Chapter LIX: Rumble Match
---
ANG lahat ng tao sa loob ng istadyum ay nag-iingay dahil sa pagkapanalo sa pangalawang pagkakataon ng Class 3 A ngayong araw. At ang tao na nagbigay ng ikalawang puntos ay ang binatilyo na si Yakushi Endo na ngayon ay nakatayo sa harap ng lahat ng manonood habang nakapalibot dito ang mga kaklase nito na natutuwa dahil sa pagkapanalo niya.
Samantala makikita naman na magkatabi si Tetsuya at Vaneza habang kapwa ang dalawa ay nakatingin kay Endo at pareho ang mga ito ng ini-isip. Isang magandang dagdag sa pwersa ng Class 3 A ang pag-kapukaw ni Endo sa Aura Skin. Marahil ay ngayon lamang ito nagamit ni Endo kaya mukhang wala itong alam sa totoong kakayahan nito.
At naramdaman din ng dalawa ang kalat na pagdaloy ng enerhiya nito kanina, dahil hindi balanse ang pagdaloy ng enerhiya sa bawat ugat nito. Subalit ganun pa man ay natutuwa ang mga ito dahil hindi lamang silang dalawa ang may kakayahan na makagamit ng technique na tanging ang mga taga special class lamang.
Samantala ang buong miyembro naman ng Class 4 B ay tahimik habang ang mga ito ay nakatingin sa nabulagtang katawan ni Reiji. Hindi makapaniwala ang mga ito na magagawang matalo ang kasama nila na ito. Isa ito sa mga malalakas na miyembro ng kanilang seksyon subalit natalo lamang ito sa isang nagmula sa Class 3 A.
Samantala si Dellio ay kasalukuyang nasa tabi ng kaniyang kaibigan, at seryoso na kinakausap ang walang malay na si Reiji. Sinasabi ni Dellio kay Reiji ang kaniyang saloobin at lubos na paghanga para sa ginawa nito. At kahit na natalo ito ay hindi parin magbabago ang estado nito sa kanilang seksyon.
Lumipas ang ilang minuto ay na-anunsyo na ni Yoki kung sino ang nanalo at ang nanalo sa ikalawang laban ay walang iba kundi si Yakushi Endo. Si Reiji ay kaagad na dinala sa klinika upang malunasan kaagad ang natamo nitong mga sugat.
Samantala ang susunod na laban ay kaagad ng isinagawa, ang lahat nga ay hindi na nagulat sa paghaharap ng mga sumusunod. Si Yoki ay sunod sunod na dumukot ng mga papel na may pangalan ng mga estudyante. At nagpasya si Yoki na pabilisin ang nagaganap na laban sa pagitan ng dalawang seksyon.
Ang mga estudyante nga na mga maglalaban ay nagtaka sa biglaang desisyon na ginawa ni Yoki, ang madaliin ang labanan ng dalawang seksyon ay isa sa mga hindi nila inaasahan na mangyari sa isang event. Samantala ang mga miyembro naman ng Special Class ay naalala ang nabanggit sa kanila ni Yoki kanina lamang bago sila magtungo kanina sa gymnasium.
At ito ay ang gagawin nitong pagbabago ng plano ng event sa unang araw ng nobyembre, at ito ay ang kasalukuyang pagsasagawa ng rumble match sa pagitan ng anim na estudyante na mula sa magkabilang seksyon.
Samantala ang lahat ng mag estudyante ay nakaramdam ng pagkatuwa ng masama sa anim na maglalaban laban ang dalawang estudyante na inaabangan ngayong araw. At ito ay sila Dellio at Tetsuya na ngayon nga ay kapwa na makikitang nakatayo sa gitna ng istadyum habang nasa tabi naman ng mga ito ang dalawa nilang mga kasama sa magiging laban.
Si Tetsuya ay mayroong kasama na babae at lalake habang si Dellio naman may kasamang dalawang lalake, ang mga manonood nga ay napalunok na lamang ng mapagtanto na nasa pinaka-pangunahing labanan na ang magaganap na laban sa kasalukuyan.
At kagaya noong nakaraang taon ay nagkaharap sila Dellio at Tetsuya sa isang Rumble Match at ang nag-iisang nagwagi ay walang iba kundi si Tetsuya. Ngayon ay masasaksihan nila ang bangis ng dalawang kinikilalang pinuno ng dalawang seksyon na ito.
ang magkabilang panig nga ay makikitang nagkakatinginan, at mapapansin sa mukha ng mga ito ang inis at galit sa isat isa. Samantala si Tetsuya ay kalmado lamang na nakatingin sa kaniyang harapan habang pinagmamasdan nga niya ang mga galit na pagmumukha ng grupo ni Dellio ay hindi niya maiwasan na matawa mula sa kaniyang kaloob looban.
Mas lalo siyang natutuwa habang nakikita ang kaniyang karibal sa larangan ng pakikipag-laban, samantala ang dalawa namang kasama ni Tetsuya ay kasalukuyang nag-uusap at ang pinag-uusapan ng dalawang ito ay kung sino sa dalawang kalaban ang kanilang pipiliin na makalaban.
Ang dalawa ay hindi na tinanong pa si Tetsuya dahil sa totoo lang ay alam na ng mga ito, na ang nais nitong makalaban ay ang pinuno ng mga kalaban. Ang kilalang dalawang mabangis na magkalaban taon taon walang iba kundi sila Dellio at Tetsuya.
Samantala si Akari naman ay makikitang nakatuon ang atensyon sa kaniyang nakatatandang kapatid, hindi niya maiwasan na mag-alala dahil sa kaniyang naririnig na usap-usapan at ito ay patungkol sa kinakaharap nitong mga gulo dahil sa pagiging bayolente nito.
Noong una ay hindi siya naniwala sa mga usap-usapan subalit ng may isang tao ang nagpakita sa kaniya ng aktwal na video ng laban noong nakaraan taon at nakaramdam siya ng matinding takot ng makita niya ang nakakatakot na ngiti ng kaniyang kapatid habang walang awa nitong binubog ang buong isang seksyon sa final round noong nakaraan taon.
Hindi siya makapaniwala na may ganoong side ang kaniyang kapatid, at sa kasalukuyang nagaganap ay natatakot siya na makita ngayon ang ginawa ng kaniyang kapatid noong nakaraang taon.
Samantala ang mga kasamaa nila Dellio at Tetsuya ay nag-simula ng kumilos, naunang umatake ang mga kasama ni Tetsuya habang ang mga kasamahan ni Dellio ay kaagad na bumuo ng depensa. Ang isa sa dalawang lalake nga ay mabilis na naglabas ng malaking harang na gawa sa lupa. Habang ang isa pang kasama ni Dellio ay mabilis na naghanda para sa mabilis na pag-atake.
Ang dalawa namang kasamahan ni Tetsuya ay patuloy lamang sa kanilang gagawin na pag-atake. Ang dalawang ito ay mabilis na sumugod sa kinaroroonan ng tatlo habang ang mga ito ay nanabalutan ng kani-kanilang taglay na aura.
"BOOM!" isang malakas na pagsabog ang naganap sa loob ng istadyum, ang dalawang kasama ni Tetsuya ay mabilis na tumilapon dahil sa malakas na pagsabog bago pa lamang ang mga ito ay makalapit sa ginawa nitong malaking harang na gawa sa elemento ng lupa.
Samantala si Dellio ay kampante sa kaniyang dalawang kasamahan, ang mga ito ay matagal na niyang kasa-kasama kaya naman alam na niya ang bawat pagkilos at hakbang na gagawin ng mga ito. At kanina nga lamang ay gumawa kaagad ng combination tactics ang mga ito.
Sa pamamagitan ng elemento ng lupa at ng elemento ng kidlat ay nakakagawa ang dalawa ng malakas na pagsabog, at alam ni Dellio na hindi lamang ito ang baon ng dalawang ito. Dahil ang ganitong uri ng taktika ay hindi pa sapat para masukat ang tunay na kakayahan ng dalawa.
Samantala si Tetsuya naman ay nanatiling nakatayo sa kaniyang kinatatayua, habang ang dalawa nitong kasama ay dahan dahan na bumabangon mula sa pagkaka-tilapun ng mga ito. Ang dalawa nga ay kaagad na bumalik sa kanilang pwesto.
Ang dalawa ay mapapansin na hiningal na kaagad, subalit lumipas lamang ang ilang sigundo ay nakabawi na kaagad ang mga ito ng kanilang paghinga. Napatingin na nga lamang ang dalawang ito kay Tetsuya na kasalukuyan naman na nakatingin sa tatlong kalaban na nasa harapan nito.
Inasahan na ng dalawa ang hindi pagtulong sa kanila ni Tetsuya, alam nila na hindi ito basta basta tumutulong sa kanila sa kahit na anong bagay. Ang tanging ginagawa lamang nito sa kanilang seksyon ay magbigay ng napaka-gandang pangalan, dahil sa mga kakayahan nito na hindi kapani-paniwala para sa katulad nila na God's Children.
Bigla na nga lamang sumagi sa kanilabng isipan ang nakakakilabot na ngiti sa labi ni Tetsuya noong nakaraang taon, ang mga ngiti nito na nakakakilabot at sa sobrang kilabot na ito ay maihahalintulad si Tetsuya malakas na bagyo na walang pinipili na kahit sino, kapag dumating na ang unos ay natitiyak na mayroong bagyo na katulad ni Tetsuya na kayang magpabagsak ng mga matatayog na puno sa pamamagitan lamang ng napakalakas na hangin na tinataglay nito, ang tinataglay ng isang gumagamit ng elemento ng hangin....
BINABASA MO ANG
Legends of God's Children [School of Magic]
AdventureLegends of Gods Children: Volume 1 - School of Magic Genre: Action, Fantasy, Adventure In the year 2100, humanity is on the brink of extinction. The world has been overrun by demonic forces, remnants of biblical lore now wreaking havoc on Earth. As...