Chapter LXXVIII

73 19 0
                                    

Chapter LXXVIII:The Inheritor’s Of Two Known God’s

---

ANG mga manonood ay natuon ang buong atensyon sa pwesto kung saan naroroon ang dalawang bata na kapwa na naglalabas ng malakas na presensya, ang mga nakakita ng mga pangyayari sa pagitan ng dalawa ay hindi makapaniwala sa kanilang nasasaksihan.

Sila Lucy, Grey, Akari, Jay-ar at Markus ay napatingin sa pwesto kung saan nila nararamdaman ang dalawang malakas na presenya na kaninag nararamdaman, kahit makapal ang bumabalot na usok sa kanilang paligid ay malinaw nilang nararamdaman ang presensya na iyun.

Si Lucy nga ay sinubukan na kumawala sa nakabalot na yelo sa kaniyang katawan, sapagkat ang presensya na kaniyang nararamdaman ay nagmumula kay Shawn. Hindi niya akalain na maagang ipapakita nito ang tunay nitong lakas, sa kaniyang pagkaka-alam ay ilalabas lamang ni Shawn ang kaniyang tunay na lakas kapag may kalaban na ito na nararapat nitong pang-gamitan ng kaniyang buong lakas.

Kung nilabas nga talaga ni Shawn ang kaniyang buong lakas, ay ibig sabihin ay sadyang malakas ang kasalukuyan nitong kaharap. Si Lucy nga ay napatingin na nga lamang sa kanilang kalaban na si Edrian, hindi siya makapaniwala sa tibay na mayroon ang taglay nitong elemento ng yelo. Hindi niya inakala na ganito pala ito katibay kapag ang gumagamit nito ay talagang malakas.

Ang tibay ng Ice Magic na taglay nito ay napakatibay at dahil sa sobrang lamig ng yelo na ito ay nahihirapan si Lucy na kumawala sa kapangyarihan nito, samantala ang kasama naman niyang si Grey ay kasalukuyan na nakatingin lamang sa kalaban nilang si Edrian at sa kaniyang palagay ay inaanalisa nito ang bawat ginagawa ni Edrian.

Hindi niya inasahan na hahayaan lamang nito na mahuli siya ng atake na ginawa ng kanilang kalaban, kung alam lang ni Lucy na makukulong lamang sila sa malaking tipak ng yelo na ito. Ay hindi na sana niya sinunod ang plano nito, dahil sa kaniyang palagay ay hindi umayon ang lahat sa hinandang plano ni Grey.

At mukhang hindi pa ito ang tamang sandali para kanilang kalabanin si Edrian, lalong lalo na dahil alam nito ang kani-kanilang mga kakayahan at kung ipipilit man nila ang kanilang ninanais laban dito ay tiyak na matatalo lamang sila.

Si Lucy nga ay nanahimik na lamang mula sa kaniyang pwesto, ayaw man niya ng ganito pero mukhang kailangan niya munang tiisin ang lamig ng temperatura na kaniyang nararamdaman. Samantala si Grey naman ay kasalukuyan na pinag-iisipan ang kaniyang mga susunod na gagawin, sapagkat ang kaniyang plano kanina ay madali lamang na tinalo ng kanilang kalaban.

Hindi niya inakala na ganito kahusay ang kaniyang guro na si Edrian, ang taglay na lakas at kalidad ng Ice Magic na tinataglay nito ay napakalayo sa kaniyang kasalukuyang kakayahan. Mukhang hinayaan niya na pangunahan siya ng kaniyang pagiging makasarili dahil sa aksyon na kaniyang ginawa, dahil aksyon na ginawa niyang iyun ang naglagay sa kanila ngayong sitwasyon.

Hindi nila magawang makawala sa pinatigas na yelo ng pinakawalan ni Edrian, nagawa nitong paralisahin ang kanilang pagkilos at binalot ang kanilang katawan ng napaka-kapal na yelo. At kahit anong pagpupumiglas nilang dalawa ni Lucy ay hindi sapat para masira ang makapal na tipak ng yelo.

Sa kaniyang palagay ay ang tangi lamang na makapag-kawala sa kanilang dalawa ay walang iba kundi ang kanilang kaibigan na si Shawn lamang, dahil si Shawn lamang ang alam niya na kayang tunawin ang bloke ng yelo na ito nang maiksing panahon lamang. Subalit mukhang matatagalan ito dahil sa kasalukuyan ay nararamdaman niya ang presensya nito na bigla na lamang lumakas, at base sa presensya na kaniyang nararamdaman sa paligid ay mayroong malakas na kalaban ang kaibigan niyang ito.

Samantala si Caleb naman ay napa-seryoso ng kaniyang maramdaman ang presensya ni Shawn, hindi siya makapaniwala sa kasalukuyang presensya na nagmumula dito. Hindi siya makapaniwala na ang batang ito ay isa lamang sampung taong gulang, dahil ang batang ito ay ang kasalukuyang pinakabatang S ranker na kaniyang nakita sa buong buhay niya.

Legends of God's Children [School of Magic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon