Chapter XLVII

93 25 0
                                    

Chapter XLVII: Lucy Vs Shawn ( Part 2 )

---

MAKIKITA sa mukha ni Caleb ang pagkabigla ng kaniyang makita ang mga tao na nasa likuran ng kaniyang guro na si Yoki, hindi siya pwedeng magkamali. Ang mga ito ay ang dalawa sa mga malalakas na tao sa kasayyahan ang dalawa sa limang tao na nagawang makatapak sa pinaka-mataas na ranggo.

Samantala sila Ariana at Rev ay nagtaka dahil sa dami ng tao na nasa Training Ground, sa kanilang pag-oobserba ay halos ang buong Special Class ay naroroon. samantala si Yoki naman ay nakatingin ngayon sa gulat na gulat na si Caleb. At ng makalapit nga siya rito ay kaagad niya itong tinanong.

"Anong Nangyari dito!, Caleb?" tanong ni Yoki kay Caleb na ngayon nga ay nakatingin na sa kaniya. at kaagad naman na itinuro ni Caleb gamit ang kaniyang daliri ang direksyon kung saan naroroon sila Shawn At Lucy.

"Guro!, Nagsasanay lamang po ang dalawang iyan" sabi ni Caleb at mapapansin sa pamamaraan ng kaniyang pagsasalita ang sobrang pagkabalisa dahil sa presensya ng dalawang tao na nasa likod ng kaniyang guro.

Samantala ang dalawang tao nga na kapwa may suot na kapa ay napatingin sa kinaroroonan nila Lucy at Shawn at mababakas sa mukha ni Ariana ang pagka-mangha sa malakas na enerhiya na nagmumula sa dalawang bata.

Si Rev naman ay napatingin sa aura na inilalabas ng dalawang bata, at nang mapagtanto niya kung anong klase ng aura ito ay mapapansin ang bigla niyang pag-ngiti. Hindi niya inaasahan na maagang matututunan ng mga bata na ito ang pamamaraan ng Aura Skin.

Napatingin na rin si Rev sa mga bata na naglalabas ng kani-kanilang aura, hindi niya inaasahan na pati ang mga ito ay may kakayahan ng magamit ang aura skin. Napatingin nga siya sa estudyante ni Yoki na nagngangalang Caleb.

"Mukhang mabilis matuto ang mga bata ito!, Ano?" tanong ni Rev kay Caleb at si Caleb nga ay nakaramdam ng kaba dahil sa biglang pagtatanong ni Rev Blaziwart.

Kahit na puno ng kaba ay nagsalita si Caleb at sinabi ang napakabilis na paglakas ng taglay na kapangyarihan ng mga bata. nang marinig na iyun ni Rev ay napahanga siya dahil sa sinabi ng estudyante ni Yoki.

Mabilis matuto ang mga bata kaya naman mabilis na lumalakas ang taglay na kapangyarihan ng mga ito. sa madaling salita ang mga batang ito ay hindi mga pangkaraniwan. Dahil hindi magagawa ng lahat ang mga nagawa ng mga batang ito lalong lalo na ang dalawang bata na sa kasalukuyan ay magkaharap at mukhang magsisimula ng umatake sa isat-isa.

Samantala si Shawn ay pinakikiramdaman ang kasalukuyang lakas na mayroon si Lucy, at hindi siya makapaniwala sa lakas na tinataglay nito ngayon. Hindi na normal na laban ang magaganap sa kanilang dalawa ngayon.

At base sa paraan nito ng pakikipag-laban ay natitiyak niyang aatake ito ng malapitan, at kapag dumistansya siya rito ay mas lalo lamang siyang mahihirapan dahil sa bilis na taglay nito. Samantala si Lucy naman ay pinagmamasdan ang kasalukuyang ekspresyon ni Shawn.

Hindi niya maiwasan na mapangiti dahil nagagawa niyang mabakas sa mukha ni Shawn ang pagkabahala, at base sa paraan ng pagtingin din nito sa kaniya ay binabasa nito ang kaniyang taglay na kapangyarihan. Kaya naman ikinuyom ni Lucy ang kaniyang kamao na nababalutan ng kaniyang elemento. at nagsimula na siyang kumiilos.

Si Shawn nga ay nagulat sa bilis na ipinakita ni Lucy kaagad nga niyang naramdaman ang presensya nito sa kaniyang likuran at sa pagkakataon nga na ito ay hindi niya pinag-tuunan ang presensya na kaniyang naramdaman. Ang kaniyang elemento na bumabalot sa kaniyang kamao ay mas lalo pang lumakas at walang pag-aalinlangan na umatake sa kaniyang harapan.

"BANG!" isang malakas na pagtama ng dalawang kamao ang maririnig sa loob ng training ground ang lahat ng nakasaksi ay nagulat dahil sa pagkakataon na ito ay nagawang malaman ni Shawn kung nasaan ang kaniyang kalaban.

Legends of God's Children [School of Magic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon