Chapter CXXXI

54 11 0
                                    

Chapter CXXXI: Set A Trap

---

SA himpapawid ay makikita sila Shawn at Lucy na mabilis na lumilipad, habang lumilipad nga ang dalawa ay nararamdaman nila sa kanilang paligid ang enerhiya na kanilang sinusundan. Dahil tilba ba pina-paalam nang mga ito kung nasaan ba ang kaniyang lokasyon.

Hindi nila alam kung ang mga ito ba ay alam na ang kanilang pagdating, kaya naman nagbabalak ang mga ito na sila ay harapin. Sa palagay nila Shawn ay mga mababang uri lamang nang mga diyablo ang mga ito, sapagkat hindi gagawa nang ganitong kahangalan ang mga ito.

Maliban na lamang kung ang mga diyablong iyun, ay mayroong isang namumuno sa mga ito. Kung tama man ang kanilang naiisip ay malaki ang tiyansa na ang pagpaparamdam nang mga diyablo na iyun, ay magiging mas delikado pa ang misyon na ito.

Hindi naman sila pwede na magtawag kaagad sa kanilang mga opisyal dahil hindi pa naman nila napapatunayan ang kanilang hinala, samantala sa isang abandonadong bahay ay makikita ang isang lalake na kasalukuyan na nakaupo sa isang lumang upuan.

Ang lalakeng ito ay mayroong wangis nang isang tao, subalit makikita sa mata nito ang mapupula nitong mga mata. Na nagsisilbing palatandaan na hindi siya isang tao, ang lalakeng ito ay kilala bilang isa sa mga malalakas na Demon General.

Hindi naman makapaniwala ang tatlong diyablo na kasalukuyan na nakaupo sa kanilang harapan, ang isang Demon General. Hindi nila akalain na ang isang ito pa ang mismong makakakita sa kanila, ang nilalang na kaya silang paslangin kung gugustuhin nito.

Ang Demon General na mas kilala sa pangalang Baal, ang nilalang na mas gusto ang mag obserba sa kahit na anong bagay. Si Baal ang isa sa mga pinakamalakas, at pinaka-pinagkakatiwalaan ni Lucifer. At ito pa lamang ang mismong nakakita sa totoong itsura nang kanilang panginoon, dahil si Baal lamang mismo ang pinaka-pinagkakatiwalaan nito.

Samantala sila Lucy at Shawn ay kasalukuyan na lumilipad na sa bahagi kung saan ay wala nang gaanong kabahayan, sa kabila naman nang paglagpas nila sa mga kabahayan ay mas lumakas ang presensya na kanilang nasasagap.

Sa kanilang palagay ay malapit na silang makarating kung saan naroroon ang mga diyablong iyun, sila Lucy at Shawn nga ay inihanda ang kanilang sarili sa kung ano man ang maaring mangyari. Dahil kapag hindi sila naging alerto ay tiyak na mapapahamak sila, dahil hindi nila alam kung gaano ba talaga kalakas ang kanilang mga makakalaban.

Sa Kasalukuyan si Baal ay makikitang nakangisi lamang habang siya ay nakatingin sa isang bolang Kristal na nasa kaniyang harapan, kasalukuyan niyang nakikita ang unti-unting paglapit nang dalawang kaniyang puntirya.

At iyun ay ang anak nang kaniyang panginoon na si Lucifer, at ang batang tagapagmana nang kapangyarihan ni Hades. Samantala si Shawn naman ay nakaramdam nang kakaibang presensya sa paligid, dahil doon ay huminto siya sa paglipad at ganuon din ang kaniyang kasama.

Tumingin sa kaniya nang seryoso si Lucy dahil maging ito ay naramdaman din ang kakaibang presensya na iyun, si Shawn nga ay napatingin din kay Lucy at kaagad na lamang siyang tumango dito. Samantala sa loob naman nang katawan ni Shawn ay makikita si Hades na naaalarma dahil sa presensya na kaniyang nararamdaman sa paligid ni Shawn, alam niya na sa kasalukuyang antas nang lakas nang kaniyang tagapagmana ay hindi padin sapat ang kakayanan nito.

Para kalabanin ang nilalang na iyun, habang napapaisip si Hades kung bakit nararamdam niya ang presensya nang nilalang na iyun. Ay kaniyang naalala ang ginawa nang nilalang na iyun, bumalik sa kaniyang ala-ala ang pangyayaring iyun.

Nagawa nitong saluhin ang kaniyang pinakawalang atake, sa pamamagitan nang paghigop nito sa kaniyang atake. At dahil sa ginawang paghigop nito sa kaniyang Blue Flame, ay nagawa nitong magamit ang Blue Flame.

Legends of God's Children [School of Magic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon