Chapter CLIV: Monster Weakness
----
ANG buong paligid nang bundok ay kasalukuyan na nababalutan nang naglalakihang tipak nang mga bato at yelo, sa gitna nang mga naglalakihang pader na gawa sa dalawang elemento ay makikita ang malaking halimaw na patuloy na nagwawala.
Sa kasalukuyan ay sabay sabay na inaatake nila Jarvis, Jay-ar at Akari ang higante, sa bawat atake na pinakakawalan nang tatlo ay nagkakaroon nang malakas na pagsabog. Ang kasalukuyang sitwasyon sa pagitan nang grupo nila Grey laban sa halimaw ay tumagal na nang halos ilang minuto, at sa loob nang ilang minuto ay nagawang mapigilan nang kanilang grupo na kumilos ang halimaw.
Sa kasalukuyan ay kapwa na hindi umaatake sa halimaw sila Grey at Markus dahil hindi pa sila nakakabawi nang lakas, ang kanilang ginawa kanina ay malaki ang naitulong sapagkat nagawa nilang pigilan ang pagkilos nang kalaban sa kinatatayuan nito.
At habang silang dalawa ay nagpapahinga ay hindi nagsayang nang pagkakataon ang tatlo at nagpakawala ang mga ito nang mga bola nang enerhiya, dahil doon ay nagkaroon muli nang mga malalakas na pagsabog.
Samantala sila Lucy, Jack at Elton ay pinagmamasdan ang laban na nagaganap sa grupo nila Grey at nang higanteng halimaw. Si Lucy ay hindi mapakali sa kaniyang kinatatayuan, kung wala lamang siyang natamong pinsala kanina sa pakikipaglaban sa dalawang diyablo kanina.
---
Sa kabilang dako naman ay makikita sila Shawn, Edrian at Alicia na mabilis na lumilipad patungo sa direksyon nila Elton, Sila Lucy nga ay napalingon kung saan nagmumula Sila Shawn.
Si Elton ay kaagad na binati ang mga kaibigan Niya na Sila Edrian at Alicia, si Alicia naman ay napalinga linga sa paligid at animo'y mayroong hinahanap.
"Elton Nasaan si Dylan?" Tanong ni Alicia.
Si Elton naman ay napailing at inalala ang sinabi sa kaniya ni Dylan kanina.
"Elton!, Maiwan ko Muna kayo ah! Tulungan ko yung mga tao na nakatira sa gilid nang bundok". Sabi nito sa kaniya kanina.
At hanggang ngayon nga ay wala pa din ito, marahil ay patuloy pa din ito sa paglilikas nang mga tao sa palibot nang bundok.
Samantala si Lucy naman ay nilapitan si Shawn habang si Jack naman ay nakatingin lamang sa kinaroroonan Ngayon nang dalawa.
Napansin ni Jack na nag-alala si Lucy sa kasamahan nito na si Shawn, sa kaniyang palagay ay matalik na magkaibigan na ang dalawa kaya naman napansin niya ito sa dalawa.
Samantala si Shawn naman ay kinamusta si Lucy pagkalapit nito sa kaniya, nalaman niya mula dito na bumagsak lamang siya kanina sa lupa dahil sa malakas na atake nang kalaban nito kanina.
Pero hindi naman ito nagtamo nang malaking pinsala, dahil Doon ay nakahinga nang maluwag si Shawn dahil hindi napahamak si Lucy sa pagkakataon na ito.
Kahit na tatlong Diyablo pa ang dumating Mula sa Mundo nang mga ito, ay hindi parin nagawa nang mga ito na makuha so Lucy...
---
Samantala sa kinaroroonan nila Rev at Ariana ay kapwa na nakatayo lamang ang dalawa habang nakatingin sa direksyon kung saan naroroon ngayon ang grupo nila Alicia at Shawn.
Hindi makapaniwala ang dalawa nang hindi na nila maramdaman ang aura nang mga kalaban, sa madaling salita ay nagawang matalo nang mga batang ito ang mga kalaban.
Hindi sila makapaniwala na mabilis na lalakas ang mga ito sa maikli lamang na panahon, at sa kasalukuyan ay nakikipaglaban Ngayon ang mga ito sa isang SSS+ class na halimaw.
Ang ganito kataas na antas nang mga kalaban ay natural na kinalalaban lamang nang mga nakapagtapos na sa akademya, subalit sa kasalukuyan ang mga lumalaban Ngayon sa isang SSS+ Class na halimaw ay mga pawang 1st year students lamang nang Magica Academia.
Dahil nagawa nang mapabagsak nang mga ito ang mga nagkalat na mga Diyablo kanina, ay minabuti na nang dalawa na lumapit sa grupo nila Shawn.
Nang sandaling makalapit na Ang dalawa ay kaagad na napalingon sa kanila Sila Shawn at Lucy, kapwa na nagulat ang dalawa sapagkat naroroon din pala sa Lugar Sila Rev at Ariana.
Sila Alicia at Edrian naman ay hindi na nagulat sa biglaang pagsulpot nang dalawa, sapagkat nabanggit na kanina sa kanila na nagtungo na Sila Rev at Ariana sa Lugar bago pa Sila makarating sa Lugar.
Ang hindi lamang nila inasahan ay ang hindi pagtulong nang mga ito sa kanila laban sa kampon nang Demon General.
Ang hayaan na lumaban ang mga 1st year students ay isang delikadong desisyon, subalit sa kasalukuyan kaganapan ay mukhang hindi na ito dapat na pag-isipan pa.
Sapagkat hindi naman nagawa nang mga Diyablo ang kanilang pakay sa Lugar na ito.
Samantala Rev ay napatingin sa halimaw, sa kasalukuyan ay nakikita Niya ito nang malapitan at nararamdaman Niya ang mismong pagdaloy nang enerhiya nito sa buong katawan nito...
Ang presensya nang halimaw ay mas himihina habang tumatagal, alam na nila Rev na mangyayari ito sa halimaw sapagkat ito ay nakararanas Ngayon nang panghihina dahil sa walang humpay na pag-atake nang grupo nila Jay-ar dito
Sila Edrian at Shawn naman ay nagkatinginan at nang magtama ang kanilang mga mata ay tumango na lamang bigla si Edrian, si Shawn naman ay kaagad na niyaya si Lucy na magtungo sa pwesto nila Grey at Markus.
Dahil mayroon mahalagang pag-uusapan ang grupo nila Edrian at Rev, samantala nang naka-alis Sila Shawn ay kaagad naman na sumulpot sa harapan nila Alicia si Dylan.
Hindi na nagulat ang mga ito sa biglaang paglitaw nito, sapagkat naramdaman na nang mga ito ang presensya nito mula sa malayo.
Nang makarating si Dylan ay biglang naging seryoso ang presensya sa palibot nilang Lima, nakatingin Silang apat Kay Dylan nang seryoso na animo'y inaabangan ang impormasyon na sasabihin nito.
Si Dylan naman ay kaagad na nagbigay galang Kila Rev at Ariana at nginitian naman Sila Edrian at Alicia, kaagad na pinaalam ni Dylan na matagumpay ang kaniyang pag-analisa sa buong palibot nang bundok.
Ang porma nang kabundukan ay mayroong kakaibang postura na animo'y mayroong inilalarawan na isang malaking nilalang, dahil sa sinabi na ito ni Dylan ay kaagad na napaisip Sila Rev at Ariana.
Kung Anong itsura nang nilalang ang sinasabi ni Dylan sa kanila, kaya naman nagkatinginan Sila Rev at Ariana at tumingin din ang mga ito Kila Edrian at Alicia.
"Tingnan natin sa ibat ibang angulo, baka nakakuha tayo nang agad na impormasyon pag ginawa natin iyun".
Maotoridad na utos ni Rev at Dali Dali na lumipad ang apat patungo sa apat na angulo.
Sila Jack at Elton naman ay napatingin sa grupo nila Alicia na lumipad patungo sa ibat ibang direksyon, hindi nila alam ang gagawin nang mga ito pero marahil ay makakatulong ang gagawin nang mga ito para mapabagsak ang halimaw na ito.
Samantala Sila Grey, Markus, Lucy at Shawn ay kaagad na nagkamustahan, si Grey ay natuwa nang makita niyang halos walang pinsalang natamo si Shawn sa laban. Hindi siya makapaniwala na nagawa nitong labanan ang isang Demon General nang ito lamang mag-isa.
Maging si Markus at Lucy ay hindi din makapaniwala nang banggitin ni Shawn ang mga nangyari kanina noong kaniyang nakalaban si Baal, ang laban na iyun ay isa sa mga magandang laban na naranasan ni Shawn.
Dahil Mula sa labanan na iyun ay mas mabilis na nararamdaman ni Shawn ang mabilis na pagtaas nang enerhiya na mayroon siya, kapag nagpatuloy ang paglabas nang bawat abilidad nang kaniyang kapangyarihan ay tiyak na mas Lalo pa siyang lalakas.
Samantala makikita ang gulat sa mukha Nila Alicia, Edrian, Rev at Ariana sa kanilang nakikita, hindi Sila makapaniwala na Ang imahe na kaniyang nakikita Mula sa himpapawid ay kawangis mismo nang higanteng nilalang.
At ang pinaka kapansin pansin sa bahagi nang imahe nang bundok na mayroong sira, ay nakatapat mismo ito sa may tiyan na imahe nito.
Dahil sa imahe na iyun ay nagkaroon nang isang impormasyon Sila Edrian, at iyun ay ang posibleng kahinaan nang halimaw at iyun ay walang iba kundi sa mismong tiyan lamang nito....
BINABASA MO ANG
Legends of God's Children [School of Magic]
AdventureLegends of Gods Children: Volume 1 - School of Magic Genre: Action, Fantasy, Adventure In the year 2100, humanity is on the brink of extinction. The world has been overrun by demonic forces, remnants of biblical lore now wreaking havoc on Earth. As...