Chapter CL

70 17 0
                                    

Chapter CL: A Giant Monster

---

MULA sa ilalim nang lupa ay mayroong malaking nilalang ang mabilis na umaahon, ang malaking nilalang na ito ay mayroong tinatakasang nilalang na walang pahintulot na pumasok sa kaniyang teretoryo.

Samantala sa itaas nang bundok ay isa isa nang naalarma sila Markus, Lucy, Grey, Akari, Jarvis, Jay-ar, Dylan at Elton, dahil ang kalupaan ay nararamdaman na nilang yumayanig.

Animo'y ano mang oras ay guguho ang mataas na bundok na iyun dahil sa nagaganap na pagyanig na iyun, samantala sa kasalukuyan ay biglang nagkagulo ang mga tao na nagsisilikasan sa ibaba nang bundok.

Nataranta ang mga ito nang bigla na lamang lumindol, dahil doon ay nagsi-pulasan ang mga tao. At nagunahan ang mga ito sa pagtakbo, ang mga maliliit na kabahayan ay kaagad na nagsitumbahan dahil sa pagyanig nang kalupaan.

Ang mga sanggol na hawak hawak nang kanilang mga magulang ay nagsi-iyakan, animo'y nararamdaman nang mga batang ito ang masamang mangyayari sa kanilang paligid.

Sila Ariana at Rev ay hindi na nagdalawang isip pa, at kaagad silang lumipad pababa kung saan maraming mga nagkakagulong mga tao. Ang ilan nga sa mga tao na naroroon ay napansin ang pagbaba nang dalawang indibidwal na nababalutan nang kakaibang liwanag, ang mga ito ay nabuhayan nang loob nang kanilang makita ang dalawang pigura na bumama mula sa kalangitan.

Sila Ariana at Rev ay kaagad na kumilos, sa pamamagitan nang kanilang enerhiya ay lumikha sila nang guhit nang liwanag sa himpapawid. Ang mga guhit na iyun ay naglikha nang mga salita.

"Kailangan ninyong Lumikas, Huwag kayong mag-alala nandito kami para kayo ay tulungan na makalikas".

Iyun ang nakasulat at nang mabasa nga iyun nang mga tao, ay kaagad na nahinto ang pagkakagulo nang mga ito. Si Ariana ay kaagad na itinuro ang daan kung saan maaring lumikas ang mga tao, kaagad na hinawi ni Ariana ang bahaging iyun sa pamamagitan nang kaniyang enerhiya.

Ang mga gumuhong kabahayan sa bahaging iyun ay kaagad na nilipad nang malakas na bugso nang hangin na nilikha nang enerhiyang iyun ni Ariana, kaagad na nagtungo doon ang mga tao upang makalikas. Si Rev naman ay nagpatuloy sa kaniyang pag-oobserba sa paligid, pinakikiramdaman din niya kung saang parte nang kalupaan lalabas ang nilalang na iyun.

Ang nilalang na tiyak na magiging banta sa kanilang lahat na naririto ngayon sa lugar na ito, samantala sila Shawn, Baal at Alicia ay napalingon sa pinagmumulan nang enerhiyang iyun.

Si Baal ay nagtataka sa kaniyang nararamdamang enerhiya, sapagkat ang enerhiya na kaniyang nararamdaman ay medyo pamilyar sa kaniyang sistema. Sa kaniyang palagay ay mayroong malakas na nilalang ang nagsisimula nang umahon mula sa kalupaan.

Samantala si Edrian naman ay naalarma dahil sa enerhiyang iyun, napansin na din niya ang unti-unting pagkakaroon nang mga bitak sa bundok na iyun.

Kaya naman kaagad niyang inihanda ang kaniyang sarili, dahil ano mang sandali mula ngayon ay madaragdagan ang kanilang problema sa lugar na ito.

Si Baal naman ay hindi makapaniwala sa kaniyang kasalukuyan kalagayan, hindi niya lubusan na maisip na sa kabila nang lahat ay mayroon pa palang ilalala ang kaniyang kinakaharap na problema.

Kung sabagay ay kaya niyang kaharapin ang mga ito nang sabay sabay, sa palagay niya ay kaya niyang pahirapan ang lahat nang mga naririto kahit siya lamang mag-isa.

Samantala sila Dyanta at ang kasama nito ay tuluyan nang naglaho, ang kanilang katawan ay mabilis na naging abo. Ang kanilang diwa ay nagising sa isang madilim na silid, ang dalawa ay tila binuhusan nang malamig na tubig nang kanilang mapagtanto kung nasaang lugar sila sa ngayon.

Ang lugar kung saan sila napunta ay ang pinaka-ilalim na kulungan nang Tower Of Bemoth, ang tore kung saan ay ikinu-kulong ang mga kagaya nila na hindi sumunod sa mga pinag-uutos nang kanilang panginoon.

Hindi sila makapaniwala na makukulong sila sa lugar na ito, dahil lamang sa mga batang iyun. Samantala si Astaroth ay naikuyom ang kamao nang ang dalawang singsing na kaniyang hawak ay tuluyan nang naging abo, at ang kahulugan nang pagka-abo nang mga singsing na iyun ay ang pag-palpak sa misyon nang kaniyang dalawang alagad.

Na kaniyang inutusan para sunduin si Baal, hindi niya lubos akalain na hindi magagawa nang matagumpay nang kaniyang mga alagad ang misyon na kaniyang inatang sa mga ito. Kung sabagay ang kaniya lamang nakuhang singsing ay isang mababang uri lamang nang kagamitan na kayang ipadala sa ibang mundo ang mga diyablo.

Marahil ay mayroong malaking dahilan kung bakit nabigo ang mga ito sa kanilang mga misyon, hindi niya naman maaaring paslangin ang dalawang ito dahil ang dalawang ito ang kaniyang mga pinaka-pinagkakatiwalaang mga tauhan.

Samantala sa kasalukuyan ay makikita si Shawn na seryoso habang sa kaniyang kalooban ay nakikipag-usap na siya kay Hades, napuno nang mga tanong si Hades mula kay Shawn. Si Shawn ay tinanong si Hades nang tungkol sa kakaibang nangyayari sa ilalim nang lupa, ang pinagmulan nang malakas na enerhiya na kaniyang nararamdaman kanina.

Si Hades ay hindi alam kung ano ang isasagot sa kaniyang tagapagmana, sapagkat hindi niya batid kung ano ang mga nagaganap sa kasalukuyan.

Ang nilalang na pinagmumulan nang enerhiya na kaniyang nararamdaman ay hindi pamilyar sa kaniya, subalit naalarma siya sa kalidad nang enerhiya na tinataglay nang nilalang na mabilis na umaahon sa lupa.

Samantala ang nilalang na umaahon mula sa ilalim nang lupa ay napahinto sa kaniyang paglipad paitaas, sapagkat mayroong dalawang higanteng galamay ang bigla na lamang pumulupot sa kaniyang mga paa. ang nilalang ay naalarma dahil nagawa na siyang maabutan nang kaniyang kalaban.

Ang kaniyang pagkilos ay naudlot dahil sa mga galamay na iyun, samantala sa isang bahagi nang bundok ay mayroong isang maliit na lagusan ang lumitaw mula doon. ang lagusan na iyun ay isang uri nang lagusan na nagtataglay nang kakaibang enerhiya, ang enerhiya na nagmumula dito ay kakaiba dahil ang enerhiya na ito ay nagmumula sa kailaliman nang mundo.

Kung saan nagmula ang malaking nilalang na kasalukuyang palabas sa lumitaw na lagusan, samantala si Shawn ay hindi makapaniwala sa mga sagot sa kaniya ni Hades. Hindi niya lubos akalain na hindi siya magagawang tulungan ngayon nito, dahil umano ay hindi nito alam ang nilalang na pinagmumulan nang enerhiya na kanilang nararamdaman.

Samantala ang mga galamay na nakapalupot sa mga naglalakihang mga paa nang halimaw ay mabilis na bumitaw, ang mga kaibigan nila Shawn ay naalarma nang kanilang makita ang paglitaw nang higanteng nilalang mula sa kanilang haran pan.

Sila Jay-ar ay kaagad na kumilos, at mabilis na lumipad papalayo. Habang ang iba naman ay nagsi-kaniya kaniya na munang umalis sa kanilang kinaroroonan. Nang makaalis ang mga ito ay kaagad na gumuho ang bahaging iyun nang kabundukan.

Samantala maririnig ang malakas na pagbalahaw nang halimaw na lumitaw Mula sa kakaibang lagusan, ang mga kasama ni Shawn ay hindi makapaniwala sa itsura nang nilalang na kanilang nakikita sa kasalukuyan.

Isa itong higanteng nilalang na mayroong dalawang naglalakihang mga paa at mayroon itong malapad na pangangatawan at mga matatalas na mga kuko sa dalawa nitong malaking mga kamay.

Ang halimaw na iyun ay maihahalintulad sa isang malaking butiki subalit ang isang ito ay nagagawang makatayo.

Samantala Sila Ariana ay naalarma nang kanilang maramdaman ang kakaibang enerhiya, kung saan nila maramdaman ang paglitaw nang isang lagusan.

Hindi makapaniwala si Ariana sa kaniyang nararamdaman na enerhiya Mula sa nilalang na lumitaw Mula sa lagusang iyun.

Ang enerhiyang tinataglay nang nilalang na iyun ay sa tingin Niya ay umaabot sa SSS+ Class Devil Rank.....

:A/n:

Alam ko na mali yung dulo nakalimutan ko hahaha.

Simula bukas mag upload ako nang mga new chapter nang LOGC.

Sana po ay patuloy ninyo itong suportahan at sasabihin ko na kung ilang chapter pa ba ang Vol 1 na ito.

Fix na po siya na up to Chapter 200 ang Vol 1 nang ating istorya....

Legends of God's Children [School of Magic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon