Chapter XXXII: The Beast
---
ANG buong paligid ay napuno ng nakakarinding ingay na nagmumula sa sabay sabay na pag-sigaw ng mga diyablo na kasalukuyang kinakalaban ng grupo ng mga God's Children na binigyan ng misyon na bawiin ang siyudad at iligtas ang mga mamamayan nito sa kamay ng mga diyablo.
Samantala si Shawn naman ay hindi makapaniwala sa nangyayari sa kaniyang harapan. ang diyablo na kanina lamang ay hindi siya magawang sabayan ay ngayon ay halos siya na ang napipilitan na umiwas sa mga pag-atake nito.
At sa ngayon nga ay nahihirapan na siya na alamin kung ano ang mga susunod nitong pag-atake. Tila ba ito ay nagkaroon nan g kamalayan subalit hindi ito nagsasalita. Ang tangi lang nitong ginagawa ay umatake sa kaniya ng mga sunod sunod na pag-atake at ang bigat na dulot ng matigis nitong katawan ay balewala na ngayon dahil may kakayahan na ang mga ito na makalipad.
Si Shawn nga ay napilitan nang ilabas ang Black Mist sa kaniyang katawan. Ang diyablo nga ay napahinto ng mapansin ang kakaibang itim na usok na bigla na lamang lumabas sa katawan ng bata na kaniyang kalaban.
Makikita sa mukha ng diyablo ang pagka-gulat subalit kaagad itong ngumisi habang inaalala ang mukha ng nilalang na kaniyang kina-iinisan. Ang Diyablo na gumagamit ng Asul na Apoy. Ang kanilang Heneral na ginawa silang parang manika dahil sa kasumpa-sumpang marka ng pang-aalipin.
Itinuon nga ng diyablo ang kaniyang atensyon sa batang nagtataglay ng asul na apoy, nakikita niya ngayon na nababalutan ito ng Itim at Asul na Aura. Pinakikiramdam niya kanina pa ang aura nito at hindi siya makapaniwala na ang bata na nasa harapan nya ay ang pinaka-batang Class B rank na kaniyang nakalaban.
Ang diyablo nga ay muling umatungal at ang kaniyang katawan ay naglabas ng kakaibang enerhiya. Ang kaniya ngang katawan ay nabalutan ng Itim at kayumangging Aura. Mararamdaman naman sa paligid ang pare-parehong paglalabas ng mabigat na aura ng mga diyablo.
Sa kasalukuyan ay ang Siyam-napung bilang ng mga diyablo na naroroon ay sabay-sabay na naglabas ng kanilang angkin na Aura. Ang mga God's Children nga na nasa himpapawid ay halos liparin ng malakas na hangin dahil sa biglang pagkalat ng marahas na enerhiya sa paligid.
Si Edrian nga ay makikitang binabalutan ng kaniyang aura ang kaniyang buong katawan. Pilit niyang nilalabanan ang lakas ng pwersa na inilalabas ng mga diyablo. Subalit mas lalong nahihirapan si Edrian dahil sa lakas ng presensya na ililalabas ng mga ito.
Kaya naman si Edrian ay napatilapon dahil sa malakas na enerhiya na bumabalot sa buong paligid. At ang iba rin nga ay napatilapon dahil hindi rin kinaya ng kanilang aura ang lakas na taglay ng pinagsama-samang enerhiya ng diyablo.
Samantala si Shawn naman ay kasalukuyang nilalabanan ang lakas na taglay ng presensya ng kaniyang kalaban. Ang kaniyang buong katawan nga ay nababalutan ng Black Mist habang ang kaniyang Asul na Aura ay bumabalot rin sa kaniyang katawan.
Siya ay kasalukuyang nakatayo sa harapan ng diyablo habang pinag-mamasdan ang naguguluhang ekspresyon nito. Napansin niya na mas lalo pang naglabas ng marahas na enerhiya ang diyablo na ito. Ang kinatatayuan nga nito ay nagkaroon ng malakas na pag-sabog.
Ang mga natira ngang miyembro ng unang pangkat at pangalawang pangkat na nanatiting nakatayo ay tumilapon dahil sa pagsabog. Ang tangi nga lamang na nakatayo ay sila Shawn, Jarvis, Markus at Caleb at ang ilang mga miyembro ng kanilang klase.
Kaya ang ilang miyembro ng mga ito ay nanatiling nakatayo ay dahil malayo sila sa kinaroroonan ng mga diyablo. Ang tatlong 1st year na sila Shawn, Jarvis at Markus ang mismong nasa gitna ng labanan. Habang ang Class President naman nila ay nasa itaas habang ito ay nababalutan ng sarili nitong Aura.
BINABASA MO ANG
Legends of God's Children [School of Magic]
AdventureLegends of Gods Children: Volume 1 - School of Magic Genre: Action, Fantasy, Adventure In the year 2100, humanity is on the brink of extinction. The world has been overrun by demonic forces, remnants of biblical lore now wreaking havoc on Earth. As...