Chapter LXXII

82 23 1
                                    

Chapter LXXII: Start Of 2nd Match

---

ANG buong stadium ay napuno ng ingay ng mga estudyante na nanonood, ang mga estudyante na ito ay mga nagmula sa ibat-ibang seksyon at marami sa mga ito ay mga nagmula sa unang baiting hanggang sa ikaapat na baiting ng mga estudyante ng akademya.

Halos ang lahat ng mga estudyante ng akademya ay naririto ngayon upang manood ng nagaganap na laban, ang mga manonood nga ay nagkaroon ng usapin tungkol sa mga laban na naganap kanina sa unang bahagi ng laban sa pagitan ng Elite Class at ng Special Class.

At ang mga nilalaman nga ng mga usap-usapan na ito ay ang kani-kanilang reaksyon sa mga ipinakitang kakayahan ng bawat kalahok sa laban na ito, at ang lahat ng mga estudyante ay naalarma dahil sa mga kakayahan ng limang estudyante na nagmula sa Special Class.

Sa kanilang kaalaman ay ang mga ito ay mga kapwa 1st year student pa lamang subalit sa kanilang nakiang kakayahan ng mga ito ay mas malakas na ang mga ito kaysa sa kanila na mga nanonood, dahil sa nasaksihan nilang kakayahan ng mga ito. Lalong lalo na ang bata batang babae na nagtataglay ng Pula at Itim na Kidlat.

Sa pinakita nitong kakayahan kanina ay hindi sila magtataka kung sa susunod na laban ay magpapagitang gilas itong muli, samantala sa kabila naman ng pinakitang kakayahan ng babaeng iyun ay nadismaya naman ang marami dahil sa pinakita ng batang nagtataglay ng Blue Flame, halos ilampaso na ito ng kalaban nito kanina at kung hindi pa tumulong ang isa nitong kasama ay tiyak na natalo na ito kanina.

Malaki pa naman ang inaasahan nila sa batang iyun dahil nagtataglay ito ng malakas na uri ng apoy, na mayroong malakas na kakayahan na hindi alam ng karamihan at ang tanging nagtataglay lamang ng apoy na ito ay walang iba kundi ang batang iyun.

Subalit ngayon ay kailangan nilang maghintay sa susunod nitong ipapakita sa susunod na labanan, dahil noong bago matapos ang laban nito kanina ay nakita nila saglit ang asul na apoy nito na matagumpay nitong nagamit kanina. Kaya naman tiyak na malaki ang tyansa na ipamalas ng batang ito ang totoong kapangyarihan ng Blue Flame.

Samantala sa loob naman ng mga silid kung saan ay naroroon ang dalawang seksyon ay kasalukuyan na naghahanda ang mga ito sa kanilang mga gagawin na pag-atake, ang grupo nila Shawn ay kasalukuyan na nag-uusap usap para paghandaan ang laban nila sa grupo ng mga kalaban.

Si Caleb ay ipinapaliwanag kung sino ang pinaka-dapat iwasan sa mga ito at iyun ay ang tatlong hadlang sa kanilang lahat at iyun ay sila Alicia, Edrian at Elton, samantala sila Shawn, Grey, Akari, Jay-ar at Lucy sa mga sinabi ni Caleb. Dahil ang mga tao pala na kilala nila ay ganun pala kalalakas.

Lalong lalo na sila Shawn at Grey dahil ang kanilang guro na si Edrian ay isa pala sa mga pinaka-kinatatakutan na indibidwal sa loob ng akademya, samantala si Markus naman ay makikitang seryoso habang pinakikinggan ang mga pinapaliwanag ni Caleb.
Sa kanilang lahat ay siya pa lamang ang kadarating sa loob ng silid at pinakikinggang maigi ang mga nalalaman na impormasyon ni Caleb sa mga kalaban, lalong lalo na ang tungkol sa impormasyon ng lalake na tumalo sa kaibigan niyang si Jarvis.

Ang lalake na nag-ngangalang Jerren gusto niyang siya mismo ang lumaban dito, upang maipag-higante ang kaniyang kaibigan na si Jarvis. Sa kasalukuyan ay ginagamot na ito ng mga doktor na sumalubong sa kaniya sa labas ng istadyum.

At sa kaniyang palagay ay magiging ayos lamang ito dahil malaki ang kaniyang tiwala sa mga manggagamot na ito, dahil ang mga ito ang mga pinakamamagaling na manggagamot sa loob ng akademya.

Samantala sa silid naman kung saan naroroon ang mga miyembro ng Elite Class ay kasalukuyan magkakahiwalay at kapwa mga nananahimik lamang, at mukhang walang balak na magplano para sa susunod na laban.

Legends of God's Children [School of Magic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon