Chapter XVI

124 34 0
                                    

Chapter XVI: Shawn's Action

----

ANG apat na bata ay huminto sa kanilang paglipad. Ang kaninang makapal na hangin na bumabalot sa kanila ay nawala. Makikita naman sa mukha ng dalawa sa kanila ang pagtataka sa biglaang pagbaba ng dipensa ni Akari.

Ang mga ito ay sila Lucy at Jay-ar na makikita ang pagiging alerto sa kaniyang pag-kilos. Samantala sa kanilang apat naman si shawn lamang ang tahimik sa kanila habang si Akari naman ay palinga-linga sa kanilang paligid at inaalam kung mayroong kakaibang nangyayari sa lugar na ito.

Nararamdaman ni Akari na may mali, at mas lalong lumalakas ang kaniyang kutob dahil sa pananahimik ng isa niyang kasama. Nilingon niya ito at kaagad itong tinanong.

"Shawn napansin mo din ba?" tanong ni Akari kaya naman napatingin si Shawn kay Akari. At pati narin sila Jay-ar at Lucy na kanina pa inihahanda ang sarili.

"Oo kanina pa, mula ng dumating tayo sa lugar na ito!" agad na sagot ni Shawn na ikinagulat naman nila Lucy at Jay-ar. Sila lamang ang bukod tanging hindi nakapansin na may kakaiba nang nangyayari sa gusali bago pa man sila pumasok rito.

Si Jay-ar ay nai-kuyom na lamang ang kaniyang kamao, habang nakatingin sa nakatalikod na si Shawn habang ito ay nakikipag-usap kay Akari. Nakakaramdam siya ng pagka-inis dito. Subalit dapat niyang ituon ang kaniyang buong atensyon sa misyon na ito.

Samantala si lucy naman ay namamanha sa kaniyang mga naririnig sa dalawa niyang kasama. Sila Akari at Shawn ay may nabubuo ng plano laban sa mga diyablo na kakaharapin nila. Narinig niya mula kay shawn na dumaan na sila kanina sa isang patibong ng mga kalaban at sa ngayon ay nararamdaman nito na may papalapit nang kalaban sa kanilang kinatatayuan.

Mas lalo siyang nanabik na muling makalaban si shawn dahil sa mga katangian nito. Ang lakas na taglay nito ay kaniyang nais na mapantayan. Ikinuyom niya ang kaniyang mga kamay. At ang kaniyang pula at itim na aura ay mas lalong tumingkad.

Makikita sa mukha ngaton ni Lucy ang isang ngiti na una niyang pinakita sa lahat ng labanan niya si Shawn. Samantala si Shawn ay napa-sulyap kay Lucy at napangisi siya ng Makita muli ang nakakakalokong ngiti na iyon ni Lucy.

Makikita sa labi nito ang kakaibang galak, at sa kaniyang palagay kapag ito ay ngumiti nan g ganito ay handing handa na itong ibuhos ang buong lakas nito.

"WHOSSH" napalingon si Shawn ng maramdaman niya ang mahinang hangin na dumampi sa balat niya. Ang hangin na iyon ay may kasamang amoy na pamilyar sa kaniya. naalarma na siya kaya naman kaagad niyang ililabas ang kaniyang asul na apoy upang sanggahin ang palapit na atake ng kalaban.

Nagulat naman sila Jay-ar, lucy at Akari sa bilis ng pag-aksyon ni Shawn. At mas lalo silang nagulat ng sa isang iglap ay lumitaw sa kanilang harapan ang isang nilalang na mayroong maitim na balat at mayroong apat na braso.

Napa-atras sa kanilang kinatatayuan ang tatlo. Habang si Shawn naman ay buong pwersa na sinalag ang palihim na atake ng kalaban. Samantala ang diyablo na umatake kay Shawn ay namangha sa bilis ng pagsangga nito sa kaniyang atake.

Sa kaniyang pagtantya ng kasalukuyang edad ng mga batang ito ay nasa edad na sampu ay mayroon ng isang bata ang kayang salagin ang kaniyang pag atake. Samantala ang tatlong bata naman ay kaagad gumawa ng aksyon.

Si Jay-ar at Lucy ay mabilis na inatake ang diyablo na umatake sa kanila. Agad naman na inalis ng diyablo ang kaniyang atensyon sa batang sumalag ng kaniyang atake at ibinaling ang tuon sa dalawang batang paslit na pasugod sa kaniya.

Inilabas nito ang kaniyang nakakapangilabot na aura, kumalat iyon sa buong paligid. Subalit kahit ganun ay tuloy parin sa pag-abante ang dalawa, si Jay-ar ay nababalutan ng kidlat na animo'y baluti sa kaniyang mga binti at braso. At handa ng sipain ang kalaban gamit ang kaniyang paa.

Si Lucy naman ay nababalutan ng kaniyang kapangi-pangilabot na aura ang kaniyang kaliwang palad. At mabilis na umatake patungo sa kalaban. Sa isang iglap ay nagkaroon ng malakas na banggaan ng enerhiya ang naganap sa unang palapag ng gusali.

Ang atake ng dalawa ay direktang tumama sa katawan ng kalaban. Subalit malinaw na makikita ang pagsalo ng diyablong iyon sa kanilang atake gamit ang dalawa nitong kamay. Makikita sa mukha ng diyablo ang nakakatakot na ngiti.

Kaagad hinablot nito ang dalawang bata at walang habas na ibinato ang mga ito sa pader. Nagkaroon ng malakas na pagsabog, at dahil iyon sa pagkakaroon ng butas ng pader at pagtilapon ng dalawa sa labas ng gusali.

Nagulat naman si Akari sa sinapit ng dalawa nilang kasama. Si shawn naman ay napasimangot dahil sa ginawa ng diyablo sa kaniyang mga kasama. Alam niya na ang diyablo ay walang kasing samang nilalang subalit ngayon ay nasaksihan niya na kahit ang kaharap nito ay bata ay hindi ito magpapakita ng kahit kaunting awa.

Napansin ni Shawn na nanginginig ang mga binti ni Akari, napagtanto niya na nakakaramdam na ito ng takot. Normal lamang na maramdaman ito ng kahit sino. Alam niya ang kalalabasan ng misyon na ito kapag hindi sila kaagad makahanap ng paraan para tapusin ang mga kalaban ay tiyak na may mawawalang buhay sa kaniyang mga kasama.

Ang kaniyang palibot ay biglang naglabas ng itim na usok. Mabilis itong bumabalot sa kaniyang katawan. Ang kaniyang kasalukuyang katawan ay nababalutan ng asul at itim na aura at ang kaniyang mga mata ay mas lalong tumingkad at ang asul na bahagi ng kaniyang buhok ay agad naglagablab.

Napalingon naman si Akari sa paglalabas ng aura ni Shawn. Nagulat siya dahil nakita niya na nakangiti ito habang ito ay naka-bwelo na upang umatake habang ito ay nababalutan ng naglalagablab na asul na apoy nito habang naglalabas ng kakaibang asul at itim na aura.

Ang diyablo naman ay nagtaka sa aura na inilalabas ng batang nagawa salagin ang kaniyang atake. Sa pakiwari niya ay kakaiba ang batang ito kaysa sa dalawang umatake sa kaniya kanina. Mukhang may ibubuga ang isang ito at mabibigyan siya nito ng laban.

Inihanda nito ang sarili at inabangan ang susunod na gagawin ng bata. Pinagmamasdan niya ang bawat pag-alon ng aura sa paligid nito. Subalit nagulat ito ng biglaang mawala sa kaniyang harapan ang bata. At sa kaniyang likuran naman ay makikita si Shawn na magpapakawala na ng nagliliyab niyang atake.

"Flame Style: Blue Flaming Fist!" mahinang sabi ni Shawn na ikinagulat ng diyablo. Napalingon ito sa kaniyang likuran at ng pagharap niya ay direkta siyang tinamaan sa mukha ng naglalagablab na suntok ng munting bata.

Tumilapon ang diyablo at tumama sa pader ang malaki nitong katawan. Nagkaroon ng malaking bitak mula doon senyales na mabubutas na ang pader. Kaagad na sinundan ni Shawn ng sunod na atake ang kalaban.

Ang kaniyang dalawang paa ay nabalutan ng nagliliyab na apoy at mabilis na umikot-ikot sa ere at mabilis na sinipa sa sikmura ang kaniyang kalaban. Nagkaroon ng muling pagsabog sa loob ng gusali. Nagkaroon ng makapal na usok sa bahaging iyon ng palapag.

Makikita sa mga pader ang mga butas na nilikha ng mga pagsabog. At ang huling pagsabog ay nag-iwan ng malaking butas at may bakas ito ng isang nilalang na may malaking pangangatawan.

Samantala makikita naman ang gulat na gulat na mukha ni Akari. Hindi siya makapaniwala sa kaniyang nasaksihan. Sa magkasunod na atake lamang, nagawang pabagsakin ni Shawn ang kalaban. At higit sa lahat ito ang kauna-unahang misyon nito bilang isang Gods Children.

Isa itong pambihirang tanawin na sa kahit ang kaniyang nakatatandang kapatid ay hindi kayang gawin....

Legends of God's Children [School of Magic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon