid ay makikita ang isang lalake, na nasisiyahan sa kaniyang pinapanood. Ang lalakeng ito ay si Baal at sa kasalukuyan ay kaniyang pinanonood ang buong kaganapan sa pagitan ni Dyrott at ng tagapagmana ni Hades.

Hindi niya maiwasan na masiyahan na makita ang pagka-inis sa mukha ng kaniyang kaibigan, alam niya ang pakiramdaman na ito lalo na dahil kaniyang harapan na nakalaban noon si Hades. At ngayon na nag batang nagmana ng kapangyarihan nito ay nandito, mas lalo siyang nasisiyahan dahil lalaki ang banta ng batang ito sa kanilang lahat sa hinaharap.

Ang paglitaw ng isang bata na nagtataglay ng Blue Flame, ay magiging isang malaking problema sa kanilang lahat. At tiyak na kapag nalaman ito ni Satan ay tiyak na mapapadalas ang kanilang mga gagawing trabaho, dahil tiyak na gagawin nito ang lahat para lamang mabura ang batang ito sa kanilang mga problema.

Subalit mas lalo siyang natatawa dahil may isa pang malaking problema ang mga ito, at iyun ay ang mismong prinsesa ng mga diyablo. Sapagkat ito ay nananatili padin sa mga kalaban at tiyak na lalo itong lalakas, dahil nadiskobre na nito kung ano ang totoo nitong pagkakakilanlan.

Samantala sa pagitan naman nila Dyrott at Shawn, ay kapwa ang dalawang ito na lamang muli ang nagagawang makakilos. Hindi makapaniwala si Dyrott na ganito na kabihasa sa paggamit ng abilidad na ito ang tagapagmana ni Hades, natitiyak niya na magiging malaking banta ito para sa kanila.

Lalong lalo na ang kanilang prinsesa dahil sa kasalukuyang estado nito, ay mahihirapan silang kuhanin ito dahil sa kakayahan nito na hindi nila magagawang labanan ng buong lakas. Tiyak na poprotektahan ito ng mga kalaban, at kapag nangyari iyon ay mas kakailangan nilang gumawa ng panibagong plano.

Ang problema na dala ng dalawang ito hindi dapat na balewalain, kaniyang naiisip na kailangan muna nilang umatras. Dahil sa dalawang masamang balita, subalit hindi niya pwedeng balewalain ang kaniyang misyon, sapagkat ang kaniyang misyon ay maibalik ang prinsesa at makasama muli ng kaniyang panginoon.

Samantala si Shawn naman ay kasalukuyan lamang na nakatayo, habang sa kaniyang isipan ay kasalukuyan na pala itong nakikipag-usap kay Hades. At sa kasalukuyan ay mayroong ipinapaliwanag si Hades sa kaniyang tagapagmana, at iyun ay patungkol sa technique na mayroon si Dyrott.

Nang marinig ni Shawn ang patungkol sa pamamaraan ng kalaban, ay mas minabuti niya na makinig dito. At wala siya dapat na mag-alala sapagkat kaya niyang maramdaman kung nagsimula ng kumilos ang kaniyang kalaban, habang siya nga ay nakikinig sa mga sinasabi ni Hades.

Ay nakuha ng isa sa mga sinabi ni Hades ang kaniyang atensyon, at patungkol ito sa paglaban sa isang malawakang ilusyon. Nang kaniyang marinig ito ay kaagad niyang naalala kung gaano kalawak ang mahika ng kalaban, ang layo at lawak nito ay maihahalintulad sa isang malaking bilog.

Ang kaniyang mga mata ay makikitaan ng pagkagalak ng kaniyang marinig mula kay Hades, na mayroon siyang kakayahan na kontrahin ang malawakang mahika na iyun ng kalaban. Kailangan niya lamang na gisingin ito mula sa kaniyang loob, at gamitin iyun laban sa mahikang ilusyon ng kaniyang kalaban…

Legends of God's Children [School of Magic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon