Chapter CXLVII

64 21 3
                                    

Chapter CXLVII: There's No Way To Hide, Threat Of Other Humans, A monster in The Ground

----

MULA sa kinaroroonan nila Grey ay mabilis na umarangkada nang paglipad sila Alicia at Edrian, patungo kung saan nila itinuro ang kinaroroonan ni Shawn. Samantala sila Elton at Dylan ay nanatili kung saan naroroon sila Grey, at kaya naiwan ang dalawa ay dahil sa agarang pag-atake ni Dylan sa isa sa mga diyablo na kinalaban nang mga batang ito..

Samantala makikita naman ang gulat na ekspresyon nang diyablo na sumalag sa atake na binitawan ni Dylan, makikita sa mukha nito ang pagkagulat at pananakit nang kaniyang braso. nararamdaman nang diyablo ang sobrang hapdi nang kaniyang mga braso, makikita na unti-unting nasusunog ang balat nito.

Habang ang mga baluti na suot din nito kanina ay kaagad na natanggal mula sa kaniyang braso, makikita ang mabilis na pagbuka nang kaniyang sugat. dahil sa malakas na uri nang asido na dumampi sa kaniyang katawan, si Markus naman ay napalingon sa kasalukuyang nagaganap sa lalaking nakalaban niya kanina.

Alam niya na sa kasalukuyan ay nasusunog ang katawan nito dahil sa abilidad na mayroon ang lalake na umatake dito, dahil ito lang naman ay ang lalake na nagawang makipag-sabayan kay Shawn. ang indibidwal na nagawang matakot mula sa kaniyang taglay na abilidad ang kaniyang mga kamag-aral...

At ito ay walang iba kundi si Dylan, samantala sa kinaroroonan naman nila Jarvis ay makikita ang mga ito na nakatingin sa babaeng diyablo na umatake kay Lucy. sa kasalukuyan ay nababalutan ito nang kapangi-pangilabot na enerhiya, at mababasa sa ekspresyon nito ang matinding pagdurusa sa kasalukuyan nitong dinaranas.

Ang katawan ni Dyanta ay unti-unting natutulap ang kaniyang mga balat, at ang kaniyang sisidlan nang enerhiya ay mabilis nang nagugulo. at ang kaniyang biglaang pag-iral sa mundong ito ay mabilis na ding binubura nang kakaibang nangyayari ngayon sa kaniyang katawan.

Samantala sa kinaroroonan ni Elton ay makikita lamang itong nakatayo, habang pinagmamasdan nito ang kasalukuyang nagaganap sa kaniyang paligid. kaniyang pinakiramdaman ang enerhiya nang mga kalaban, subalit kahit ano ang kaniyang gawin ay hindi niya magawang malaman kung ano ang ranggo nang mga ito.

Animo'y ang dalawang ito ay mayroong suot na kagamitan para magawang mapigilan nang paglabas nang tunay nitong lakas, hindi niya alam kung bakit ganito ang dalawang diyablo na ito. subalit sa kaniyang palagay ay mayroong limitasyon ang mga ito sa mundong ito. 

At sa kasalukuyan ay kaniyang napansin sa lalake na diyablo na hindi man lamang nito napansin ang panganib na hatid nang likido na inilabas na iyun ni Dylan, Batid nila na ang presensya nang likidong taglay ni Dylan ay naghahatid nang malakas na pwersa para makaramdam nang panganib ang mga kalaban.

subalit ang naging reaksyon nito kanina ay kataka-takang basta na lamang sinalag iyun nang kalaban, sa kaniyang palagay ay wala na ito sa tamang kundisyon upang magpatuloy na lumaban. marahil ay masyado nang maraming enerhiya ang ginamit nito kaya naman wala na itong nagawa kundi ang salagin na lamang ang atakeng iyun ni Dylan...

Samantala sa kasalukuyan ay makikita ang biglaang paglitaw nila Alicia at Edrian sa lugar kung saan ay kasalukuyang nakatayo lamang sila Shawn at Baal, Nagtaka ang dalawa nang kanilang maabutan ang dalawa na hindi man lamang kumikibo.

Animo'y kanina pa sila nito hinihintay na dumating nang mga ito, si Edrian naman ay mababakas ang pag-aalala sa kasalukuyang kalagayan ni Shawn. nakikita niya ito sa kasalukuyan na Humihinga nang malalim na animo'y bumabawi nang hininga mula sa pinag-daanan nitong laban kanina.

Samantala si Baal naman ay napako ang tingin sa dalaga na kasamang dumating nang isang binata, makikita sa kaniyang mukha ang isang pamilyar na ngiti habang ang kaniyang tingin ay nasa direksyon lamang nang dalaga.

Legends of God's Children [School of Magic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon