Chapter LXXXIV: The Situation Of Other Battles
---
LUMIPAS ang ilang minuto ng pag-papaliwanag ni Hades sa bawat impormasyon na dapat malaman ni Shawn, ay saw akas ay huminto na si Hades sa pagpapaliwanag ng mga ito. Si Shawn nga ay namangha sa mga impormasyon na kaniyang nalaman, at hindi siya makapaniwala na ang kaniyang taglay na kapangyarihan ay marami pang itinatagong abilidad.
Samantala sa likuran naman ng dalawa ay makikita ang isang malaking nilalang na seryosong nakatingin lamang sa dalawa, at ang nilalang na ito ay walang iba kundi ang Cerberus ang nilalang na mayroong tatlong ulo. Sa kasalukuyan ay pinagmamasdan lamang nito ang dalawang indibidwal na malaki ang papel sa kaniyang buhay, ang una ay ang indibidwal na lumikha sa kaniya at nag-aruga sa kaniya sa loob ng maraming taon.
Ang kaniyang pag-iral sa mundong ito ay ipinag-papasalamat niya sa nilalang na ito, dahil nilikha siya nito bilang ang tagapagbantay ng pintuan ng Underworld. At ngayon nga ay nakikita niya sa kaniyang harapan ang dalawang indibidwal na may malaking gagampanan sa kaniyang buhay.
Samantala si Shawn naman ay nakikinig lamang sa iba pang sinasabi ni Hades, at sa kasalukuyan nga ay ang binabanggit na nito ay tungkol sa iba pang abilidad na mayroon ang Black Mist. At ang kasalukuyang na binabanggit ni Hades ay halos hindi na maunawaan ni Shawn, sapagkat masyadong komplikado ang mga impormasyon na binabanggit ngayon nito.
At ang mga abilidad na binabanggit nito ay tanging makakamit lamang niya kapag nagawa niyang matapos ang isang pagsubok, subalit ang pagsubok na iyun ay hindi pa nararapat sa katulad niyang isang wala pang karanasan sa totoong digmaan.
Nauunawaan naman ni Shawn ang ipinu-punto ni Hades sa paliwanag na iyun, at iyun ay hindi pa sapat ang kaniyang taglay na kakayahan para makamit ang ganuong uri ng kapangyarihan. Kailangan niya munang magkaroon ng maraming karanasan at kasanayan sa pakikipag-laban, sapagkat ang kaniyang kasalukuyang estado ay walang wala pa sa lakas na tinataglay ng mga kasalukuyang nangungunang estudyante sa loob ng akademya.
Samantala si Hades naman ay natutuwa habang pinag-mamasdan ang kaniyang tagapagmana, hindi niya inakala na ang isang ito ay makikinig sa kaniya ng seryoso. At kahit na medyo komplikado ang kaniyang mga sinasabi dito ay nananatili pa rin na tahimik ang isang ito at nakikinig sa kaniyang bawat sinasabi.
Samantala alam ni Hades na pinag-mamasdan sila ngayon ng kaniyang alaga na Cerberus, alam niya na sa mga oras na ito ay nakikita siya nito sa pagkatao ni Shawn. Mukhang ang nilalang na ito ay naghahangad ng makilala ng husto ang kaniyang susunod na panginoon.
Ang bawat kaganapan naman sa loob ng Battle Stadium ay mas lalo pang gumu-gulo habang tumatagal ang walang humpay na labanan sa pagitan ng dalawang seksyon, ang mga manonood nga ay hindi na malaman kung kaninong laban ba ang kanilang uunahin na mapanood dahil ang bawat laban na nagaganap ay talaga namang napaka-ganda ng bawat kaganapan.
Samantala ang mga manonood naman na nakapwesto kanina kung saan nalusaw ang bahagi ng stadium ay kasalukuyan na makikitang gulat na gulat dahil sa labanan na kanilang nasasaksihan, hindi inakala ng mga ito na makakakita sila ng ganitong harap harapang labanan sa pagitan ng dalawang hindi ordinaryong mandirigma.
Dahil ang dalawang naglalaban sa kanilang harapan ay maituturing na nila bilang isa sa pinaka-magandang laban na kanilang nasaksihan, samantala makikita naman sila Ariana, Rev at Yoki sa kanilang kina-uupuan habang ang kanilang mga mukha ay hindi na maipinta dahil sa kanilang nakikita ngayon sa kanilang harapan.
Hindi nila inasahan na magiging ganito katindi ang laban na nagaganap sa pagitan ng dalawang seksyon, ang bawat sulok ng Battle Stadium ay mayroong maririnig na pagsabog. At dahil sa mga pagsabog na ito ay unti-unti nang nawawala ang makapal na usok na ikinalat ni Caleb bago magsimulan ang laban.
Unti-unti ngang bumubungad sa mga manonood ang laki ng pinsala na idinulot ng labanan na nagaganap sa loob ng Stadium, ang ganito katinding pinsala ay hindi inaasahan ng mga naroroon na magiging ganito katindi. Sapagkat ang ganitong pinsala ay natatamo lamang kapag ang bawat indibidwal ay kasalukuyang kumakalaban sa isang batalyon ng mga diyablo.
Samantala sa pwesto naman kung saan naroroon sila Caleb at Alicia ay kasalukuyang makikita si Caleb habang medyo sumu-suray suray na ito dahil sa sunod-sunod na pagtama ng mga pisikal na atake ni Alicia, makikita sa buong katawan ni Caleb ang mga pasa na kaniyang natamo mula sa mga pag-atake ng kaniyang kalaban.
Hindi makapaniwala si Caleb na walang epekto sa kaniyang kalaban ang kaniyang taglay na mahika, ang taglay na kapangyarihan ng nakababatang kapatid ni Rev Blaziwart ay sadyang napakalakas. Hindi maikukumpara si Alicia sa kanilang mga normal na God’s Children lamang, dahil ang katulad ni Alicia ay nabibilang sa mga espesyal na indibidwal katulad ng kaniyang nakatatandang kapatid.
Samantala si Alicia naman ay kasalukuyang makikitang naka-amba lamang habang hinahantay ang susunod na gagawin ng kaniyang kalaban, hindi inaasahan ni Alicia na ganito kahina ang presidente ng kasalukuyang Special Class.
Tanging ang taglay lamang na talino nito ang kaniyang nakikita na espesyal dito, para sa kaniya ay maganda na may angkin itong talino sa bawat laban subalit mas kailangan nito na mayroong kasamang lumaban sapagkat ang katulad ni Caleb ay hindi mananalo sa laban kung siya lamang mag-isa.
Samantala ang laban naman sa pagitan nila Edrian, Lucy at Grey ay kasalukuyang na nag-iinit sa pagkakataon na ito. Si Edrian ay patuloy lamang sa kaniyang pag-iwas sa mga atake na binibitawan ang kaniyang mga kalaban, minsan nga ay muntikan siyang tamaan ng mga malayuang atake ni Grey. Habang ang mga malapitan naman na pag-atake ni Lucy ay kaniyang nasasalag gamit ang kaniyang taglay na elemento.
Kapag malapit na sa kaniya si Lucy ay kaagad siyang nagpapalabas ng mga makakapal na barikada ng yelo na nagagawang masalag ang bawat mga pag-atake ni Lucy, subalit sa kabila ng kaniyang pagsalag sa mga atake na iyun ni Lucy ay nagagawa parin nitong masira ang bawat barikada na kaniyang inihaharang dito.
Subalit kahit na nagagawang masira ni Lucy ang mga barikadang iyun ay nagkakaroon naman ng oras si Edrian na makalayo dito, dahil ang maiksing panahon na pagbagal ng pagkilos ni Lucy ay isang malaking oportunidad sa kaniya para mabilis na maka-iwas sa susunod na atake na gagawin nito,
Ang isa lamang niyang problema ay ang mga malayuang atake na pinakakawalan ni Grey, hindi inasahan ni Edrian na ito ang maiisip na paraan ng batang ito. Ang malayuang atake ang isa sa pinaka-magandang gawin laban sa katulad niyang gumagamit ng malakas na kapangyarihan na parehong gumagamit ng pandipensa at pang-atake.Samantala si Grey naman ay kasalukuyang tutok na tutok sa bawat pagkilos ng kanilang kalaban na si Edrian, hindi makapaniwala si Grey na nagagawa niyang makipaglaban ngayon kay Edrian. Ang akala niya kanina ay hindi niya magagawa ang bagay na ito subalit sa ngayon ay nagagawa na niyang makipaglaban dito, sa kasalukuyan ay nagkakausap silang dalawa ni Lucy sa kanilang isipan.
Sa kasalukuyan nga ay nagkaka-sundo silang dalawa ni Lucy sa iisang layunin, at ito ay ang layunin na pabagsakin ngayon din mismo si Edrian. Samantala kasalukuyan naman na nagkakaroon ng hindi magandang sitwasyon ngayon sila Akari at Jay-ar, dahil sa kasalukuyan ay napapalibutan silang dalawa ng malakas na bugso ng hangin na nagmumula sa mahika ng kanilang kalaban na si Elton.
Si Akari ay hindi makagawa ng aksyon laban sa kaniyang kaniyang minsan nang naging guro, sa maiksing panahon ng kanilang pinagsamahan ni Elton ay mayroon siyang nalaman na isang mahalagang aral mula rito. Dahil si Elton ang nagtataglay ng kasalukuyang pinaka-malakas na uri ng elemento ng hangin at kung ang sino man na magtangka na lumapit o humawak sa hangin na pinakakawalan ni Elton ay natitiyak na mahihiwa at mawawasak…..
BINABASA MO ANG
Legends of God's Children [School of Magic]
AdventureLegends of Gods Children: Volume 1 - School of Magic Genre: Action, Fantasy, Adventure In the year 2100, humanity is on the brink of extinction. The world has been overrun by demonic forces, remnants of biblical lore now wreaking havoc on Earth. As...