Chapter LXXXIII

69 21 1
                                    

Chapter LXXXIII:The Other Abilities

---

SA kasalukuyan ay magkaharap na sila Shawn at Hades, si Hades ay hindi pa rin makapaniwala na kasalukuyan ay nasa kaniyang harapan ang kaniyang nag-iisang tagapagmana. At mukhang sine-swerte siya dahil hindi nagpapakita sa kaniya ang batang ito ng pagiging isang ignorante, mukha lamang itong isang simpleng bata na nakatayo mismo sa kaniyang harapan habang ito ay makikitaan ng seryosong ekspresyon sa mukha nito.

Dahil sa seyosong ekspresyon sa mukha ng batang ito ay napa-isip si Hades kung ano ang pakay ng batang ito, ang kaniya lamang alam ay ang pagnanais na makausap siya nito ng harapan subalit sa pagkakataon na ito ay hindi niya alam kung ano ang iniisip nito.

Sapagkat sa pagkakataon na ito ay nasa kaniya na itong harapan, nakatayo at seryoso siyang pinagmamasdan, samantala napansin naman ni Hades ang biglang pag-alulung ng nilalang na nasa kaniyang likuran. Kaya naman napatingin siya rito at nagtaka siya dahil kasalukuyan na nakikita niya na seryoso ito habang nakatingin sa kaniyang tagapagmana na si Shawn.

Mukhang ang dalawa ay mayroon ng koneksyon sa isat-isa, at mukhang isa din iyun sa epekto ng kaniyang pagbubukas ng barrier kanina. Dahil nagkaroon na kaagad ng access ang batang si Shawn na komonekta sa damdamin ng nilalang na ito, ang komonekta sa damdamin ng isang Cerberus ay hindi madaling gawin dahil ang ganitong koneksyon ay makakamit lamang ng dalawang nilalang na may malalim na ugnayan sa isat-isa.

Lumipas ang ilang minuto ay saw akas ay nagsalita ng muli si Shawn, at kaagad na binanggit ang kaniyang pakay sa lugar na ito. At iyun ay ang pasalamatan siya mismo ng personal, hindi naman makapaniwala si Hades dahil sa tinuran ng bata na nasa kaniyang harapan.

Ang gawin ang lahat ng iyun para lamang siya ay pasalamatan ay isang malaking kahangalan, dahil sa kasalukuyan ay humaharap ito sa isang matinding laban. At ang kasalukuyang kalaban nito ay hindi basta-basta lamang, dahil ang batang ito ay ang tagapagmana ng nag-iisang God Of Destruction na si Perses.

Samantala si Shawn naman ay napansin ang reaksyon ni Hades sa kaniyang sinabi, mukhang hindi makapaniwala ang isang ito sa kaniyang narinig. Alam niya na hindi ito maniniwala sa kaniyang sinabi dahil natitiyak niya na iniisip nito kanina pa na mayroon siyang kailangan dito.

At iyun naman talaga ang kaniyang pakay dito, at iyun ay ang malaman ang bawat abilidad na mayroon ang kaniyang taglay na kapangyarihan. Nais niyang malaman kung bakit dalawang uri ng enerhiya ang kaniyang nagagamit sa kasalukuyan, nais niyang mabigyan ng kasagutan ang kaniyang mga katanungan.
At hindi niya maiiwasan na magtanong dito sapagkat ang nilalang na ito ang totoong nagmamay-ari ng taglay niyang kapangyarihan, at natitiyak niya na mapapansin kaagad iyun ng nilalang na ito at magsisimula itong magpaliwanag ng maraming mga bagay patungkol sa taglay nitong kapangyarihan.

At sa kaniyang palagay ay kasamang ipapaliwanag nito ang tungkol sa nilalang na nakita niya sa likuran nito kanina, ang nilalang na mayroong tatlong ulo na kasalukuyang nakatingin sa kaniya ng seryoso at sa kaniyang palagay ay kilala na siya nito.

Base sa kaniyang napansin sa nilalang na ito ay halos kasing laki ng nilalang na ito ang dalawang higanteng nilalang na inilabas ni Rev noon, ang dalawang higanteng halimaw na Dragon at Ibon na kapwa mayroong taglay na elemento ng apoy.

Hindi niya alam kung ano ang tawag sa mga nilalang na iyun pero humahanga siya sa lakas ng kapangyarihan na taglay ng ito, at kung ang nilalang na ito ay katulad ng dalawang nilalang na iyun ay matutuwa siya na malaman ang tungkol sa nilalang na iyun.

Samantala ang nagaganap na laban sa pagitan nila Shawn at Dylan ay patuloy na nagaganap, si Dylan ay kasalukuyan ng nakakaramdam ng pagka-inis dahil sa kakaibang kakayahan na mayroon ang kaniyang kalaban. Sapagkat nagagawang burahin at higupin ng kaniyang kalaban ang kaniyang mga binibitawang atake.

Legends of God's Children [School of Magic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon