Chapter XCVIII

77 19 0
                                    

Chapter XCVIII: Who I am?

---

SI Shawn ay naalarma ng kaniyang maramdam ang malakas na presensya ng kabalan, dahil mula sa kinatatayuan nito kanina ay bigla na lamang itong lumitaw sa kaniyang harapan. Hindi niya inakala na ganito kabilis ang gagawin ng pagkilos ng isang ito.

Napatingin siya sa mukha nito at mas lalong nanlumo si Shawn ng kaniyang makita nang direkta ang mga mata ng kalaban, ang mga mata nito ay nanlilisik na nakatingin sa kaniya at para bang isang maling hakbang lamang ang kaniyang gawin ay kaniya nang ikakapahamak.

Samantala si Lucy ay makikitang naguguluhan sa mga nangyayari, hindi niya alam kung anong pwersa ang kaniyang nararamdaman na nakapalibot sa buong katawan ng kalaban na nasa kanilang harapan. Ang pwersa na inilalabas nito ay nagbibigay sa kaniyang katawan ng kakaibang takot na ngayon lamang niya naranasan.

Ang uri ng presensya na mayroon ang kalaban ay hindi niya maipaliwanag, sapagkat ang presensya nito ay napaka-pamilyar sa enerhiya na kaniyang tinataglay. Parang may kung anong bagay ang nagko-konekta sa kanilang dalawa, ang taglay nitong presensya at enerhiya ay maihahalintulad sa kaniyang tinataglay na aura.

Samantala si Shawn naman ay napatingin mula sa kinaroroonan ni Dylan, sapagkat kaniyang naramdaman ang presensya nito. Alam niya na ito ay katulad niyang nagmana ng kapangyari ng isang Diyos, subalit hindi niya inakala na magagawa din nitong makakilos sa kabila ng pagkalas ng ilusyon na nilikha ng kanilang kalaban.

dahil sa nalaman ni Shawn ay kaagad siyang nag-isip ng paraan para magawang labanan ang halimaw na nasa kaniyang harapan, sa kabila ng mabigat na presensya nito ay nagawa niyang maka-atras at kaagad na inihanda ang sarili sa susunod na kilos na gagawin ng kalaban.

Samantala si Dyrott naman ay nakatingin lamang sa batang lalake na nagtataglay ng aura ni Hades, hindi niya inasahan na magagawang makagalaw ng batang ito sa kabila ng malakas na presensya na inilalabas ng kaniyang katawan.

Kaya naman kaagad na makikita sa mukha nitong ang isang malawak na ngiti, nang makita naman ni Shawn ang ngiti sa labi nito ay bigla siyang nakaramdam ng matinding kilabot. Sapagkat kasabay ng pag-ngisi nito ang biglang paglakas ng pagnanais nitong pumatay.

Inaamin niya na ang diyablong ito ang pinaka-malakas na kalaban na tumayo sa kaniyang harapan, ang presensya at enerhiya nito ay kaniya lamang na natatagalan dahil sa proteksyon ng kapangyarihan na kaniyang minana.

At sa kaniyang palagay ay nagiging masyado siyang lapitin ng mga malalakas na Diyablo, dahil mukhang mayroong alam ang diyablong ito patungkol sa kapangyarihan na kaniyang tinataglay sa ngayon. Samantala sa Rev naman ay kasalukuyan na makikitang nag-aalala para sa mga bata, lalong lalo na kay Shawn dahil dito nakatoon ngayon ang atensyon ng kalaban.

Mukhang mayroong bagay na mayroon sa batang ito ang nakagawang makuha ang interest nito, at ang bagay na ito ay isa sa mga hindi niya dapat hayaan na mangyari. Kailangan niyang protektahan ang mga ito kahit ano man ang mangyari.

Lumingon siya sa kinaroroonan ni Shawn at nakikita niya sa mukha nito ang matinding takot, subalit sa kabila ng ipina-pakitang ekspresyon sa mukha nito ay hindi parin nawawala ang kumpyansa nito na lumaban.

Hindi man ito ang tamang lugar para siya ay humanga sa batang ito, subalit hindi niya ito mapigilan lalong lalo na dahil nagagawa nito na makatayo kahit na nasa harapan nito ang isang Demon General. Ang ganitong pangyayari ay isang kahanga-hangang pangyayari, dahil ang batang ito ay handa rin na labanan ng Diyablong ito sa kabila ng takot na nararamdamn nito.

Samantala si Dylan naman ay kasalukuyan na nakatayo lamang mula sa kaniyang pwesto, habang walang hinto sa pagpapaliwanag si Perses patungkol sa impormasyon na kailangan malaman ni Dylan. Si Dylan nga ay hindi makapaniwala sa kaniyang nalaman mula kay Perses at iyun ay ang tungkol sa nawawalang prinsesa ng mga Diyablo.

Legends of God's Children [School of Magic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon