Chapter LXXXV

70 19 0
                                    

Chapter LXXXV: New Ability

---

ANG Labanan ng mga kalahok ay mas lalong tumi-tindi habang tumatagal, ang labanan nga sa pagitan ng dalawang seksyon ay napukaw ang pansin ng ibang estudyante na wala sa Stadium. Dahil ang mga estudyante na ito ay may sari-sariling inaasikaso na pwesto kung saan ang mga ito ay nakatoka dito.

Ang mga estudyante nga na miyembro ng Special Class na kapwa na abalang abala sa kani-kanilang Gawain, kahit na nais nilang magtungo roon upang suportahan ang kanilang seksyon ay hindi sila pinayagan ng kanilang guro. Dahil umano sa kani-kanilang mga obligasyon na kailangan nilang gawin, kaya naman ang mga ito ay nagbigay na lamang ng suporta sa kanilang mga pambato sa laban na iyun.

Lalo na ang kanilang presidente na natitiyak nila ngayon na nalalagay na ito ngayon sa alanganin, dahil kaka-anunsyo lamang kanina na ang mga napabilang sa ikalawang round ng labanan ay ang anim na 1st year student mismo.

Hindi man sila makapaniwala noong una subalit kaagad na naisip ng bawat isa na ang anim na bata na iyun ay kapwa na nagtataglay ng mga itinatagong kakayahan, at natitiyak nilang lahat na ang anim na ito ang pinaka-gagawa ng aksyon sa labanan na iyun.

Kasalukuyan nga ay napapanood naman nila ang kasalukuyang nagaganap na laban sa pagitan ng kanilang mga pambato laban sa kalaban nitong seksyon, na kagaya nga ng kanilang inaasahan ay magiging kapana-panabik nga ang laban na nagaganap sa dalawang panig.

Samantala sa loob naman ng opisina ng mga nakatataas ay kasalukuyan ang mga ito ay natutuwa sa laban na kanilang napapanood sa kasalukuyan, ang pagmasdan na nakikipaglaban ang mga indibidwal na kapwa nagtataglay ng mga kakaibang abilidad sa pakikipaglaban.

Ang mga ito nga ay napapatingin na lamang sa makapal na usok na nagmumula sa loob ng battle Stadium, ang mga taong ito ay walang kakayahan na makita ang kasalukuyang nagaganap sa labanan ng dalawang panig.

Sa madaling salita ang mga ito ay mga ordinaryong tao lamang at walang taglay na kahit anong kapangyarihan, ang mga taong ito ay naroroon lamang upang masaksihan ang magandang laban sa pagitan ng mga tinaguriang pinaka-malalakas na estudyante sa buong akademya.

Ang mga kasama naman ng mga ito sa loob ng opisina ay napapangiti na lamang dahil hindi sanay ang mga ito na naroroon ang mga matatandang ito, dahil masyadong pala-utos ang mga ito sa kanila. Subalit hindi sila pwede na sumuway sa mga ito dahil ang mga matatandang ito ay ang mga nagpondo sa kanilang paaralan, at kung wala ang tulong ng kayamanan ng mga ito ay marahil ay hindi pa natayo ang paaralan na ito para sa kanilang mga nagtataglay ng kapangyarihan.

Samantala sa loob naman ng battle stadium ay kasalukuyang makikita ang mabibilis na pagtama ng matatalim na hangin na pinakakawalan ni Akari patungo sa kinaroroonan ni Elton, sa kasalukuyan ay nagawang makawala nila Akari at Jay-ar sa ginawang Wind Barrier ni Elton kanina.

Sa pamamagitan ng pagsasakripisyo ni Akari kanina sa pamamagitan ng pagtitiis ng sakit, dahil sa kaniyang sapilitan na pagkawala sa matatalim na harang na gawa sa hangin na iyun. Sa kasalukuyan nga ay nababalot ng kaniyang sariling dugo ang kaniyang katawan, subalit sa kabila ng sakit na kaniyang nararamdaman sa kaniyang buong katawan ay buo parin ang kaniyang loob para magpatuloy sa laban.

Samantala si Jay-ar naman ay hindi makapaniwala sa ginawa na iyun ni Akari kanina, walang takot kumawala sa malakas na Wind Barrier na inilabas ng kanilang kalaban kanina. Sa pamamagitan ni Akari ay nagawa nilang makawala subalit ang kapalit naman ng pagkakalaya na iyun ay ang kasalukuyang kalagayan ni Akari.

Duguan na ang mga braso at binti nito at napapansin niya na mayroong maliliit na galos ito sa iba pang parte ng katawan nito, na kaniya naman na ipinag-aalala sa magiging kalagayan nito. Bigla tuloy naalala ni Jay-ar ang sandaling iyun noong silang dalawa lamang ni Akari ang hindi nakagawang makakilos, habang nasa kanilang harapan ang mga diyablo.

Hindi man lamang sila nakakilos dahil sa kani-kanilang naramdaman na kaba at takot, ang mga sandaling iyun ang isang mga pangyayari na hinding hindi makakalimutan ni Jay-ar. At sa kaniyang palagay ay maging si Akari ay ganun din ang iniisip sa ngayon, at alam ni Jay-ar na mayroong ipapakita si Akari na ika-kagulat ng lahat ng mga naroroon.

Samantala si Elton naman ay kasalukuyan na ini-iwasan ang mga pinakakawalan na atake ni Akari, hindi parin makapaniwala si Elton sa ginawa kanina ni Akari. Walang takot nitong nilabanan ang kaniyang ginawang barrier at kahit na nasasaktan na ito ay patuloy padin itong kumakawala kani-kanina.

Kaya naman wala na siyang nagawa kundi ang ikansela ang kaniyang mahika kanina, dahil kung hindi niya ginawa ang bagay na iyun ay marahil ay putol na ang mga braso at binti nito.

Dahil ang labanan sa pagitan nilang tatlo ay hindi dapat umabot sa punto na mayroong isa sa kanilang tatlo ang mawalan ng mga kamay at paa, dahil ang bawat isang God’s Children na kagaya nila ay ang pinaka-nangungunang armas ay ang kani-kanilang mga kamay at paa.

Samantala si Ariana naman ay makikitang namamanha sa tapang na ipinakita kanina ni Akari, sa kaniyang palagay ay isang malaking kahangalan ang ginawa ng batang ito. Subalit noong sandaling makawala na ito ay nakita ni Ariana ang seryoso tingin mula sa mga mata nito, puno ito ng kumpyansa sa sarili  at ang mga tingin na iyun ay parang nagsasabi na.

“Hindi pa natatapos dito ang lahat!”

Ang laban naman sa pagitan nila Shawn at Dylan ay kasalukuyan ng lumalala sa pagkakataon na ito, dahil sa kasalukuyan ay napapalibutan si Shawn ng napakataas na alon ng asido na pinakawalan kanina ni Dylan. Sa kasalukuyan nga ay makikita na sa mga mata ni Shawn ang pagkakaroon ng buhay, senyales na siya nakabalik na sa kaniyang wisyo sa pagkakataon na ito.

Hindi nga makapaniwala si Shawn na sa maikling panahon lamang ang mag-iiba muli ng estilo ng pakikipaglaban ang kaniyang kalaban, dahil sa kasalukuyan ay pinag-sasabay na ng kaniyang kalaban ang malapitan at malayuang mga pag-atake.

At sakto na pagkabalik niya sa control ng kaniyang katawan ay ito ang kaniyang makikita, dahil nga sa nadapnan niyang ito ay kaniyang biglang naalala ang isa sa mga abilidad na nabanggit ni Hades kanina sa kaniya. At iyun ay ang Shape manipulation na magagawa ang kahit anong hugis ng taglay mong elemento ay magagawa mong magawa sa pamamagitan ng technique na ito, at ang ganitong uri ng technique ay hindi madaling gawin ng kahit na sino.

Maliban na lamang sa kaniya mismo dahil mayroon siyang nalaman na abilidad ng Black Mist patungkol sa mga technique na ito, dahil ang black mist ay hindi lamang kayang magpagaling, burahin at higupin ang enerhiya ng kahit sino.
.
Dahil kaya din nitong gayahin ang kahit na anong uri pa ng technique ito, sa madaling salita ay magagawang kopyahin ng Black Mist ang mga pamamaraan ng technique ng kalaban sa pamamagitan lamang ng paghigop sa enerhiya nito.

At ang ganitong uri ng abilidad ay isa lamang sa mga kahanga-hangang abilidad na mayroon ang black mist, at sa pagkakataon na ito ay marami pang ipapakitang bago si Shawn at isa na doon ang kaniyang gagawing pagtalo mismo sa tatlong pinaka-malakas na estudyante mismo sa buong akademya.

At iyun ay sila Alicia, Elton at Edrian na kasalukuyan ay mayroong mga kinahaharap na mga malalakas ding kalaban sa kasalukuyan, samantala si Dylan naman ay kasalukuyan na hinihingal habang siya ay nakayuko habang ito ay nakatingin ng seryoso sa sahig.

Hindi makapaniwala si Dylan na makakaramdam siya ng ganitong pagkapagod laban sa batang ito, ang ganitong pakiramdam ang isa sa mga pakiramdam na matagal na niyang gustong maranasan. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na mayroong makatapat sa kaniyang tinataglay na mahika, ang bata na nasa kaniyang harapan ang dahilan ng lahat ng ito at sa pagkakataon na ito ay nais niya na ilabas ang lahat ng kaya niya laban sa isang ito.

Samantala si Shawn ay mabilis na kumilos, sa pamamagitan ng mabilis na pagdaloy ng itim na usok sa buo niyang katawan. At sakto ng balutin ng itim na usok na ito ang kaniyang buong katawan ay kasalukuyan naman na bumalot sa kaniyang palibot ang likido ng asido ng kaniyang kalaban.

Samantala sa kasalukuyan ay makikita naman si Byakuya na hindi makapaniwala sa bilis ng mga pangyayari ng bawat kaganapan sa kaniyang paligid, magkakabila ang mga pagsabog sa loob ng battle stadium. Inasahan na niya na magiging maingay ang labanan na ito subalit hindi niya inasahan na magiging ganito katindi ang laban sa pagitan ng dalawang seksyon.

At sa kasalukuyan ay pinaka-tutok siya sa labanan sa pagitan nila Dylan at Shawn na sa kasalukuyan nga ay makikita si Shawn na balewalang nakawala sa ginawang pagbalot ni Dylan ng kaniyang likidong asido sa buong palibot ni Shawn, at nagawang makawala ni Shawn dito dahil sa kakaibang itim na enerhiya na hugis espada na hawak hawak ngayon ni Shawn sa kaniyang kaliwang kamay….

Legends of God's Children [School of Magic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon