Chapter XXXI: Something Wrong
---
ANG buong paligid nga ay nabalutan ng makapal na usok, subalit magkaganun man ay malayang kumilos ang ikalawang pangkat at ito ay upang umatake. Sila Shawn, Jarvis at Markus nga ay nagsama sama habang si Caleb naman ay nagbigay ng utos na magsama sama sila ng mayroong tatlong miyembro.
Silang lahat nga ay naghiwa-hiwalay at na may bilang na tig-tatlong miyembro. Ang buong paligid nga ay mas lalong sumiklab ng magsimula ng umatake ang iba pang mga diyablo. Ang un ang pangkat nga ay naalerto dahil sa biglaang pag litaw ng mga ito mula sa makapal na usok.
Ang isang kabilang nga sa unang pangkat ay hindi na nakapag-pigil pa at inilabas ang kaniyang malamig na aura ang isang ito ay walang iba kundi si Edrian. Siya ang tumatayong pangalawang pinuno ng unang pangkat.
Ang kaniya ngang mga kamay ay kaniyang itinutok sa pwesto kung saan naroroon ang mga diyablo. Ang kaniyang palibot nga ay mabilis na nagkaroon ng malalaking tipak ng yelo. Ang kaniya ngang malamig na aura ay bumalot sa paligid. At ang kaniya ngang atake ay mabilis na tumama sa mga diyablo na lumalabas sa makapal na usok.
Ang mga kasamahan naman ni Edrian ay napapahinto sa kanilang mga pag-atake, namamangha sila sa bagong abilidad na ipinapakita ni Edrian. Nalaman lamang nila na nagbago na ang elemento na tinataglay ni Edrian ng ito ay bumalik sa akademya kasama noon ang walang malay na si Alicia.
Ang laki ng ipinagbago ng kalidad ng lakas na mayroon ito. Ang iba naman na kasamahan ni Edrian ay hindi na nag-abala pa na pagmasdan ang kaniyang mga ginagawa. Mas binibigay ng mga ito ang kani-kanilang atensyon sa kanilang mga kalaban.
Samantala ang grupo naman nila Shawn ay mabilis na nakarating sa kanilang dapat na paroroonan. Lumapag silang tatlo sa itaas ng building at pinag-masdan ang tatlong diyablo na mukhang naghahanap ng mga makakalaban.
Ang mga diyablo nga ay napatingin sa itaas at nakita nila ang tatlong bata na nababalutan ng kani-kanilang aura. Ang mga bata na ito ay sila Shawn, Markus at Jarvis. Ang tatlo nga ay kaagad umilag ng biglang magpakawala ng malaking bola ng apoy ang tatlong diyablo.
Ang tatlong bata ay naghiwa-hiwalay upang mapag-layo sa isat-isa ang mga diyablo. Si Shawn nga ay lumilipad habang kinukuha niya ang atensyon ng isa sa tatlong diyablo. Habang lumilipad nga si Shawn para mas makuha niya ang atensyon ng diyablo ay mayroong isang anino ang bigla na lamang lumitaw sa kaniyang likuran.
Makikita ang isang diyablo na may halos isang dipa na lamang ay tatamaan na sana ng direktang atake si Shawn ay bigla na lamang sumulpot si Markus at Sinipa ito sa mukha. Napalingon dito si Shawn at nskita ang tumilapon na katawan ng diyablo.
Napangiti si Shawn dahil sa pag-ligtas sa kaniya ni Markus, binalik nga niya kaagad ang kaniyang atensyon sa kaniyang kinakalaban. Samantala si Jarvis naman ay pinapalibutan ng kaniyang apoy ang bawat kalye na daraanan ng diyablo. Makikita naman na naiirita na sa kaniya ito kaya naman mas lalo itong naging agresibo. Ang diyablo nga ay mabilis na sumuntok sa kinaroroonan ni Jarvis subalit hangin lamang ito. Ang diyablo nga ay napa-atungal ng direkta itong tamaan ng nagliliyab na kamao ni Jarvis. Si Jarvis nga ay napapa-isip dahil sa kakaibang napansin niya sa diyablo na kaniyang kinakalaban.
Ang bawat pagkilos nito ay napaka-dali lamang mabasa, at maraming blind spot ang kaniyang nakikita sa tuwing aatake ito. Subalit napansin din niya ang napakatigas nitong mga balat. Na sa sobrang tigas ay nagagawa siya nitong mapa-atras.
At isa pa ang kaninang pag-atungal nito ay alam niya na hindi ito dahil sa nasaktan ito, kundi ito ay upang mas patigasin pa ang balat nito. Kaagad nga na lumayo si Jarvis at agad na pina-ulanan ng mga nagliliyab na atake ang diyablo.
Samantala si Shawn naman ay medyo nakakalamang dahil sa angkin niyang bilis, ang bawat pag-atake ng kalaban ay madali lamang niya na naiiwasan. Hindi kagaya noong siya ay makipaglaban kasama si Lucy na nagagawa siyang matamaan ng mga suntok ng mga ito.
Subalit ang kaniyang kaharap ay hindi man lamang siya nito matamaan, samantala si Markus naman ay makikitang tuwang tuwa habang sunod sunod niyang sinu-suntok ang kaniyang kalaban. Dahil sa kasalukuyang laban niya rito ay nagawa niya itong mapahiga at ginawa niya itong pagkakataon upang mahuli ang kaniyang kalaban.
Sa pamamagitan nga ng kaniyang Elemento ay nagawa niyang balutin ng bato ang mga maibigat nitong braso at binti. Kanina pa niya napapansin na walang kakayahan na sabayan siya nito sa larangan ng bilis. At napansin niya din na sa tuwing umaa-tungal ito ay tila mas nadadag-dagan ang timbang nito. Na mukhang dahilan kung bakit mabagal ito.
Kaya naman sa kasalukuyan ay sinasadya niya ang pagkakataon na ito upang pabagsakin na ng tuluyan ang diyablo. Sa bawat pag bitaw niya ng kaniyang kamao ay ang katawan ng diyablo ay unti unting bumabaon sa lupa.
Samantala ang paligid naman nila ay yumayanig dahil sa sunod sunod na pagsabog na nagaganap. Ang mga gumagamit nga ng elemento ng lupa ang may pinaka magandang elemento para ipang-tapat sa mga nakakalaban nilang diyablo.
Ang ilan nga sa gumagamit ng Elemento ng lupa ay ang pinaka-ginagawa ay ibaon ng buhay ang kani-kanilang kalaban. Sa kasalukuyan nga ay may sampu na ang napabagsak na mga diyablo habang nasa anim naman ang nagpapahinga dahil sila ang naunang anim na nakapag-pabagsak ng diyablo na nagtatagalay ng ranggong Class B Devils.
Na kaya lamang pabagsakin ng anim na Class A rank God's Children. Bawat isa. Subalit nagtatagka sila dahil napaka-dali lamang nila napabagsak ang mga ito. At isa pa ay tila wala sa sariling pag-iisip ang mga ito na tila ba mayroong pwersa ang nagtutulak sa mga ito na magwala at maghasik na kaguluhan.
Samantala si Edrian naman ay kakatapos lamang mapabagsak ang ikatlong Class B Devil, nakakaramdam ng kaunting pagka-pagod si Edrian dahil mag-isa lamang niyang kinalaban ang tatlong iyun. At pasalamat lamang siya dahil mabagal ang pagkilos ng mga ito. Kagaya nga ng iba ay napansin niya rin ang mga kakaibang pangyayari sa kanilang kalaban.
Ang pag-atungal nito na nagiging sanhi ng lalo nitong pagbigat at pagbagal, at mga atake na walang direksyon at basta basta lamang na nagpapakawala ng mga napaka-mapinsalang mga atake. Subalit ang isipan lamang nito ang wala sa sarili nito.
Tila ba mayroong kakaibang nangyayari sa isangdaang kalaban na naroroon. Samantala sa itaas naman ay makikita si Caleb habang makikita na nababalutan ang kaniyang buong katawan ng kaniyang aura. Nakapikit ito at tila pinakikiramdaman ang kaniyang paligid.
Samantala si Baal naman ay naalarma sa biglang pagkapal ng hamog sa paligid ng nagaganap na labanan. Ang kaniyang malayang panonood ng mga nagaganap ngayon ay unti-unting nahahadlangan ng hamog na iyun. Dahil sa pangyayaring ito ay makikitang galit na galit si Baal habang ang kaniyang palibot ay kaagad na nagligablab.
"Nakaka-inis!" sigaw pa nito at ang apoy nga ay mas lalo pang nag-ngalit at mabilis na tinupok ang mga nasa paligid nito. Samantala habang nasa gitna ng nagliligablab na apoy si Baal ay mapapansin na may isang imahe ang bigla na lamang lumitaw sa harap nito.
"Baal pinapatawag kana!" bungad na sabi ng isang lalake na mayroong dalawang sungay sa kaniyang ulo, at mayroong itim na mga mata.
"Ang aga naman magpatawag!" pagrereklamo naman ni Baal subalit makikita naman na huminahon ito at ang nagliligablab na paligid ay bigla na lamang naglaho.
"Tapos na ang paglilibang ko dito!, mukhang may mahalagang pag-uusapan sa pagpupulong!" sabi ni Baal at ang bola kung saan siya kanina nanonood ay kaagad na nabasag ng ikuyom niya ang kaniyang kaliwang kamao.
Ang dalawang diyablo nga ay kaagad naglaho at ng maglaho na nga si Baal. Ay ganun din ang kaniyang pagkontrol niya sa mga diyablo na sa kasalukuyan ay kinakalaban ng grupo nila Shawn at Edrian....
Vote And Comment
BINABASA MO ANG
Legends of God's Children [School of Magic]
AdventureLegends of Gods Children: Volume 1 - School of Magic Genre: Action, Fantasy, Adventure In the year 2100, humanity is on the brink of extinction. The world has been overrun by demonic forces, remnants of biblical lore now wreaking havoc on Earth. As...