Chapter XXVII: Awakening
---
ANG mga estudyante at mga guro nga na naroroon ay napanganga dahil sa kanilang nasasaksihan, dahil sa kanilang harapan ay mayroong isang bata ang bigla na lamang umabot sa sukdulan ng B rank ang taglay nitong kapangyarihan.
Si Edrian nga ay hindi makapaniwala sa kaniyang nasaksihan, ang kaniyang estudyante ay nagawang makatapak sa B rank sa maikling panahon lamang, at higit sa lahat ay naganap iyun sa gitna ng pakikipag-laban nito sa isa ring God's Children sa loob ng akademya.
Habang ang lahat ay hindi pa rin nahimas-masan ay makikita naman sa itaas ang pigura ni Rev habang nakatingin siya sa kinatatayuan ni Shawn. Hindi niya akalain na lalakas ng ganito kabilis ang batang ito. Ang isang sampung taon na bata ay nagawang lampasan ang kakayahan ng mga Senior nito na nagpalakas ng kanilang kakayahan sa loob ng ilang taon sa Akademya.
At siya naman ay sa isang kakaibang kaganapan lamang ay nagawa ng lumakas ng ganito kaiksing panahon. Samantala sa gitna naman ng istadyum ay makikita ang hindi makapaniwalang si Scarlet. Ang kaniyang ekspresyon ay punong puno ng pag-tataka. Hindi na niya alam ang kaniyang tingin sa kaniyang kalaban.
Ang aura at taglay na enerhiya nito ay malinaw sa kaniya, ang kasalukuyang niyang kaharap ay isa nang B ranker, at sa kaniyang nararamdaman ay mas lalo pa itong tumataas. Dahil sa nagaganap ay nakakaramdam na rin siya ng kilabot dahil sa marahas na enerhiya na inilalabas ng kaniyang kalaban.
Natitiyak niya na sa kasalukuyan na sitwasyon ay mahihirapan na siya, natutuwa siya kanina ng tamaan niya ito ng kaniyang kidlat, subalit isa lamang pala iyun panandaliang kasiyahan. Dahil sa ngayon nga ay nakikita niya na nakatayo sa kaniyang harapan ang wala man lamang kagalos galos na katawan nito.
Sa pwesto naman kung saan naroroon sila Grey, ay makikita sa mukha ng mga ito ang pagkabigla pero kaagad naman silang nakabawi dahil sa pag-sigaw ni jay-ar.
"Shawn!" malakas na sigaw ni Jay-ar na kumuha ng atensyon ng marami, at ganun na din si Shawn na ngayon nga ay makikitaan ng isang ngiti. Lumingon siya kay Jay-ar, at sinagot niya naman ito.
"Aries!" sigaw niya rin ng pangalan ni Jay-ar at habang mababakas sa labi nito ang isang ngiti.
"Bumaba ka rito!, ikaw ang mas dapat lumaban sa kaniya!" sabi pa ni Shawn na ipinagtaka naman ng mga manonood. Samantala si Jay-ar naman ay nakaramdam ng kaunting kayabangan sa sinabi na iyun ni Shawn pero kaagad naman niya na naunawaan ang ipina-pahiwatig nito.
Nais ni Shawn na siya na ang tumapos ng naumpisan nitong laban. Ang mga kaibigan naman ni Scarlet ay kaagad naman na pinalibutan si Jay-ar. Si Jay-ar naman ay napangisi dahil sa sitwasyon nya sa ngayon. Hindi niya akalain na ang dating niloloko loko niya ay magagawa siyang ilagay sa ganitong sitwasyon.
Samantala si Scarlet naman ay nakaramdam muli ng galit kay Shawn, dahil sa ipina-pahiwatig na nito na wala na itong balak na labanan siya. Subalit ang mas nakaramdam siya ng galit ng tawagin nito ang isa nitong kasamahan na mas mahina ang taglay na aura kaysa sa kaniya.
Yun ang mas hindi niya matatanggap. Tumayo si Scarlet sa kaniyang kinatatayuan at pinagpag ang kaniyang katawan sa pamamagitan ng pagtalon-talon at pag-wagwag sa kaniyang mga braso, at natapos ang ginagawa niyang iyun ng palagutukin niya ang kaniyang mga kamao.
"Kung sa tingin mo matatakot ako sayo!, Pwes!, nagkakamali ka" matapang na salita na nagmula kay Scarlet na ikina-tingin naman ni Shawn sa kaniya, ngumisi siya rito at pinalabas muli ang kaniyang itim na aura.
Ang mga manonood naman ay naramdaman ang kaunting pagbabago sa aura ni Scarlet, ang aura nito ay mapapansin na unti-unting tumataas. Mukhang binabalak nito na lampasan ang kasalukuyan nitong kakayahan.
BINABASA MO ANG
Legends of God's Children [School of Magic]
AdventureLegends of Gods Children: Volume 1 - School of Magic Genre: Action, Fantasy, Adventure In the year 2100, humanity is on the brink of extinction. The world has been overrun by demonic forces, remnants of biblical lore now wreaking havoc on Earth. As...