Chapter CXXIII: Rescue in Accident
---
SA Lumipas na ilang oras ay ang sinasakyan na Bus nila Shawn at Lucy ay kasalukuyan nang nasa kasunod na probinsya nang kanilang pupuntahan ang kanilang sinasakyan, ang kanilang sinasakyan ay kasalukuyan nang nasa tarlac.
Sa kanilang palagay ay malapit na silang makarating sa kanilang paroroonan, ang dalawa ay nag rerelax lamang habang sila ay nakaupo. Habang ang mga kasabay naman nila sa Bus ay hindi magkamayaw sa pagtingin sa kinaroroonan nila Shawn, hindi maiwasan na mapatingin sa dalawang bata.
Sa kasalukuyan ay malapit nang makadating sa border nang Nueva Ecija ang sasakyan na kanilang sinasakyan, subalit hanggang ngayon ay hindi parin bumababa ang dalawang bata. Marahil ay patungo din ang mga ito sa kanilang probinsya, hindi nila alam kung ano ang sadya nang dalawang bata na ito subalit hindi na dapat nila na problemahin iyun.
Samantala ang Driver naman nang Bus ay iniliko ang kaniyang manibela matapos na may makitang aksidente na naganap sa kanilang harapan, kaagad nitontg iniwasan ang bahaging iyun nang kalsada kung saan ay nakatumba ang isang kotse habang mayroong tumatagas na gasoline sa gasoline tank nito.
Sila Lucy at Shawn naman ay naalarma nang mapansin ang pinangyarihan nang aksidente, at nakikita nilag dalawa ngayon na mayroon pang tao ang nasa loob nang sasakyan. Kaya naman si Shawn ay kaagad na tumayo mula sa kaniyang kinatatayuan, ang mga kasama naman nila sa loob nang sasakyan ay napatingin sila sa batang ito.
Sapagkat mukhang alam na nila ang mangyayari, ang Driver nga ay alerto na binuksan ang pinto nang Bus at si Shawn nga ay kaagad na naglakad patungo sa pintuan nang Bus. Sinabihan pa nga ni Shawn ang kasama nito na huwag nang tumulong at hayaan na lamang siya rito.
Ang mga nakarinig nang sinabing iyun nang batang lalake ay hindi makapaniwala ang mga ito, dahil nang magsalita ang batang ito ay mukhang nanggaling lamang ang boses nito sa isang sampung taong gulang na bata. Dahil doon ay napa-isip ang mga ito at naguluhan, dahil mukhang ang mga batang ito ay mga baguhan pa lamang.
At ang batang lalake na tumayo ay malakas ang loob at puno nang kumpyansa sa sarili, samantala hindi na pinansin ni Shawn ang mga naguguluhang mga kasama sa loob nang Bus. Kaagad siyang lumabas nang sasakyan at ang mga kasama nga nito sa loob ay nanlaki ang mata, dahil bigla na lamang naglaho sa kanilang harapan ang bata.
Samantala sa labas naman ay makikita ang biglang paglitaw ni Shawn sa himpapawid, ang mga tao na nakakakita sa kasalukuyang nangyayari sa Aksidenteng naganap sa kalsada ay nagulat sa biglaang paglitaw nang isang batang lalake. Ang batang ito ay lumilipad at mayroon itong itim at asul na buhok at asul na mga mata.
Ang mga nakasaksi nga sa paglitaw nang batang iyun, ay nabuhayan nang pag-asa ang mga naroroon para sa mga na trap sa loob nang sasakyan na nakataob. Dahil tiyak na tutulungan sila nang batang iyun. Samantala si Lucy naman ay napatingin sa bintana kung saan ay nakikita niya kasalukuyan si Shawn na nakatayo lamang sa himpapawid, sa loob naman nang nakabaligtad na sasakyan ay makikita ang isang babae na nasa lanbing dalawang taong gulang na.
Duguan ang ulo nito dahil sa pagtama nang ulo nito sa manibela, medyo nahihilo pa ito dahil sa malakas na pag-salpok kanina nang sasakyan na bumangga sa kaniyang sasakyan. Ang sumagasa sa kaniyang sasakyan ay mabilis na tumakas matapos siyang banggain nito, sa kaniyang palagay ay natakot ito dahil sa pagbaligtad nang kaniyang sasakyan.
Hindi maigalaw nang babae ang kaniyang katawan lalo na ang kaniyang paa, dahil mukhang naipit ito kanina dahil sa lakas nang impact nang pagbangga sa kaniya. Ang babae ay napalingon sa kaniyang kasama na sa tingin niya ay nawalan lamang nang malay, sapagkat nakikita niya naman na ito ay humihinga pa.
Kaya naman mas minabuti niya na mag-ingay para marinig nang kung sinong darating para iligtas sila nang kasama niya, habang siya ay humihingi nang tulong ay napalingon siya sa gawi nang Tangke nang kaniyang sasakyan at nanlaki ang kaniyang mata nang ang laman nito ay tumatagas na.
Malaki ang tyansa na mayroon maaring maging sanhi para magkaroon nang apoy sa kanilang sasakyan, kaya naman mas lumakas ang kaniyang paghingi nang tulong. Dahil ano mang sandal ay maari silang masunod nang buhay nang kaniyang kasama, samantala nagulat ang babae nang bigla na lamang may isang pares nang mga paa ang bigla na lamang lumitaw sa harapan nang sasakyan.
Ang may ari nga nang pares nang mga paa na iyun ay walang iba kundi si Shawn, si Shawn ay kasalukuyan na lumapit na sa sasakyan na nakataob. Kaniyang pinakiramdaman ang palibot nang sasakyan na iyun, at kaniyang naramdaman ang unti-unting pag-kikiskis nang mga sirang wire nang sasakyan.
Kapag ang gasolina ay nakalapit na sa nagkikiskisang wire na iyun, ay tiyak na magsasanhi na iyun nang sunog. Si Shawn nga ay kaagad na lumapit sa pinuang bahagi nang sasakyan, at bumungad sa kaniya ang mukha nang isang babae.
Ang babaeng iyun ay makikitang gulat na gulat nang kaniyang makita ang mukha nang isang bata, kalmado lamang itong nakatingin sa kanila nang kaniyang kasama. Dahil doon ay kaagad niyang sinabi sa batang iyun ang kaniyang problema, at iyun ay hindi maalis ang kaniyang mga paa sa apakan nang preno.
Si Shawn naman ay kaagad na tumango nang sabihin iyun sa kaniya nang babae, kaya naman dali daling kumilos si Shawn at hinarap ang unahang bahagi nang sasakyan. Doon niya nakikita ang nagkakaskasan na wire nang kuryente nang sasakyan, at tiyak niya na kapag naalis niya ang mga parte na ito nang sasakyan ay mapapadali ang pagkilos nang dalawang nasa loob nang sasakyan.
Dali dali niyang hinawakan ang bahaging iyun nang sasakyan, si Shawn ay kaagad na binalutan nang kaniyang asul na aura ang buong sasakyan. At ang mga wire nang kuryente nang sasakyan ay hindi na gumagawa, kaya naman ang nagbabadyang sunog ay wala na.
Ang mga tao na nakakita sa ginawang iyun nang batang si Shawn, ay kapwa na namangha ang mga ito sa ginawang iyun nang bata. Sa pamamagitan lamang nang paghawak nito sa sasakyan ay nawalan nang taglay na kuryente ang sasakyan, dahilan para mawala na ang mga nakikiskisan na mga wire.
Si Shawn ay kaagad na binaklas ang mga parte nang sasakyan, at balewala lamang nitong inaalis ang mga pyesa nang sasakyan. Hanggang sa makita ni Shawn ang bahagi nang paa nang babae na naipit sa pagitan nang Preno at nang bakal na napa-usli paloob dahil sa malakas na pagbunggo kanina.
Si Shawn ay kaagad na lumapit sa nakabukas na bintana nang sasakyan, at kaagad niyang inabot ang kamay nang babae. Nang kaniyang maabot ang kamay nito ay kaagad niya itong kinuha nang dahan dahan, nang makalabas na nga ang babae ay kaagad na pinuntahan ni Shawn ang kabilang bintana.
Ang babae na kasama nang nauna niyang inilabas sa sasakyan ay kasalukuyang walang malay, mukhang epekto iyun ang pagkakasalpok sa kanilang sinasakyan. Hindi na lamang inabala pa ni Shawn kung bakit ito nawalan nang malay, kaagad na niya lamang na hinawakan ang kamay nito at dahan dahan na hinila papalabas nang sasakyan.
Ang mga tao nga na nakasaksi nang pagliligtas nang isang bata sa dalawang babae, ay isang kahanga hangang bagay na kanilang nasaksihan. Dahil ang kanilang nakitang pangyayari ay madalang lamang na mangyari sa lugar na iyun, samantala lumipas ang ilang minuto ay may mga dumating na ambulansya.
Mayroon palang nag report nang naganap na aksidente sa lugar na iyun, at mabilis na romesponde ang ambulansya na nakatanggap nang report. Ang mga nurse na sakay nang ambulansya ay mabilis na nilapitan ang dalawang babae na niligtas ni Shawn, si Shawn naman ay sinabi na lamang sa mga nurse na iyun na ingatan ang dalawang babae.
Ang mga nurse naman ay tumango lamang sa batang lalake, at medyo nagulat pa nga ang mga ito dahil bigla na lamang nawala ang batang lalake sa kanilang harapan. Samantala sa loob naman nang Bus ay bigla na lamang lumitaw si Shawn na ikinagulat muli nang mga nasa loob nang sasakyan, napangiti na lamang si Shawn at sinabi sa Driver nang Bus na pwede na silang umalis sa lugar na iyun...
BINABASA MO ANG
Legends of God's Children [School of Magic]
AdventureLegends of Gods Children: Volume 1 - School of Magic Genre: Action, Fantasy, Adventure In the year 2100, humanity is on the brink of extinction. The world has been overrun by demonic forces, remnants of biblical lore now wreaking havoc on Earth. As...