Chapter CI

74 21 3
                                    

Chapter CI: Chosen Ally

---

ANG buong paligid ay muling napuno ng ingay dahil sa walang humpay na pag-atake nila Dylan at Shawn sa kanilang kalaban, ang kanilang mga atake ay sadyang mabibilis subalit ang bilis na taglay ng dalawang ito ay nagagawa padin na iwasan ng kanilang kalaban.

Hindi makapaniwala sila Shawn at Dylan sa kasalukuyang sitwasyon na kanilang kina-kaharap, kani-kanina lamang ay sila ang naglalaban sa loob ng arena. Subalit ngayon ay pareho silang lumalaban sa isang Demon General, pero ang kanilang kasalukuyang antas ng kanilang lakas ay hindi sapat para puruhan ang kanilang kalaban.
.
Halatang batikan na sa pakikipag-laban ang kanilang kalaban, hindi kagaya nila na kaunti pa lamang ang kaniyang karanasan at hindi ito sapat para mapabagsak ang ganito kalakas na kalaban. Subalit sa kabila ng lahat ay hindi sila maaaring mawalan ng pag-asa sapagkat ang kanilang katatagan ay tiyak na magkakaroon ng magandang resulta sa hinaharap.

Samantala si Shawn naman ay itinuon ang kaniyang atensyon sa kanilang kalaban ni Dylan, kasalukuyang naguguluhan si Shawn dahil sa mga tumatakbo sa kaniyang isipan. Hindi niya maalis sa isip niya na kailangan niyang paslangin ang kaniyang kaibigan, hindi niya pa alam kung ano at bakit naging ganun ang itsura nito.

Pero sa kabila ng lahat ay hindi niya muna dapat pagtuunan ito, sapagkat ang kanilang kalaban sa ngayon ang tiyak na nakaka-alam kung sino sa kanilang lahat ang pakay nito. At kung si Lucy man ang pakay na kuhanin ng mga ito, ay hindi niya alam kung ano ang kaniyang gagawin kung si Lucy nga talaga ang nawawalang anak ni Lucifer.

Samantala si Rev naman ay kasalukuyan na lumapit sa kinaroroonan nila Sebastian at Elena, at kaniyang pinakawalan ang mga ito sa mabigat na presensya na nakagapos sa mga ito. Sila Elena at Sebastian nga ay nakagalaw na nang maayos, si Elena nga ay kaagad na humarap kay Rev at tinanong kung ano ang nangyayari.

Hindi naman magawang sumagot ni Rev sa tanong na iyun ni Elena, dahil maging siya ay naguguluhan sa kasalukuyang nagaganap. Nabatid naman kaagad ni Elena kung bakit hindi makasagot si Rev sa kaniya, dahil kahit ito ay hindi alam kung ano ang nangyayari.

Dahil hindi na kapani-paniwala ang kasalukuyang nagaganap sa kanilang harapan, tatlo sa kanilang mga estudyante ang nagpapakita ng kakaibang kakayahan. Unang una si Shawn na nagawang makatayo sa harapan ng isang Demon General, habang si Dylan naman ay nagawa din na makakilos at inabangan ang susunod na gagawin ni Shawn.

Habang si Lucy naman ay naglabas ng misteryong enerhiya, na ngayon ay tila ba nagpabago ng kaniyang kasalukuyang anyo. Tila ba ito ay naging isang diyablo dahil sa dalawang bukol sa noo nito na tila ba ang mga ito ay sungay nito, habang ang mga mata naman nito ay nagliliwanag na kulay pula na animo’y dugo kung titingnan sa malayuan.

Ang kanilang misyon ay pigilan ang mga diyablo sa pagsalakay nito sa akademya, subalit ang kasalukuyang lumalaban sa mga ito ay ang kanilang dapat na pino-protektahan sa pagkakataon na ito. Si Sebastian naman ay napa-isip na lamang ng iba niyang gagawin, hanggang sa ito ay mapatingin sa iba pang estudyante.

Naka-isip kaagad ng ideya si Sebastian at ito ay ang tulungan ang ibang mga estudyante na makawala sa ilusyon na ginawa ng kalaban kanina, kaya naman hindi na niya hinantay pa ang reaksyon nila Rev at Elena at dali daling pinuntahan sila Alicia.

Samantala sila Alicia, Edrian at Elton ay kasalukuyan padin na nakikita ang imahe na gawa ng ilusyon ng kalaban, wala padin silang kamalay malay sa kasalukuyang nagaganap sa labas ng ilusyon na ito. Hindi nila alam na mayroong mga matatapang na bata ang nakikipaglaban ngayon sa isang Demon General.

Si Sebastian ay kaagad na hinawakan ang balikat ni Alicia, at kaagad na dumaloy ang kaniyang enerhiya sa katawan ni Alicia. Ang mga mata ni Alicia ay muling nagkaroon ng buhay ng sandaling dumaloy sa kaniyang katawan ang enerhiya ni Sebastian.

Kaagad naman na nagkaroon ng malay si Alicia, nagtaka nga lamang ito ng sandaling bigla na lamang lumitaw sa kaniyang harapan si Sebastian at ang imahe ng kaniyang kapatid na kaniyang nakikita kanina ay mabilis na naglaho.

Doon lamang niya napagtanto na isa lamang ilusyon ang kaniyang nakita kanina, napalingon siya kay Sebastian na ngayon ay ginigising ang iba pa niyang mga kasama. Sila Edrian at Elton ay kapwa din na nagkaroon nan g malay, at naalarma ang mga ito ng kanilang maramdaman ang mabigat na aura.

Kaya naman napatingin kaagad ang mga ito sa isang pwesto, at nagulat silang dalawa ng makita ang dalawang bata na walang pag-aalinlangan na inaatake ang kalaban. Si Edrian ay gulat na gulat ng kaniyang makita na ang isa sa mga ito ay si Shawn, na ngayon ay walang pag-aalinlangan na lumalaban sa isang Diyablo.

Kaagad na tinanong nila si Sebastian kung ano ang gagawin, at ng sabihin nga nito na kailangan lamang na masalinan ng enerhiya ang kaniyang mga kasama. Ay kaagad na silang kumilos para makawala na ang lahat sa ilusyon na gawa ng kalaban, ang mga estudyante na nakulong sa ilusyon ay isa-isa nang nagigising.

At halos lahat sila ay hindi makapaniwala sa unang imahe na kanilang nakita, at iyun ay ang imahe ng dalawang estudyante na marahas na inaatake ang isang kalaban. Sila Elena at Rev naman ay napatingin sa kasalukuyang nakatayong si Lucy.

Kanilang pinagmamasdan ang bawat hakbang na gagawin nito, sa kasalukuyan ay huminto si Lucy sa pagkilos. Nang makita nito ang kasalukuyang lumalaban sa diyablo, at sa kanilang palagay ay kaya napahinto sa gagawin sanang pagkilos ni Lucy.

Nang makita nito na isa si Shawn sa dalawang estudyante na kumakalaban ngayon sa diyablo, hindi nila alam kung ano ang nasa isip nito kung bakit hindi ito kumilos. Pero isa lamang ang naiisip ni Rev tungkol dito, at iyun ay kung kaninong panig kakampi si Lucy.

Hindi niya alam kung bakit niya naisip ito, subalit kung may basehan man ang kaniyang nararamdamang kutob sa ngayon, ay handa siyang tanggapin nang buo ang responsibilidad na iyun kahit ano man ang mangyari.

Samantala si Lucy ay kasalukuyan lamang na nakatayo, habang ang kaniyang tingin ay na kay Shawn lamang. Ang kaniyang paghanga dito ay mas lalo lamang na lumaki, dahil sa ngayon ay nakita niya ng aktwal kung paano ito lumaban sa isang diyablo.

Nakikita niya mula sa mga mata nito ang determinasyon na lumaban, sa kabila ng lahat ng kaniyang nalaman sa kaniyang sariling pagkaka-kilalan ay hindi siya nawala sa kaniyang sarili. Hindi siya nadala ng marahas na enerhiya na dumaloy kanina sa kaniyang katawan, at nagawa niya lamang na makabalik ay dahil sa kaniyang mga kaibigan.

Nagawa niyang bumalik sa kung sino siya ngayon, at ito ay si Lucy Gremory na mayroong mga kaibigan na gusto niyang protektahan habang siya ay nabubuhay. Makikita sa labi ni Lucy ang isang matamis na ngiti, habang ang kaniyang mga mata ay unti-unti nang bumabalik sa dati.

Ang kaninang itim at pula nitong mga mata, ay nagbalik na sa dati nitong itsura. Ang kaninang nakakakilabot na presensya na bumabalot sa kaniyang katawan ay bigla na lamang nawala, sila Elena at rev nga ay nagulat ng bigla na lamang nawala ang mabigat na presensya na bumabalot sa katawan nito kanina.

Kaya naman dali daling nilapitan ni Elena ang batang ito, at nagulat siya ng makita niya ang pagkawala ng dalawang sungay sa noo nito. Si Lucy ay napatingin kay Elena at batid na niya kung bakit ito lumapit sa kaniya, kaniyang naisip na marahil ay nagbago ang kaniyang itsura kanina.

Agad lamang siyang ngumiti dito na ipinagtaka naman ni Elena, si Lucy naman ay kaagad na lumipad at lumingon lamang sa kinaroroonan ni Rev. Samantala si Rev naman ay nakarinig ng boses sa kaniyang isipan, ang boses na iyun ay boses ng isang babae napatingin si Rev sa kinaroroonan ni Lucy.
At kaniyang narinig sa kaniyang isipan ang salitang,

“Ako’y inyong Kakampi!”….

Legends of God's Children [School of Magic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon