Chapter LXXXVII

66 24 0
                                    

Chapter LXXXVII: Assemble Of Special Class 1st year

---

ANG naganap na malawakang pagsabog sa loob ng battle stadium ay nagbigay ng malaking kilabot sa mga manonood, samantala ang bawat kalahok naman ay kasalukuyan na nakatingin sa gitnang bahagi ng stadium kung saan nagsimulang kumalat ang malaking atake na iyun kanina.

Hindi makapaniwala ang mga ito na mayroong isa sa kanila ang magpapakawala ng ganuon kalakas na enerhiya, sa kanilang pagkakaalam ay ang lakas nang pinakawalang atake na iyun ay kayang kayang pumatay ng isang aktwal na diyablo.

Samantala kasalukuyan naman na makikita mula sa ibaba ang kasalukuyang pinsala na idinulot nga atake na pinakawalan ni Akari, si Jay-ar nga ay hindi makapaniwala sa laki ng pinsala na ginawa ng kaniyang kaibigan.

Ang ginawa nitong atake kanina ay kayang pumaslang ng kaniyang kalaban kaya naman hindi niya akalain na hindi ito magdadalawang isip na ibato ito kanina kay Elton, samantala sa kabilang banda naman ay makikita si Elton na kasalukuyan na nakaupo sa isang gilid habang iniinda ang kaniyang natamong pinsala mula sa pag-atake na iyun ng kaniyang kalaban.

Hindi makapaniwala si Elton na magagawang magpakawala ni Akari ng ganung kalakas na uri ng atake kanina, dahil sa kaniyang pagkaka-alam mula dito ay hindi ito basta basta magpapadalos-dalos. Lalong lalo na dahil natitiyak niya na malaking bahagi ng kaniyang enerhiya ang ginamit nito para sa atakeng iyun.

Kung ang atakeng iyun ay ginamit ni Akari sa isang aktwal na labanan, laban sa isang diyablo ay natitiyak niya na malalagay sa alanganin ang buhay nito dahil ang ganun kalakas na pag-atake ay natitiyak niya na malakas kumain ng enerhiya.

Samantala sila Alicia at Edrian naman ay napatingin sa pwesto nito, at nagulat silang dalawa ng makita na sugatan ang kanilang kaibigan. At kanilang naisip na mukhang nakuha ito ng kanilang kaibigan mula sa atakeng pinakawalan ng kalaban nito kanina, sa madaling salita ay ang nagpakawala ng malakas na atake na iyun ay nagmula sa Special Class at ang batang gumawa ng malakas na atakeng iyun ay isa lamang 1st year student.

Si Alicia ay napatingin sa kaniyang kalaban na sa ngayon ay kaniyang hawak hawak na sa kasalukuyan nga ay nanghihina na at hindi na tatagal sa laban, nagtataka si Alicia habang siya ay nakatingin sa kaniyang kaawa-awang kalaban.

Hindi niya inaasahan na magkakaroon ng ganito kalalakas na miyembro ang bagong henerasyon ng Special Class, ang bawat bagong miyembro ng mga ito ay mayroong mga malalaking potensyal sa hinaharap at ang paglakas ng mga ito ay masyadong mabilis kaysa sa inaasahan.

Ang bilis ng paglakas ng mga ito ay medyo nakakabahala para sa kanilang mga naunang estudyante ng akademya, ang kasalukuyang lakas na taglay kasi nang mga batang ito ay maikukumpara na kaagad sa kanilang kasalukuyang kakayahan sa ngayon.

At kapag hindi nila napatunayan na sila ang mas malakas sa mga batang ito ay mababahiran ng kahihiyan ang kanilang pagiging pinaka-malakas na indibidwal ngayon sa loob ng akademya, kaya naman hindi dapat sila magpakita ng kahinaan sa pagkakataon na ito. At ipapakita nila sa lahat kung bakit sila ang hinirang bilang ang pinaka-malalakas na estudyante sa loob ng akademya sa ngayon.

Samantala ang mga manonood ay napatingin sa kinaroroonan nila Alicia at Caleb sa ngayon, dahil si Alicia ay naglaban ng kapangi-pangilabat na presensya habang mahigpit nitong hawak ang kwelyo ng damit na suot ni Caleb.

Ang mga miyembro nga ng Special Class ay naalarma dahil sa kanilang nakikitang kalagayan ngayon ng kanilang Class President, sa pagkakataon na ito ay mukhang magaganap na ang kanilang kinatatakutan na mangyari at iyun ay ang pagkatalo nito sa kamay ng isang malakas na kalaban na tulad ni Alicia.

Samantala si Shawn naman ay napatingin sa kinaroroonan ni Alicia at napaseryoso siya dahil sa biglang paglakas ng enerhiya na bumabalot sa katawan nito, at base sa klase ng enerhiya na inilalabas nito ay mukhang ito ay aatake ng buong lakas sa kasalukuyang walang kalaban laban na si Caleb.

Legends of God's Children [School of Magic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon