Chapter XLVI: Developments
---
ANG lahat nga ng miyembro ng Special Class na nasa loob at Labas ng Training ground ay napatingin sa kinaroroonan nila Shawn, Markus at Jarvis. Silang lahat ay nasa loob ng Training ground upang magsanay, dahil sa laki nang sakop ng training ground na ito ay pwedeng magsanay sa loob nito ang nasa 50 katao.
Ang kanila ngang atensyon ay nasa kinaroroonan nila Shawn, dahil sa paglalaban ng mga ito, ang tatlong magkaka-ibigan na ito ay kinuha ang atensyon ng lahat dahil sa pare-pareho itong gumagamiit ngayon ng Aura Skin. Hindi makapaniwala ang karamihan sa kanila dahil sa maiksing panahon lamang ay nagawa nang matutunan ng mga ito ang mahirap na pag-aralan na Aura Skin.
Na kung saan ay magagawa nito na palakasin ang iibat-ibang aspeto na mayroon ang isang God's Children, pero bago ito makamit ng gumagamit ay kiina-kailangan muna nito na palakasin ang iba't-ibang aspeto ng taong gigamit nito.
Sa kasalukuyan nga ay nag-tutulungan si Markus at Jarvis na kalabanin si Shawn, hindi nila akalain na magagawang pagtulungan ng mga ito ang batang si Shawn. Dahil sa bilang ay magiging lamang ang dalawa dahil matagal ng nagkasama ang mga ito, habang si Shawn naman ay kalian lamang nakasama ang mga ito.
Ang labanan nga sa pagitan nila Shawn, Markus at Jarvis ay makikita ang sunod sunod na pag-atake niila Markus at Jarvis habang si Shawn naman ay hindi hinahayaan na makalusot ang kahit isang suntok mula sa dalawa niyang kalaban.
Sa kasalukuyan nga ay hindi makapaniwala si Shawn sa kasalukuyan niyang kakayahan, ang lakas at bilis na mayroon siya ay mas lalong tumaas. At sa kaniyang pakiramdam ay tumaas ng sampung ulit ang kaniyang lakas. Sa kaniyang palagay ay nasa sampung porsyento na ang kaya niyang gamitin na lakas ng Aura Skin. At dahil sa Black Mist ay nagkaroon pa siya ng kakaibang kakayahan at ito ay ang makita ang mabagal na pagkilos ng kaniyang mga kalaban.
Kaya naman kayang kaya niyang salagin at iwasan ang atake ng kaniyang mga kalaban, at sa kasalukuyang taglay na lakas nila Markus at Jarvis ay wala pang sapat na kakayahan ang mga ito para siya ay tapatan sa isang laban.
Samantala ang grupo naman nila Lucy ay makikitang seryoso habang ang mga ito ay nakatingin sa tatlong naglalaban. Kahit hindi nila malinaw na nakiikita ang pagkilos ng mga ito ay nararamdaman naman nila ang lakas na pinakakawalan ng mga ito.
Lalong lalo na si Markus na makikitang nababalutan na ng taglay nitong elemento, habang ito ay pasugod kay Shawn. Si Lucy nga ay makikitang nakangiti habang nakatingin sa eksaktong lokasyon ngayon nila Shawn, Markus at Jarvis.
Hindi alam ng tatlo niyang kaibigan na kaya niyang makita ang kasalukuyang labanan na nagaganap, hindi niya ipina-paalam sa lahat ang kaniyang kasalukuyang kakayahan. Habang pinanonood nga niya ang bawat galawan na ipina-pamalas ni shawn ay nakakaramdam naman ng matinding excitement si Lucy.
Dahil sa lakas na bilis at lakas na ipiina-pamalas ni Shawn kaya naman mas lalo siyang nabibigyan ng determinasyon para magpatuloy. Si Lucy nga ay tumayo sa kaniyang kina-uupuan, na ipinagtaka naman ng kaniyang mga kaibigan.
Si Lucy nga ay nagpaatuloy muli sa kaniyang pagtakbo na kaagad naman na sinundad ni Jay-ar na ngayon nga ay mabilis siyang sinundan, at kahit na medyo hinihingal pa ito ay mabilis itong tumakbo pasunod kay Lucy.
Sila Grey at Akari naman ay natauhan ng maalala nila ang kanilang dapat na ginagawa, ang lakas nga na nawala sa kanila kanina ay unti-unti ng bumabalik. Kaya naman si Grey at Akari ay nagawa ng makatayo at ipag-patuloy ang kanilang pagsasanay.
Nagpatuloy nga silang muli sa pagtakbo at ang ibang miyembro nga ng Special Class ay napatingin sa grupo nila Lucy. At naging seryoso ang mga ito ng maramdaman ang kakaibang presensya na nagmumula kay Lucy.
BINABASA MO ANG
Legends of God's Children [School of Magic]
AdventureLegends of Gods Children: Volume 1 - School of Magic Genre: Action, Fantasy, Adventure In the year 2100, humanity is on the brink of extinction. The world has been overrun by demonic forces, remnants of biblical lore now wreaking havoc on Earth. As...