Chapter CVI: Real Identity
----
SI Dyrott ay kasalukuyan na nakatingin lamang ng direksyon sa mga kapwa niyang Demon General, sa kasalukuyan ay nararamdaman niya ang mabigat na presensya mula sa mga ito. At mukhang mayroong gagawing hindi maganda ang mga ito sa kaniya dahil sa paraan ng pagtingin ng mga ito sa kaniya.
Hindi niya alam kung bakit naririto ang apat na ito, marahil ay nakatanggap ang mga ito ng panibagong utos. At mukhang konektado ito sa kaniyang binalak na gawin kanina, at tiyak na makakatikim na siya mula kay Grisha ng malakas na suntok mula sa Puppet nito.
Samantala sila Rev, Sebastian at Elena ay kapwa na nagtataka sa kasalukuyang nagaganap, ang paglitaw ng apat na indibidwal ay bigla na lamang nagbigay ng matinding bigat ng pwersa sa buong paligid nila. Para bang tinutulak sila ng mabigat na presensya na ito papalayo, si Rev nga ay naaalarma na dahil sa paglitaw ng mga ito.
Masama ang kutob niya na ang apat na ito ay mga kapwa Demon General, kung ang isa sa kanila ay isa ng malaking problema. Kung ganun ay mas malala pa ang kasalukuyang sitwasyon nila, dahil hindi nila alam kung ano ang susunod na gagawin ng mga ito sa kanila.
Samantala si Shawn naman ay mapapansin na nananatiling nakatayo, sa kabila ng napakalakas na presensya sa paligid. Ang isa sa apat na bagong dating ay napansin ang kakaibang itim na enerhiya na bumabalot sa kaniyang katawan, bahagyang naalarma si Shawn sapagkat naakuha nanaman niya ang atensyon ng isang malakas na indibidwal.
Ang isa naman sa apat na Demon General ay napansin ang enerhiya ng isa sa mga bata na nasa ibaba, medyo pamilyar sa kaniya ang presensya ng enerhiya na bumabalot sa katawan nito. Dahil sa kaniyang kuryusidad ay napatingin siya sa pwesto ni Dyrott, at walang ano-ano'y nagtanong dito.
"Ang Batang iyun ba ay nagtataglay ng enerhiya ni Hades?". Tanong nito na ikinagulat naman ni Dyrott, ang tatlo naman ay kaagad na sinamaan ng tingin si Dyrott dahil sa biglang tanong na iyun ni Gelal. Sila Soleth at Varies naman ay kaagad na nilapitan si Dyrott at akmang hahawakan na sana nito ang kwelyo ng kasuotan ni Dyrott ng biglang magsalita si Grisha.
"Sino sa kanila ang anak ni Panginoong Lucifer?" direktang tanong nito na at mararamdaman ang napaka-bigat na presensya mula sa katawan nito. Ang Grupo naman nila Shawn ay nagtaka sa biglaang pagbabago ng klima sa paligid, sapagkat bigla na lamang dumilim ang paligid ng magsalita ang isa sa apat na bagong dating na kalaban.
Si Shawn ay nakaramdam ng hindi maganda tungkol dito, kaya naman inihanda niya ang kaniyang sarili para sa isang biglaang pag-kilos. Samantala si Hades naman ay kaagad na pinagbawalan si Shawn na kumilos ng hindi pinag-iisipan ang gagawin, sapagkat ang gagawing ito ni Shawn ay magiging isang pagkakamali lamang.
Samantala ang isa sa apat na Demon General ay napansin ang pagbabago ng daloy ng enerhiya ng batang kaniyang hinihinalang nagtataglay ng enerhiya ni Hades, sa kaniyang palagay ay susubukan nitong umatake. Sa kaniyang palagay ay masyado itong pabaya at hindi nag-iisip sa ganito kabigat na sitwasyon, makikita ang ngiti sa labi ni Gelal nang kaniyang maisip ang isang bagay na palaging nagpapasaya sa kaniya.
At iyun ay ang manakit ng mga mahihinang kalaban, sinimulan ni Gelal na ikot-ikutin ang kaniyang ulo. At palagutukin ang kaniyang mga dalliri at buto, nais niyang malaman kung ano ang mangyayari sa batang ito kapag ito ay kaniyang inatake.
Samantala si Shawn naman ay inihanda na ang kaniyang kaniyang sarili, kaagad nga niyang pinaghalo ang kaniyang asul at itim na enerhiya. Ang kaniyang asul na itim nga ay agaran na naging kulay ito, ang presensya ng enerhiya na kaniyang inilalabas ay kaagad na umagaw ng pansin ng kaniyang mga kasama.
Lalong lalo na si Lucy dahil ang kalidad ng enerhiya na inilalabas ngayon ni Shawn ay mas malakas sa enerhiya na ginamit nito noong huli silang magharap, para bang mayroong masamang mangyayari ang hindi niya magugustuhan na mangyari.
BINABASA MO ANG
Legends of God's Children [School of Magic]
AdventureLegends of Gods Children: Volume 1 - School of Magic Genre: Action, Fantasy, Adventure In the year 2100, humanity is on the brink of extinction. The world has been overrun by demonic forces, remnants of biblical lore now wreaking havoc on Earth. As...