Chapter LXXI:End Of 1st Round Matches
---
SA kasalukuyan ay makikita ang sunod sunod na pagsabog sa loob ng battle stadium, ang labanan sa pagitan ng mga natitirang miyembro ng dalawang seksyon. Sa kasalukuyan ang nahaharap sa matinding laban sa kasalukuyan ay sila Grey at Akari na ngayon nga ay patuloy na nakikipaglaban sa kanilang kalaban na sila Alexa at Kaoru.Kasalukuyan naman ay nahihirapan nang lumaban sila Markus at Jarvis, si Jarvis, hindi akalain ni Jarvis na mahihirapan siya ng ganito. Ang kaniyang kasalukuyang kakayahan ay hindi sapat para labanan ang kaniyang kalaban.. si Jerren ay sadyang napakalakas sa kasalukuyan nga ay mayroong nakatarak na bahagi ng matalim na bato sa katawan ni Jarvis.
Kasalukuyan itong nakatayo habang mayroong dugo na lumalabas sa labi nito, kasalukuyan na nanghihina na si Jarvis at ilang sandali na lamang ay mauubos na ang enerhiya nito. Samantala kasalukuyan na nakatayo si Jerren habang pinagmamasdan ang kaawa kawa nitong kalaban.
Sa kasalukuyan ay nakatarak sa tiyan ng kaniyang kalaban ang piraso ng kaniyang espada na gawa sa elemento ng lupa, hindi niya inasahan na magagawa niyang daanin sa pisikal na dahas ang kaniyang kalaban.
Napilitan na siya na saktan ito at saksakin ito, at sa pamamagitan ng ginawa niyang iyun ay sa palagay niya ay manghihina na ito ng tuluyan. Ang kaniyang ginawang pag-atake dito ay hindi naman masyadong malalim, pero sapat na ang pinsala nito sa isang tao na halos ginamit na ang lahat ng lakas nito sa laban.
Samantala makikita naman sa mukha ng mga manonood ang hindi makapaniwalang ekspresyon dahil sa ginawang iyun ni Jerren sa kaniyang kalaban na 1st year, lalo na ang mga manonood na kabilang sa Elite Class at kahit na kilala na nila si Jerren sa pagiging mainipin at mainitin ang ulo ay hindi nila inakala na magagawa nitong saktan ng husto ang kaniyang kalaban. Wala itong awa kahit sa isang sampung taonng gulang na bata.
Samantala kasalukuyan naman na nakikipaglaban ng mano-mano si Markus sa kalaban nito na si Takuya, sa kasalukuyan ay nakakalamang na si Markus sa kanilang laban. Sa kasalukuyan ay nagkalat sa kanilang paligid ang nagkadurog durog na mga bato at bakal na mula sa kani-kanilang enerhiya.
Sa kasalukuyan ay may mga galos na sa ibat-ibang bahagi ng katawan ang dalawa, subalit makikita sa kanilang pangangatawan ang tibay ng kanilang mga katawan. Pero kahit na matibay ang pangangatawan ng mga ito ay mababatid kung sino na sa dalawang ito ang nakakaramdam na nang pagod.
At sa kasalukuyan nga ay makikitang hingal na hingal na sa kaniyang kinatatayuan si Takuya, habang ang kaniyang pilak na enerhiya ay unti-unti nang humihina. Hindi makapaniwala si Takuya na may mas magaling pa kay Jerren sa larangan ng paggamit ng elemento ng lupa.
At hindi niya inasahan na may kakayahan ang bata na ito na palakasin lalo ang kapangyarihan nito sa pamamagitan ng Aura Skin, ang kayumanggi nitong enerhiya ay napakalakas at nararamdaman ni Takuya ang bawat pwersa na inilalabas ng kaniyang kalaban sa tuwing ito ay umaatake sa kaniya.
Ang taglay na lakas nito ay sapat na para masira ang tinataglay na tibay ng isang bakal, inaamin niya sa kaniyang sarili na nagpabaya siya sa kanilang laban ng batang ito, dahil hinayaan niya ang isang bata na pagurin siya ng ganito at pilitin siyang ibuhos ang lahat ng kaniyang lakas sa kaniyang bawat pag-atake.
Masyado niyang minaliit ang batang ito, dahil hindi isang ordinaryong bata ang isang ito. Dahil ang batang ito ay talagang talentado sa larangan ng paggamit ng elemento ng lupa. Samantala sila Akari at Grey naman ay kasalukuyan na lumalamang na sa kanilang kinakaharap na laban.
Si Akari ay kasalukuyang inaatake ang kaniyang kalaban gamit ang kaniyang mga pinakawalan na mailiit na ipo-ipo na kasalukuyan ay hinahabol ang kaniyang kalaban, si Alexa naman ay makikitang iretable na dahil makulit na ipo-ipo na sunod ng sunod sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Legends of God's Children [School of Magic]
AdventureLegends of Gods Children: Volume 1 - School of Magic Genre: Action, Fantasy, Adventure In the year 2100, humanity is on the brink of extinction. The world has been overrun by demonic forces, remnants of biblical lore now wreaking havoc on Earth. As...