Chapter CXLVIII: Not Ordinary
---
MULA sa kinatatayuan ni Baal ay nagsimula ang pagkilos nang bawat isa, ang kaninang tahimik na kapaligiran sa pagitan nilang apat ay nagsimula nang mawala nang sandaling ilabas ni Baal ang isang pamilyar na enerhiya sa mga kamay nito. at iyun ay ang asul na apoy na malinaw na nakita na ni Alicia noong unang beses na magkasagupa ang mga ito.
Kaagad na nagkabanggaan nang atake sila Baal at Alicia, makikita sa mukha ni Baal ang malapad nitong ngisi. Si Alicia naman ay hindi pinansin ang ngisi na iyun nang kalaban, bagkus ay kaniyang binawi ang kaniyang pwersa na pinakawalan. at mula sa likuran ni Alicia ay makikita sila Edrian at Shawn na sabay na susugurin si Baal.
Si Baal naman ay mabilis na naglaho sa kaniyang kinaroroonan, dahil upang magulat si Shawn at Edrian. Subalit hindi nagtagal ay nalaman kaagad ni Shawn kung saan lilitaw ang kalaban kaya naman kaagad itong sumipa sa likurang bahagi ni Edrian, at mula doon nga ay bigla na lamang lumitaw ang mga nagliliyab na kaamo nang kanilang kabalan.
Dahil doon ay kaagad na umiwas palayo si Edrian, at kaniyang nakita na nagawang patamaan ni Shawn ang kalaban gamit ang isang solidong pagsipa. Samantala si Baal ay nakaramdaman nang pagka-inis dahil nagawang maramdaman nang batang iyun ang kaniyang binabalak na gawin kanina, balak niya sana na ilagay ang isa sa tatlo niyang kalaban sa loob nang kaniyang lagusan patungo sa mundo nang mga diyablo.
Nais niya sana na ito ay makulong doon upang mawala ang koneksyon nito sa batang tagapagmana ni Hades, at upang makuha na din ang buong porsyento nang kapangyarihan nang binatilyong iyun. Subalit ang kaniya sanang balak gawin ay kaagad na nagawang pigilan nang batang ito.
Si Alicia naman ay hindi na pinag-tuunan nang pansin ang nagawa ni Shawn at kaagad siyang kumilos upang atakehin din ang kanilang kalaban, subalit bago pa man siya makalapit sa kalaban ay bigla na lamang itong naglaho sa kanilang harapan.
Si Shawn naman ay mapait na ngumiti, habang kaniyang inilingon ang kaniyang tingin sa likuran ni Alicia. Si Alicia naman ay naramdaman ang presensya nang kalaban, at alam niya na sa kasalukuyan ay nasa likuran na niya ang kalaban. Subalit sa kabila noon ay makikita sa mukha ni Alicia ang makahulugang ngiti.
Samantala sa kasalukuyan ay mayroong kakaibang nangyayari sa ilalim nang lupa, sa kailaliman nang lupa ay makikita ang mga malalaking galamay na dahan dahan na gumagapang sa mga maliliit na haligi sa ilalim nang lupa. Ang mga malalaking galamay na ito ay animo'y bahagi nang isang higanteng ahas, subalit ang mga galamay na iyun ay hindi nagmumula sa isang malaking ahas.
Dahil ang mga galamay na iyun ay hindi mararamdaman nang kahit na anong buhay, animo'y ang galamay na ito ay bahagi nang isang uri nang enerhiya na kumakalat na sa paligid sa kasalukuyan.
Samantala sa isang bahagi sa kailaliman nang lupa ay mayroong napakalaking espasyo ang naroroon, ang malaking espasyo na iyun ay nakapagtataka na mayroong liwanag sa bahaging iyun. Animo'y ang espasyo na iyun ay nilikha nang kung anong nilalang na naninirahan sa ilalim nang lupa, kung titingnan ag espasyong iyun ay mistulang isa itong silid kung saan naroroon ang isang nilalang.
Sa kasalukuyan ay nagaganap ang mainit a labanan sa pagitan nila Shawn, Alicia at Baal, makikita ang mabilis na coordinasyon nang dalawa. Habang si Edrian naman ay nakatayo sa kaniyang kinaroroonan habang kaniyag pinag-aarala ang bawat kilos nang kalaban, napansin niya na masyadong umiiwas ang kalaban sa bawat atake a pinakaka-wala nila Shawn at Alicia.
Mukha man itong nadedehado sa kasalukuyan ay hindi niya pinag-tuunan iyun nag pansin, bagkus kaniyang inihahanda ag kaniyang sarili para sa pag-atake. Samantala si Shawn naman ay kasalukuyan na seryoso habang kaniyang pinakikiramdaman ang susunod na lokasyon kung saan ito lalabas.
Malaki ang ambag sa kaniya nang paghigop niya sa enerhiya na mula sa diyablong iyun, at dahil doon ay nararamdaman niya ang bawat atake a susunod na gagawin nito. Hindi niya inasahan na ganito pala katindi ang nilalang na ito, hindi siya ngayon nakakaramdam nang pagkasabik sa sitwasyon na ito.
Dahil ang nilalang na nasa kaniyang harapan ay isang malakas na halimaw na mayroong kakayahan na naiiba sa mga ordinaryong diyablo, ag kakayahan na makopwa at maging pagmamay-ari nito ag kapangyarihan na nagmula sa iba.
Samantala sa kasalukuyan ay makikita si Dyanta na unti unti nang naglalaho ang ilang bahagi nang kaniyang katawan, mababakas sa mukha ni Dyanta ang matinding paghihirap mula sa sakit a nadarama ito sa kasalukuya. animoy ang nararanasan nito sa kasalukuyan ay ang magsasanhi nang kaniyang tuluyang kamatayan.
--
Alam na nito sa kasalukuyan na ang mga susunod na kaparusahan na ipapataw sa kaniya ni Astaroth ang pinaka-masakit na paraan sa lahat, at kahit ang kasalukuyang kaniyang nararanasan na hirap ay balewala pa sa alam niyang kayang gawin sa kaniya nang kaniyang pinuno.
Samantala ang kasama ni Dyanta ay makikita lamang na nakatayo sa kinaroroonan nito, at alam ni Dyanta na ano mang sandali magmula ngayon ay mararamdaman na din nito ang epekto nang kanilang labis na pag-gamit nang enerhiya na tinataglay nito.
Ang ginawa nitong sapilitan na pagputol sa dalawa nitong braso ay naka-gamit nang labis na enrhiya nang kaniyang kasama, alam niya na sa kanilang pagbalik sa kanilabg mundo ay madami lamang na magagawan nang paraan ang parte nang kaniyang katawan.
At ang ginawang iyun nang kaniyang kasama ay nagsasanhi nang paggamit nito nang mataas na bahagi nang enerhiya, upang danasin din nito ang parusa na kaniyang nararanasan sa kasalukuyan.
Samantala sa kasalukuyan ay makikita si Dylan na nakatingin sa lalaking diyablo na kaniyang inatake kanina, nakikita niya sa kasalukuyan ang seryosong ekspresyon sa mukha nito.
Alam ni Dylan na sa kasalukuyan ay nais na siyang pabagsakin nang nilalang na ito, subalit dahil sa kasalukuyang kalagayan nito ay animo'y hindi nito nais na magkamali pa sa mga pagkilos na gagawin nito.
Alam niya na sa loob loob ngayon nang nilalang ay sinusumpa na siya nito at nais na mapaslang agad-agad, subalit ang nilalang na nasa kaniyang harapan ay animo'y isang preso na mayroon lamang limitadong pagkilos sa mundong ito.
At sa kasalukuyan ay kanilang nagawang pilitin na gamitin nang mga ito na gamitin ang mga abilidad na mayroon ang mga kalaban, samantala sa Labanan sa pagitan nila Shawn, Baal at Alicia ay kasalukuyan na maririnig ang mga malalakas na pagsabog dulot nang mga naglalagablab na atake nila Alicia at Shawn.
Ang palibot nang tatlo ay nababalutan nang napaka-init na enerhiya dahil sa enerhiya na pinakakawalan nang dalawa, habang si Baal naman ay seryoso na sinasalag ang bawat atake na ginagawa sa kaniya nang dalawa niyang kalaban. Hindi makapaniwala si Baal na makakaranas siya nang ganitong laban, mula sa kaniyang mga kalaban.
At ang mga kalaban niyang ito ay mga hindi lamang basta basta na mga indibidwal, dahil ang kaniyang mga kalaban ay ang dalawang mayroong malaking magiging papel sa hinaharap nang digmaan nang sanlibutan. Ang dalawang ito ay kabilang sa mga magiging mga banta sa kanilang lahi.
Si Baal ay mayroong abilidad na makita ang isang bahagi nang hinaharap, at kaniyang nakita mula sa dalawang ito ang hinaharap na hindi niya inasahan noong una niyang makita ang dalawa. Ang una ay ang batang si Shawn na kaniyang nagawang makita ang hinaharap kung saan ay magiging banta sa kaniyang panginoon ang batang ito.
Habang si Alicia naman ay mayroong malaking gagampanan sa hinaharap, na magbibigay sa kaniya nang isang magandang laban sa hinaharap. ang kaniyang mga nakitang hinaharap nang mga ito ay hindi niya alam ang tiyak kung anong panahon iyun magaganap sa hinaharap.
At kahit na alam na niya sa kasalukuyan ang magiging hinaharap nang dalawa na nasa kaniyang harapan, ay wala siyang balak na pigilan ang mga ito hanggat maaga pa. Sapagkat ang kaniyang nais na mangyari ay madala ang kanilang princesa sa kaniyang panginoon na si Lucifer, ang maibalit ito sa kanilang mundo ang magbibigay sa kanilang lahi nang magandang simula sa pagsakop sa sangkatauhan.
Samantala sa kasalukuyan ay makikita sila Ariana na seryoso habang nakatingin sa kasalukuyang nagaganap na laban sa ibaba, nararamdaman nila mula doon ang kakaibang enerhiya nang kalaban na animo'y hindi man lamang natitibag kahit na anong gawin nang dalawang indibidwal na kinakalaban nito.
Ang nilalang na kalaban nila Alicia at Shawn ay alam nilang hindi ordinaryong kalaban, subalit ang ganitong nakakabahalang pakikipagsabayan nito kila Shawn at Alicia ay isang malaking banta. dahil kung ganun ay pinaglalaruan lamang nito ang kaniyang kalaban nang walang kahirap hirap...
BINABASA MO ANG
Legends of God's Children [School of Magic]
AdventureLegends of Gods Children: Volume 1 - School of Magic Genre: Action, Fantasy, Adventure In the year 2100, humanity is on the brink of extinction. The world has been overrun by demonic forces, remnants of biblical lore now wreaking havoc on Earth. As...