Chapter XVII

135 31 0
                                    

Chapter XVII: Flame and Fist

---

SA labas ng gusali ay makikita ang dalawang bata na nasa ibabaw ng mga gumuhong bahagi ng pader. Makikita ang katawan ng dalawa na nagtamo ng hindi malalang pinsala. Ang karamihan dito ay gasgas lamang at mababaw na sugat na dulot ng pagbangga ng kanilang katawan sa pader.

Si Jay-ar ang may natamo lamang na sugat ng tumama ang kaniyang likod sa matalim na bagay na kaniyang pinag-bagsakan. Hindi ito iniinda ni Jay-ar at dahan dahan na bumangon mula sa kaniyang pagkaka-tilapon.

Si Lucy naman ay madali lamang nakatayo dahil gasgas lamang ang kaniyang tinamo. Nagawa niyang protektahan ang kaniyang sarili mula sa impact na dulot ng pagbato sa kaniya ng halimaw. Hindi makikitaan ng pagkabahala sa mukha si Lucy.

Bagkus ang ngiti sa kaniyang labi nananatili. Mayroong kakaiba sa kaniya. hindi siya nakakaramdam ng kahit anong takot. Ang alam lamang niya ay nasasayahan siya ngayon. Handing handa siyang makipag-laban.

Samantala sila Shawn at ang diyablo ay makikita malapit sa kinaroroonan nila lucy at Jay-ar. Ang dalawang ito ay kasalukuyang nasa labas ng gusali. Dahil sa pagkakatilapon ng halimaw ay kaagad itong sinundan ni Shawn upang magkaroon siya ng malaking espasyo ng paglalabanan.

Makikita ang katawan ni Shawn na nababalutan ng itim at asul na aura habang ang mga kamay at paa nito ay naglalabas ng nagliliyab na asul na apoy. Nakalutangt sa ere si Shawn habang ang diyablo ay nakahandusay sa kalsada.

Makikita naman ang mga tao na nakakita ng pagsabog sa unang palapag. At nasaksihan nila ang pagtilapon ng isang diyablo. At ang may gawa nito ay isang bata na gumagamit ng element ng apoy. Subalit agad naman nagsi-takbuhan ang mga ito ng may lumitaw na tatlong halimaw.

At ang tatlong ito ay nagmula sa loob ng gusali. Naalerto naman si Shawn sa paglabas ng tatlo pang kalaban. Ang kaniyang asul na apoy ay mas naglagablab at siya ay mabilis na lumipad patungo sa mga ito.

Makikita naman sa mata ng tatlong diyablo ang kapangi-pangilabot na ngisi. Ang tatlong ito ay nagtataglay ng pula at itim na aura. At sa lakas na mayroon ngayon si Shawn ay hindi niya kakayanin na pabagsakin agad agad ang mga ito.

Samantala sa likod ni Shawn ay may isang pigura ang mabilis na lumipad patungo rin sa tatlong halimaw. Napangisi si Shawn ng Malaman na ito ay si Lucy. Nararamdaman niya ang nag-uumapaw na enerhiya nito habang pasugod sa mga kalaban.

Ikinuyom niya ang kaniyang mga palad at makikita ang ngisi sa kaniyang labi habang pasugod din sa tatlong halimaw.

"MAMATAY KAYO!" Sigaw ng tatlong diyablo at sabay sabay na umatake sa pasugod na sila Lucy at Shawn.

Nagkaroon ng malakas na pagsabog sa gitnang bahagi ng mataas na gusali. Ang pagsabog na iyun ay mabilis na binasag ang mga salamin ng bahaging iyon ng gusali. Nagkaroon ng makapal na usok, nakuha ng pagsabog na ito ang atensyon ng mga naglalaban sa itaas na bahagi ng gusali.

Makikita ang nanlalaking mata nila Elena at Edrian dahil sa paglitaw ng tatlong Class D Devil. Subalit mas nagulat sila dahil sa walang pag-aalinlangan na pag atake nila Shawn at Lucy dito.

Samantala ang diyablo na nasa mataas na palapag ay pinagmamasdan ang laban na nagaganap sa ibaba. Ang diyablong ito ang pumigil sa pag atake nila Edrian. Ang diyablong ito ay isang Class A Devil. Hindi niya kasamahan ang sampung Class D Devils. Siya ay mayroong importanteng sadya mula sa presedente ng kumpanyang ito.

Subalit bigla na lamang inatake ng sampung mababang uri ng diyablo ang gusaling ito. Hindi sana problema ang mga ito. Subalit nakakuha ito ng pansin ng mga Gods Children. At sa ngayon nga ay nalalagay sa alanganin ang kaniyang transaksyon.

Legends of God's Children [School of Magic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon