Chapter C: Transformation
---
ANG mga nagaganap sa loob ng akademya ay mas lalong lumalala, sapagkat sa kasalukuyan ay mayroong nagaganap na pagpupulong ng mga matataas na opisyal. Sa kasalukuyan ay malinaw nilang nakikita ang kasalukuyang nanagap sa labas ng akademya, ang mga ito nga ay hindi makapaniwala na kanilang masasaksihan ang isang aktwal na Demon General.
Na ngayon ay nasa labas lamang ng akademya, ang mga ito nga ay hindi din makapaniwala ng matanggap ng mga ito ang balita mula sa ibang akademya. Na ang mga ito ay sinugod din ng grupo ng mga Demon General.
Ang ganitong pangyayari ay hindi nila inasahan na magaganap, ang sabay sabay na atakehin ng mga kalaban ang kanilang mga eskwelahan. At talagang pinaghandaan ng mga ito ang kanilang pagsalakay, sapagkat tamang tama ang tyempo ng mga ito.
Handa ang mga ito sa kanilang malawakang pag-atake, hindi nila malaman kung ano ang pangunahing pakay ng mga ito. Subalit isa lamang ang kanilang dapat na gawin at iyun ay labanan ang mga ito, kahit na ano pa man ang mangyari dahil ito ang layunin na kailangan nilang gawin.
At ito ay ang pigilan ang mga masasamang nilalang sa kanilang mga masasamang binabalak, samantala ang ibang Z rankers naman ay nagtataka sa biglang pag-atras ng kanilang kalaban. Si Ariana nga ay makikitang inis na inis dahil sa pang-mamaliit sa kaniya ng diyablo na kaniyang nakasagupa, ang diyablong iyun ay isang babae at iyun ang unang beses niyang nakalaban ito.
Subalit ngayon lamang siya nakaranas ng ganitong pagka-inis, ang mapagmataas nitong mga ngiti at mapanghamak nitong mga tingin. Sa tuwing naaalala niya ang itsura nito ay lalo siyang naiinis, samantala ang isa sa kaniyang mga kamag-aral ay naglakas loob na lapitan siya.
Makikita sa mukha nito ang kaba dahil mainit ang ulo ni Ariana, sanay sila na nakikita ito na magiliw at masayahin. Subalit kapag ito ay nagalit ay tiyak na hindi nila alam kung ano ang mangyayari sa kanilang lahat, si Ariana ay tumingin lamang sa estudyante at kaagad niya itong tinanong kung ayos lamang ba ang lahat.
Kaagad naman siya nitong sinagot ng oo at sinabi din nito na siya ay ipina-patawag ng mga nakakataas, kaya naman hindi na nag-atubili pa si Ariana at umalis na lamang sa lugar na iyon. Ang mga estudyante naman na naroroon ay nakahinga ng maluwag dahil ligtas sila mula sag alit ni Ariana.
Samantala katulad ni Ariana ay ipinatawag din ng mga nakatataas ang iba pang Z ranker, ang mga ito ay kapwa na makikitaan ng simangot sa kanilang mga mukha kapwa na naiinis ang mga ito sa mga nangyari. Dahil sa kabila ng mainit na laban nila sa mga demon general na iyun, ay bigla na lamang umatras ang mga ito at iniwan sila ng basta basta.
Ito ang kauna-unahang beses na hindi sila pinansin ng mga diyablo, marahil ay wala sa kanilang lugar ang pakay ng mga ito. At kanilang iniisip lamang sa ngayon ay marahil sila ay pinatawag dahil sa pagsalakay na ito.
Samantala sa labas naman ng Magica Academia kung saan makikita sila Shawn, ay kasalukuyan na makikita ang unti-unting pagkilos ni Shawn. Si Shawn ay kasalukuyan na aatake kay Dyrott at makikita sa kaniyang dalawang kamao ang nagliliyab na asul na Apoy, si Dyrott ay makikitang nakangiti lamang at tiningnan lamang ang papasugod na si Shawn.
Sila Rev, Sebastian at Elena naman ay nagulat sa biglaang aksyon na ginawa ni Shawn, ang pagsugod nito sa kalaban ay masyadong delikado. Dahil ang atake nito ay kitang kita ng kalaban at madali lamang itong maiiwasan ng kalaban, dahil sa lakas na mayroon ito ang kalabanin ang tulad ng isang ito ay imposible sa kasalukuyang si Shawn.
Si Dyrott ay kaagad na sinalo ang atake ng batang si Shawn gamit ang isang kamay nito, makikita sa mukha ni Shawn ang pagkagulat subalit kaagad itong naging seryoso. Na ikina-simangot ni Dyrott ang kaniyang akala ay mawawalan kaagad ng pag-asa ang batang ito, subalit nagkamali siya sapagkat ang batang ito ay handa siyang labanan.
Si Shawn ay kaagad na lumipad paatras at mabilis na sumugod gamit ang kaniyang nagliliyab na pag-sipa, si Dyrott ay naalerto dahil sa bilis ng replexes na mayroon ang batang ito. Subalit ang bilis na taglay ngayon ng batang ito ay hindi sapat para sabayan ang bilis na taglay niya sa ngayon.
Samantala si Shawn naman ay makikitang seryoso lamang habang siya ay kasalukuyang pasugod ulit sa kaniyang kalaban, alam niya na kaya nitong iwasan ang kaniyang atake. Kaya inihanda niya muli ang kaniyang kamao para sa kaniyang ikatlo pag-atake, ang kaniyang kaliwang kamao ay kaagad na nagliyab ng sandaling maiwasan ng kalaban ang kaniyang atake.
Si Dylan naman ay kaagad na inihanda ang kaniyang sarili para umalalay kay Shawn, nagulat siya noong unang kumilos ito sa isang halatang pag-kilos subalit kaniyang naisip na. Hindi sapat na atakehin ang kalaban na ito ng palihim dahil bantay sarado sila nito, simula ng gamitin nito ang sarili nitong aura para sila ay sindakin.
Sa kasalukuyan ay mabilis na umaatake si Shawn at halos hindi niya inakala na, mas lalong bibilis sa pagkilos si Shawn habang ito ay umaatake. Dahil sa kasalukuyan ay mabilis na din na umiiwas ang kalaban sa kaniyang mga mabibilis na atake.
Samantala si Dyrott ay makikitang nakasimangot habang kaniyang iniilagan ang bawat atake ng kaniyang kalaban, hindi niya inasahan na mas bibilis ang batang ito habang tumatagal at ang mga atake nito ay mas lumalakas. Hindi niya naman maaaring hawakan ang nagliliwag nitong mga atake, dahil tiyak na tatablan siya ng Asul nitong apoy.
Hindi katulad kanina na hindi pa ganun kalakas ang atake nito, na kaya pa niyang salagin ng basta basta ang atake ng batang ito. Hindi siya kagaya ng kaniyang kakilala na walang takot na makipaglaro sa Asul na Apoy.
Kaniya lamang na ipinag-patuloy ang kaniyang pag-iwas sa mga atake nito, nang kaniyang mapansin ang paglipad papalapit sa kaniya ng isa pang batang lalake. Nabahala si Dyrott ng kaniyang mapansin ang kakaibang likido na nakapalibot sa katawan nito, at pakiramdam niya ay kailangan niyang iwasan ang atakeng gagawin nito.
Samantala si Rev ay nagulat dahil sa lakas ng loob na ipina-pakita nila Dylan at Shawn, dahil sa kasalukuyan ay umatake na din si Dylan para tulungan si Shawn. Hindi niya inasahan na aatake din kaagad ang batang si Dylan, akala niya ay maghahantay lamang ito ng kanilang gagawing pagkilos.
Subalit ang inantay lamang pala nito ay ang pagkilos ni Shawn, samantala napansin naman niya ang biglang pagtahimik ni Lucy. Kaya naman kaagad siyang napatingin sa kinaroroonan nito at napanganga siya ng makita ang kasalukuyang kalagayan nito, kasalukuyang may makikitang dalawang maliit na bukol sa noo nito.
Habang ang dalawang mata nito ay namumula na animo’y dugo sa malayuan, at ang kasalukuyang enerhiya na nakapalibot sa katawan nito ay bigla na lamang naging maayos. Hindi makapaniwala si Rev sa kasalukuyang wangis ni Lucy, tila ba nagbago ito ng anyo at nagwangis ito bilang isang diyablo.
Samantala si Lucy ay kasalukuyang may malay na, nakatingin ito ngayon sa kaniyang harapan at tahimik na nakatingin lamang sa nagtutulungan na sila Dylan at Shawn. Sa kasalukuyan ay nasa tamang pag-iisip na si Lucy, at hindi padin siya makapaniwala sa kaniyang tunay na pagkaka-kilalan.
Isa siyang anak ng Diyablo at mukhang sa ngayon nga ay mayroong kinalaman sa kaniya ang pag-atake ng mga diyablong ito sa akademya, hindi na mapapatawad ang kaniyang sarili kung mayroong isa sa kaniyang mga kaibigan ang mapahamak sa pagkakataon na ito.
Ang kaniyang mga kaibigan ay importante sa kaniya, at kapag may mangyaring masama sa mga ito. Kahit na kapwa niya pa diyablo ay kaniyang papatayin para sa mga ito. Si Lucy ay makikitang ikinuyom ang kaniyang mga kamao at naghahanda na para umatake.
Samantala si Shawn naman ay napansin ang muling pagbabago ng presensya mula sa kinaroroonan ni Lucy at ng kaniyang tingnan ang kinaroroonan nito, ay kaagad siyang natigilan.
Hindi siya makapaniwala sa kasalukuyang wangis nito, bigla na nga lamang sumagi sa kaniyang isipan ang patungkol sa kaniyang misyon. At iyun ay ang tukuyin kung sino man ang anak ni Lucifer na nagtatago biglang isa sa kanila, subalit ang kasalukuyang ideya na kaniyang naiisip ang hindi niya mapaniwalaan.
Mukhang ang kaniyang matalik na kaibigan pa mismo ang kaniyang hinahanap, at ito pa mismo ang kaniyang kailangang paslangin. At ito ay walang iba kundi si Lucy Gremory ang kaniyang kaibigan na nagtataglay ng Crimson Aura, ang aura na sinasabing nagmula sa sinaunang angkan ng mga diyablo ang Grimoriel Clan…
BINABASA MO ANG
Legends of God's Children [School of Magic]
AdventureLegends of Gods Children: Volume 1 - School of Magic Genre: Action, Fantasy, Adventure In the year 2100, humanity is on the brink of extinction. The world has been overrun by demonic forces, remnants of biblical lore now wreaking havoc on Earth. As...