Chapter CXXXIX

58 16 0
                                    

Chapter CXXXIX: Beat It

---

SA loob nang Energy Waves ay nagkakaroon nang mga malalakas na pagsabog ang nagaganap, dahil iyun sa mga sunod sunod na atake na pinakakawalan nila Lucy at Shawn. Ang paligid nang kanilang pinaglalabanan ay nasira na dahil sa lakas nang bawat atake na kanilang pinapakawalan.

Ang higante naman ay hindi magkadamayaw sa pag-sigaw habang sinasalo nito ang mga atake na pinakakawalan nila Lucy at Shawn, ang malalakas nitong paghiyaw ay maririnig hanggang sa ibaba nang bundok kung saan ito naroroon.

Ang mga tao nga na nakarinig nang malakas na pagbulahaw nang halimaw ay nakaramdam nang takot, dahil sa nakakatakot na sigaw nang halimaw mula sa bundok. Samantala si Jack ay napatakip nang kaniyang tenga nang marinig ang malakas na bulahaw nang halimaw.

Hindi alam ni Jack ang buong kaganapan sa itaas nang bundok na iyun, subalit kung kaniyang papansinin ang malalakas na sigaw na iyun ay marahil ay nahaharap ito sa matinding labanan at iniinda ang mismong natatamong sugat.

Ang marinig ang ganuon kalakas na tunog ay bago sa kaniyang pandinig, at dahil din sa malakas na bulahaw na iyun ay nakaramdam siya nang matinding panganib mula doon. Dahil siguro sa palakas na palakas nang enerhiya n kaniyang nararamdaman sa kaniyang paligid, animo'y pinipilit siyang paatrasin nang enerhiya na kaniyang nararamdaman.

Samantala ang labanan sa pagitan nila Shawn, Lucy at nang higanteng halimaw ay pansamantalang nahinto. Dahil sila Shawn ay nakaramdam nang pagkapagod dahil sa malalakas na atake na kanilang pinakawalan, habang ang diyablo naman ay makikitang napaluhod sa kaniyang kinaroroonan habang ang kaniyang mga nagkaputol putol na katawan ay unti-unting nabubuo.

Habang ang mga natanggap na bahagi nang katawan nito ay kaagad na naging abo at naglaho, makikita sa mga mata nila Lucy at Shawn ang saya dahil nagawa nilang mapinsala ang katawan nang kalaban. Dahil sa kasalukuyan ay hindi na kagaya nang kanina ay mas mabagal nang mag regenerate ang katawan nito, sa loob nang isang minuto ay hindi magagawang makakilos nang higanteng ito.

Dahil sa matinding pinsala na dulot nang kanilang mga atake, si Baal naman ay hindi makapaniwala sa bilis nang mga nangyari. Ang dalawang bata na iyun ay mayroong mataas na battle IQ, napaka-utak nang dalawang ito sa larangan nang pakikipaglaban dahil sa maiksing panahon lamang ay naka-isip kaagad ang mga ito nang paraan para mahanapan nang kahinaan ang abilidad nang kalaban.

Dahil sa kaniyang napanood ay mas lalong nabuhayan nang dugo si Baal, ang kaniyang kanina pang pagpipigil sa kaniyang pwesto ay mukhang mababalewala. Dahil napapahanga siya sa laban na ipinapakita nang dalawang bata, samantala ang dalawang diyablo naman na nasa itaas nang Energy Waves ay mapapansin na nakatingin ang mga ito sa ibaba.

Nakita nila kung paano mapaluhod nang dalawang bata na iyun ang isang SS Class na diyablo, ang talento nang dalawang bata na iyun ay sadyang napakataas. Hindi nila inasahan na makakakita sila nang ganitong mga batang mortal, mga bata na mayroong mataas na potensyal para maging hadlang sa kanilang lahi balang araw.

Samantala sila Grey naman ay makikitang gulat na gulat nang kanilang makita ang ginawa nila Lucy at Shawn, nagawa nang dalawang iyun na mapaluhod ang halimaw na iyun. Si Jay-ar ay makikitang na eexcite nang kaniyang makita nang malinaw ang ginawa nang dalawa, ang bilis nang pagkilos nang dalawa na halos hindi na nila makita nang malinaw gamit lamang ang kanilang mga mata.

Mabuti na lamang at natutunan na nila ang abilidad na iyun, ang magawang makita ang bawat pagkilos sa pamamagitan nang pag-sentro nang kanilang atensyon sa isang pwesto. Kaya naman napakalinaw nang bawat sandali na kanilang nakikita, maging napakabilis man o napakabagal.

Samantala si Akari naman ay nakaramdam nang pagkasabik dahil nakita niya si Lucy kung paano ito makipaglaban sa higanteng kalaban na iyun, alam niya na malayo ang agwat nang kanilang lakas. Subalit hindi niya nais na tumayo lamang dito at walang gagawin.

Sila Jarvis at Markus naman ay napatingin nang seryoso sa dalawang diyablo na humaharang sa kanilang lima, kapwa silang dalawa ay iisa lamang ang naiisip na paraan para makalampas sa mga ito. Kailangan nilang mahati sa dalawang grupo, kailangan nilang maikumento sa tumatayong leader nang kanilang grupo ang kanilang ideya.

At iyun ay walang iba kundi si Grey, si Grey ang tumatayong leader nang kanilang grupo. Samantala ang dalawang diyablo naman ay nabaling muli ang atensyon sa limang bata na nasa kanilang harapan, napatingin sila sa mga ito dahil nakaramdam sila nang masamang gagawin nang mga ito.

Mukhang sa kabila nang kanilang pananakot sa mga ito, ay mukhang sasalakay pa rin ang mga ito kahit ano man ang mangyari. Si Grey naman ay natanggap ang kuwistsyon nila Jarvis at Markus, nagawa niyang makausap ang mga ito sa pamamagitan nang Telepathy.

Ang mga sinabi na iyun nila Markus at Jarvis ay kaniyang pinag-isipan nang maigi, habang siya ay nag-iisip ay bigla na lamang mayroon siyang narinig mula sa device na kaniyang suot. Ang nagsasalita sa Device ay hindi ang opisyal na kausap niya kanina, kundi si Edrian mismo nagulat siya nang kaniyang marinig ang boses ni Edrian sa kabilang linya.

Ang kaagad niyang narinig mula dito ay ang pangalan ni Shawn, tinatanong ni Edrian kung kamusta si Shawn. Naramdaman ni Grey ang pag-aalala sa boses na iyun ni Edrian, animo'y natatakot ito sa maaaring masamang mangyari dito.

Dahil doon ay kaagad siyang sumagot kay Edrian, sinabi niya na maayos lamang si Shawn at sa kasalukuyan ay nagawa nitong mapaluhod ang malaking kalaban kasama si Lucy. Nang marinig naman ni Edrian ang sinabing iyun ni Grey ay nakaramdam ito nang kaunting ginhawa mula sa sinabing iyun ni Grey.

Hindi siya nag-aalinlangan sa sinabi na iyun ni Grey dahil alam niya kung ano ang ugali nito, hindi nito kayang magsinungaling lalo na sa kaniya na minsan na siyang naging guro. Kaagad naman na binalaan ni Edrian si Grey, kailangan nilang mag-ingat sa kanilang mga gagawing pagkilos.

Huwag nilang hahayaan na mapabagsak nang mga kalaban, hanggat hindi pa sila nakakarating sa lugar na iyun. Nang marinig ni Grey ang sinabi ni Edrian ay nakaramdam siya nang kasiyahan dahil sa magandang balita, dahil darating mismo ito para maging backup.

Dahil doon ay sinagot ito ni Grey nang salitang

"Maghihintay kami dito!, Sana makarating kayo kaagad!" sabi ni Grey kay Edrian.

Nang marinig naman iyun ni Edrian ay nakaramdam siya nang kakaiba sa sinabing iyun ni Grey, hindi niya masabi kung bakit ganuon ang dating sa kaniya nang sinabing iyun ni Grey. Hindi niya maiwasan na isipin na gagawa nang hakbang mga mga batang iyun, na maaaring ikapa-hamak nilang lahat.

Samantala si Shawn ay nakabawi na nang kaniyang nawalang lakas, sa pamamagitan nang Black Mist ay mabilis na bumalik ang kaniyang mga nawalang enerhiya. Nang sandaling iyun ay kaniyang ikinuyom ang kaniyang mga kamao, at kasunod noon ay ang malakas na pagliyab nang kaniyang mga kamao.

Ang presensya na nakapalibot kay Shawn nang mga sandaling iyun ay mabilis na lumakas, si Lucy ay napatingin sa kinaroroonan ni Shawn nagulat siya nang kaniyang maramdaman ang biglang pagtaas nang enerhiya ni Shawn nang mga sandaling iyun. Hindi niya inasahan na gagawin nito ang kaparehong paraan nang pagpapalakas, na ginawa nito noong sila ay naglaban noong kaniyang makamit ang lebel na magamit ang Aura Skin.

Ang ganitong istilo ni Shawn ay isa sa kaniyang hinahangaan kay Shawn, ang kakayahan nito na gelatin ang mga kalaban sa pamamagitan nang biglang pagtaas nang kaniyang taglay na enerhiya. Samantala si Baal ay makikitang naalarma sa biglang pagtaas nang enerhiya na mayroon ang tagapagmana ni Hades, ang inilalabas nitong enerhiya ay nagdudulot nang malakas na pwersa para unti-unting humina ang kaniyang ginawang Energy Waves.

Hindi niya alam na mayroong ganitong kakayahan ang tagapagmana na ito ni Hades, sa kaniyang palagay ay kaya pa nitong magamit ang karamihan sa mga abilidad na mayroon si Hades. Samantala si Hades naman ay kasalukuyan na makikitang nakangiti habang kaniyang nakikita ang itsura ngayon ni Shawn, hindi pa rin niya maiwasan na magulat sa mga ganitong pakulo nang kaniyang tagapagmana.

Sa gitna nang mainit na labanan ay nagpapakitang gilas ito sa mga kalaban, sa pamamagitan nang pagpapalakas nang taglay nitong enerhiya. Ang kakayahan na ito ni Shawn ay isa sa mga sarili nitong kakayahan, malakas ang "Willpower" ni Shawn at alam na niya na sa bawat ginagawa ito ni Shawn ay nagagawa nitong mapabagsak ang mga kalaban....

Legends of God's Children [School of Magic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon